Stalker

4.9K 204 55
                                    

Karylle's POV

From: 09**********

"I'm sorry for what I have done before. I hope we'll meet again. I miss you."

I'm now at my work. Pero hindi ko mapigilang isipin kung kanino nanggaling itong text message na 'to na nabasa ko kanina paggising ko. Ayokong mag-assume pero baka sya nga ang nagtext.

"Huy K... Tulala ka nanaman dyan." saway sakin ni Angel habang nagliligpit ng ilang papel na nakakalat sa counter.

"Ay Mam Angel, sorry po." paumanhin ko.

"Sabi ko naman sayo, Angel nalang itawag mo sakin... Halos magkasing-edad lang tayo." she said then smile at me. Ang bait talaga ng boss kong 'to, maganda pa.

"Sige... Angel." nahihiya kong sabi.

Nakita kong may bagong dating na costumer. Pero mukhang sya pa ang makakasira ng araw ko. Dirediretso itong nagtungo sa counter. Sa harap ko. Aba nakangiti pa ang g*go. Pasalamat sya katabi ko si Angel kundi may sapak na 'tong Vice na 'to sakin.

"Welcome to Angel's Sweets... Ano pong gusto nila?" I fake my smile.

"Ikaw." nakasmirk nyang sabi. Aba, ang kapal ng mukha.

Tinitigan ko sya ng masama kaya napaseryoso ang mukha nya.

"Ay K, sandali lang ha.. May ibe-bake pa pala ako sa kusina." paalam ni Angel bago nagtungo sa kusina. Sinundan ko lang sya ng tingin patungo sa kusina.

Nang mawala na sa paningin ko sa Angel ay agad na akong nagbaling ng tingin sa harap ko. But when I turned my head, I saw Vice staring at me. Nakalean sya sa counter at sobrang lapit na ng mukha namin. Nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi agad nakapagsalita. Then I saw him smirked again bago nagsalita without leaving his gaze on my face.

"Ang ganda mo pala kapag naayusan." he smirked pero nagseryoso din yung mukha nya. "Please, let's talk."

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sobrang lapit padin ng mukha nya sakin. "Jusko, bakit ganito? Bakit bumabalik yung feelings? Lord naman eh." sa isip ko. I blinked my eyes then step back.

"Di ba sinabi ko sayo?.. Ayoko nang makita ka?.. Umalis ka na nga dito!" pagtataboy ko. Again, he smirked. My god, wag kang gumanyan.

"I am a costumer, bakit mo ko tinataboy?.. Gusto mong tawagin ko yung manager mo?" pagbabanta nya.

I rolled my eyes.

"Vice please, wala na akong panahon para makipag-usap sayo... I hate you." nakita kong napalunok sya. Naapektuhan yata sa I hate you ko. "Umalis ka na.. Nagtatrabaho pa ko.. Tignan mo oh, ang dami nang nakapila." turo ko sa mga tao sa likod nya. Tumingin din naman sya.

Napayuko si Vice at dahan dahang tumalikod sakin. Naglakad na sya palabas ng bake shop. Hay salamat.

= = = =

It was a busy day. Sobrang dami ng costumers kaya pagoda ang beauty namin. After namin magligpit kasama si Angel at iba pang mga crew, ay nagkanya kanya na kami. Ako nalang ang natira sa tapat ng bake shop dahil sa pag-aabang ng taxi. Pero late na, kaya mukhang wala nang dadaan. Magji-jeep nalang ako.

Anak ng kamalas-malasan, mukhang uulan pa yata. Wala pa naman akong dalang payong. Ayan, bumuhos na nga ang ulan. I got panic. Nilagay ko ang bag ko sa ulunan ko para hindi ako magkasakit. Wala na kasi akong masisilungan. Sarado na yung bake shop. Nasan na ba kasi yung jeep!

Naramdaman ko nalang na parang hindi na ko nababasa kaya tumingala ako. May payong? Kunot noo kong tinignan kung sino ang may hawak ng payong. And there, nakita ko nanaman si Vice na seryosong nakatingin sakin.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now