Meet my Bro.

5.8K 184 11
                                    


"Brad, nababakla ka na kay Kaloy."

Ilang araw nang iniisip ni Vice ang sinabing ito ni Vhong. Palagi nyang tinatanong sa sarili kung nababakla na ba sya kay Kaloy. Pilit nyang pinakiramdaman ang sarili. Naiirita sya kapag may ibang lalake o babaeng nakakasama si Kaloy. Gusto nyang palaging kasama si Kaloy. At gusto nyang palagi nasa kanya ang atensyon ni Kaloy.

"No.. I'm not gay." bulong nya sa sarili.

Lumabas nalang sya ng opisina para magpahangin sa veranda ng resto. Napansin nya namang nag-uusap sila Karylle at Vhong sa counter habang nagtatawanan.

"Uy nagbake ako ng cake para sayo, Kaloy." nakangiting sambit ni Vhong.

"Talaga? Patikim nga!" -Karylle

"Tara sa kitchen." -Vhong

Akmang susunod na si Karylle kay Vhong nang may humawak sa braso nito.

"Bakit Vice?" tanong ni Karylle

"May ipagagawa ako sayo." seryosong sambit ni Vice bago hatakin si Karylle.

Hindi na nakapagpaalam si Karylle kay Vhong dahil hila-hila na sya ni Vice papalabas ng parking lot sa tapat ng resto.

"Anong ipapagawa mo?" naiiritang tanong ni Karylle.

Kumuha naman ng timba at hose ang binata at nilapag sa tapat ni Karylle.

"Wash my baby." seryosong sambit ng binata.

"Ano?!.. Paghuhugasin mo ko ng kotse mo?.. Bahala ka dyan!.. Kakain pa kami ni Vhongskie." pagsusungit naman ni Karylle.

Tinalikuran nya ang binata at naglakad pabalik sa resto. Ngunit bago pa sya makalayo ay may naramdaman na syang malamig sa likod nya. Agad syang napalingon sa binata.

"Vice naman!.. Bakit mo ko binasa!" iritadong sambit ni Karylle habang nakangisi naman ang binata.

"Konti lang naman... Dagdagan natin." -Vice

Nagulat pa si Karylle nang tutukan sya ni Vice ng hose sa mukha kaya nabasa na sya ng tuluyan.

"Vice! ggrrrr!!" -Karylle

Inagaw naman ni Karylle ang hose sa binata sabay ngiting nakakaloko.

"Makulit ka ha." -Karylle

"Hoy Kaloy!.. Te-teka, wag mo----" -Vice

Hindi na nakapalag si Vice nang sya naman ang basain ni Karylle.

"What the!" -Vice

"Ooppss! Ikaw ang nanguna!" Karylle chuckled. Napangiti nalang si Vice sa kakyutan nito.

Akmang lalapitan ni Vice si Karylle ngunit lumayo agad ito at muling tinutok sa mukha ng  binata ang hose. Di naman nagpatinag ang binata kaya nahablot nya si Karylle at pilit inaagaw ang hose. Tila basang sisiw na ang dalawa na parang mga batang naghaharutan sa parking lot.

Nakatanaw lang naman sila Vhong, Ryan, Teddy at Tatang Kim sa dalawa.

"Tignen mo sila... Konti neleng meg-iisip ne ko ng samteng." sambit ni Teddy.

"Ang shweet nila Koya Baysh tsaka.... Ang cute ni Kaloy." dagdag naman ni Ryan.

Natawa nalang si Vhong sa sinabi ng dalawa. Ngunit sa isip nya ay "may something naman talaga" sa dalawa.

"Hay nako, magsibalik na tayo sa trabaho.. " saway naman ni Tatang Kim.

Tuloy lang sa pagbabasaan sila Vice at Karylle. Kapwa utas sa tawa ang dalawa.

My Pretty BoyfriendWhere stories live. Discover now