Forevermore. (Wakas)

7.1K 240 22
                                    

General POV

"What did I miss, Bro?.. Sabi ko na nga ba eh, hindi ka seryoso sa pinag-usapan natin.. Congratulation, sinagot ka na ba ni Karylle?."

Nakukuyom na ni Vice ang mga kamay sa sobrang galit. Masama nitong tinignan ang nakatatandang kapatid.

"It's not what you think Bro." depensa ni Christian.

"It's not what you think?.. Nahuli ko kayong magkayakap tapos It's not what you think padin?!.. Ano ba sa tingin nyo ang iisipin ko?!" galit na sabi ni Vice.

"Vice, let me explain." sabat naman ni Karylle.

"No Kaloy. Sapat na ang nakita ko." walang reaksyong sabi ni Vice bago dirediretsong naglakad paakyat ng hagdan.

"Sundan mo na sya Karylle." mahinang sabi ni Christian.

Tinapunan muna ng sulyap ni Karylle si Christian bago nagmadaling umakyat ng hagdan para sundan si Vice. Naabutan nya itong nagbubukas ng pintuan ng kwarto nya. Dahil siguro sa galit kaya hindi agad maisuot ni Vice ang susi sa doorknob ng kwarto nya.

"Vice.."

"Bakit ka pa sumunod? Doon ka na sa Christian mo."

Sa wakas ay nabukasan na ni Vice ang pinto. Pagkapasok nya ay akmang isasara na nya ulit ang pinto ngunit agad namang napigilan ito ni Karylle.

"Sandali nga Vice! Ano ba!.. Mag-usap muna tayo!" mangiyak ngiyak nitong sigaw.

"Wala na-----"

Hindi na natapos ni Vice ang sasabihin nya nang biglang hagkan ni Karylle ang labi nito. Nagulat si Vice kaya hindi ito nakatugon sa halik.

"Thank god, tumahimik ka din." bulong ni Karylle. She wrapped her arms on his neck. Sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. "Let me explain first. Please?"

Hindi padin nagsalita si Vice kaya nagpatuloy nalang si Karylle.

"Pumunta ako dito, hindi dahil sayo."

"Hindi naman pala dahil sakin, eh bakit-----"

"Sssshhh!!! Sabing let me explain first eh!" inis na putol ni Karylle habang nasa leeg padin ni Vice ang mga kamay nya. Napakagat labi nalang si Vice.

"Ganito kasi yun... Pumunta ako dito para kausapin ang kuya mo.. Sasabihin ko na sakanya na ikaw pinili ko at hindi sya pero naunahan na nya ako.. He said na ayaw na nyang maging hadlang sa kaligayahan mo.. And alam nya daw na mahal padin kita." mahabang paliwanag ni Karylle.

"Bakit? Mahal mo padin ba ako?" tanong naman ni Vice. Tumingala naman si Karylle na tila nag-iisip.

"See?. Sabi ko na nga ba eh.. Nag-iisip ka pa." may pagtatampong tonong sabi ng binata bago humiwalay kay Karylle.

"Ang childish mo!"

"Oh childish pa ako ngayon.."

Tinalikuran ni Vice si Karylle at dumiretsong pumasok sa loob ng kwarto. Sumunod naman sakanya ang dalaga.

"Vice naman ih!" napapout nalang si Karylle.

"Don't pout your lips. You're not cute." nakasimangot na sabi ni Vice.

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko, don't pout your lips. You're not cute."  he smirked.

"So you don't smirk also! You're not cute! But Ian is cute!" ganti ni Karylle.

Napalingon naman agad si Vice kay Karylle nang marinig ang pangalan ng kuya nya. Nilapitan nya si Karylle at hinalikan ito sa labi. Di naman napigilang tumugon ni Karylle.

My Pretty BoyfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora