The Proposal

7K 222 17
                                    

Kinabukasan ay nagising si Vice sa sobrang kirot ng ulo nya dahil sa sobrang kalasingan kagabe. Nagtaka lang sya dahil wala syang katabi ngayong babae sa kama at wala din syang maalala sa mga nangyari kagabe. Chineck nya muna ang phone nya bago tumayo ng kama at naghubad ng damit tsaka dumiretso sa loob ng banyo para maligo.

Samantala....

Maagang bumalik ng condo si Karylle para singilin ang pasahero nyang lasenggo kagabe. Hapong hapo syang kumatok sa pintuan ng condo pero walang lumalabas. Dahil bukas ang pintuan, dahan-dahan nya itong binuksan.

"Bossing? tao po?" tawag ni Karylle ngunit wala syang nakitang tao.

Nang makapasok sya ng tuluyan ay biglang bumukas ang pintuan ng banyo lulan ang isang lalaking nakatapi lang ng towel sa ibaba. Napakagat labi naman si Karylle nang makita ang macho nitong katawan.

"Who are you?" kunot noong tanong ni Vice.

Medyo nagulat pa si Karylle dahil sa manly voice nito.

"Ahh... A-Ako po yung taxi driver kagabe na naghatid sainyo... K-Kunin ko lang sana yung bayad." kabadong sambit ni Karylle.

Tinitigan muna sya ni Vice pababa. Naka-Tshirt sya na napapatungan ng pula nitong jacket, maong na pantalon at maruming converse sneakers. Mukhang lalaki ang porma ni Karylle dinagdag pa ang short hair nito.

Maya maya pa ay nagring ang phone ni Vice.

"Sandali lang Brad, may kakausapin lang ako." paalam ni Vice bago tumalikod papunta sa closet at sinagot ang tawag.

"Brad? Ako?.. Eh mas maganda pa ko sa babae kagabe." bulong ni Karylle sa sarili.

"Hello Babe?.... What?... Teka, anong gay?!.. Tsk! Hindi ako bakla!.. How dare you call me gay?!. Lalaki? Wala akong kasamang lalaki kagabe?!. Wait, maliit? maiksi ang buhok? maputi?" napalingon naman si Vice kay Karylle. "Look, Georgina, I hate this conversation.. Get lost!!" sabay end ng call.

Nanlaki nalang ang mata ni Karylle nang marinig ang galit na pakikipag-usap ni Vice sa telepono. Bigla nyang naalala yung nangyari kagabe. "Hala lagot!" sa isip nya.

"Brad, did you see a girl last night nung hinatid mo ko?" biglang tanong ni Vice.

Napalunok naman si Karylle bago tumango.

"So ikaw pala yung tinutukoy nya?" napasmirk nitong sabi. "Hindi ka naman siguro bakla?"

"Hindi ha!" alma naman ni Karylle. "Mukha ba kong bakla? Duh?!"

Muling natawa at nailing si Vice. Kumuha sya ng pera sa wallet at binigay kay Karylle. Agad naman itong tinanggap ng huli.

"Salamat po Bossing.. Sige po, batsi na ko." paalam ni Karylle ngunit pinigilan sya ni Vice.

"Pwedeng pakihintay nalang ako?.. Wala kase yung kotse ko kaya magpapahatid ako sayo sa resto." -Vice

"S-sige po." -Karylle

Naupo muna si Karylle sa couch at hinintay si Vice magbihis. Maya maya pa ay lumapit ito sakanya.

"Brad, marunong ka ba nito?." napakamot sa ulong tanong ni Vice.

Unti unting tumaas ng tingin si Karylle dahil napanganga nanaman sya sa kagwapuhan ng nasa harapan nya.

"Uy Brad? Marunong ka ba magnecktie?" -Vice

"Ay oo Boss, akin na po." -Karylle

Naupo sa tabi ni Karylle si Vice at humarap sakanya. Bagamat naiilang, ay naitali naman nya ng maayos ang necktie nito. Habang nagtatali kase sya ay nakatitig lang si Vice sa mukha nya.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now