Game over

2.5K 68 6
                                    

8 AM in the morning.

Sabay umalis si Lisa't Mina papuntang Bruschweiler University. Pagdating sa school, naghiwalay na sila ng landas. Si Mina ay papuntang office para magenroll at si Lisa naman ay papuntang room.

Sa Class

Nagdidiscuss ang professor nila about sa meeting ng parents para sa camping at tour na gaganapin sa Japan. Pagbukas ng pinto ng Lisa ay agad nagtinginan sa kanya lahat. Naginit agad ang ulo ni Jennie sa kanya.

"Sorry I'm late." Nakayukong sabi nya.

"Miss Manoban, 1 and a half week ka di pumasok tapos ngayon late ka?" Pagalit ng professor nito.

"Sir, nagkasakit po kasi ako. Don't worry may dala naman po akong med cert." nakayukong sagot nya."

"I don't need that. Ano ba tingin mo dito sa klase ko? Magpaparamdam ka lang kung kelan mo gusto? Tapos ano? Pagdating mo late ka pa. At tignan mo yang itsura mo. Para kang di naliligo." Nagtawanan naman ang mga kaklase nito.

"Sir, hindi naman talaga naliligo yan. Ilang bwan na kaya? Yung buhok nya oh parang hindi nakaexperience ng shampoo." Gatong ni Jennie.

"I want to talk with your parents, Miss Manoban. Siguraduhin mong dadating sila mamaya."

"Sir, hindi po sila makakaattend."

"Pag di sila nakaattend, ibabagsak na kita. Pasensyahan na tayo."

"Sir di naman yata tama po yan. Babawi naman po ako and matataas naman po nakukuha ko sa quizzes."

"Wala makakapagbago ng isip ko. Go to your seat."

"Sir di po pwede. Bakit ganun? Sila Jennie Kim ayos lang kahit magmura mura dito? Kaming mga tahimik lang ang ibabagsak nyo?"

"Sinusubukan mo ba ko? Sumasagot sagot ka na talaga? Pano ka ba pinalaki ng magulang mo?"

"Sir, wag nyo naman po idamay magulang ko dito."

"Umupo ka na kundi di ako magdadalawang isip na ipakick out ka dito."

"Sorry po."

"Haha buti nga. Dapat yan makick out na." Gatong ni Jennie. Tinignan lang sya ni Lisa at pinakyuhan nya to.

"Titingin pa e." Sabi ni Jisoo.

"Lali, musta ka na? Ok ka na ba? Wala ka na sakit?" Tanong ni Seulgi.

"Ayos lang ako. Pupunta ba parents mo mamaya?"

"Yup. May sasabihin pala ako sayo mamaya. Section 1 and 2 lang may meeting dahil tayo lang naman may tour. Excited ka na ba?"

"Ano naman sasabihin mo? Really Seulgs? Maeexcite ba ko kung kasama natin yang mga demonyong yan?"

"Excited na ko. Wala naman akong pakelam sa mga yan kaya ang mahalaga kasama natin sila Yeri."

"Haha tama ka nga. Tara makinig na tayo."

"So class, as mentioned before, section 1 and section 2 lang ang magkakaron ng tour. Maghanda kayo ng mga gamit nyo at siguraduhin nyong kumpleto at maayos ang mga dadalhin nyo. Di pwede humiram sa kaklase.."

"Sir, saan po ba magtotour?" Tanong ni Lisa.

"Hindi ka makakasama. Hindi pupunta parents mo di ba? Sa Japan."

"Tanong lang naman sir. Baka po ksi makahabol sila."

"And please lang kung makasama ka man, maligo ka at magtoothbrush. Kailangan ko rin talaga kausapin magulang mo sa pagpapalaki sayo. No offense pero parang ang tamad mo sa sarili mo."

"Sir di naman po—"

"Anong hindi? Amoy na amoy namin dito kabahuan ng kaluluwa mo. Mas malala ka pa sa basura."

"Ganun ba?" Pangaasar ni Lisa.

Bell rings.

"In 10 mins, make sure na nasa meeting room na kayo kasama ang mga parents nyo." Paalala ng professor bago ito umalis.

Dumaan si Jennie sa likod ni Lisa. Nakita nyang nagfafacebook si Lisa at agad naman nyang hinablot ang cellphone nito.

"Huli ka! May facebook ka pala ha?!" Sabi ni Jennie na kinagulat ng lahat.

"Uhm what do you mean? Of course may fb ako. Give me my phone!"

"Haha anong klaseng fb name to? La Lisa? Haha so jologs." Sabay hagis ng phone ni Lisa sa kanya.

"Sunduin na natin sila mommy sa baba. My ghad ayoko malate." Sabi ni Tzuyu para mabaling sa iba atensyon nila Jennie.

"Tara na nga. Ang baho talaga dito grabe." Pahabol ni Jisoo.

7 mins.

Dumating na ang parents nila Jisoo, Jennie, Tzuyu at Irene. Malaki ang meeting room kaya may mini stage ito at mic para maayos ang meeting na gagawin. Ilang minuto pa, may biglang dumating na di nila inaasahan.

"Sorry, are we late?"

Agad naman nagulat ang lahat sa nakita nila.

"Miss Kang, no you're not. Where are your par—" naputol ang pananalita ng professor nila nang makita ang may ari ng Kang Executive Village, ang parents ni Seulgi.

"My parents."

Nagulat sila sa itsura ni Seulgi. Wala silang masabi dahil sobrang ganda nito. Kabaliktaran sa Seulgi na nilalait at pinagtatawanan nila.

"Seulgs! Dito!" Tawag ni Wendy.

Napatingin sya sa row nila Jennie dahil laki rin gulat ng mga ito.

"Shit. Bakit di mo man lang samin sinabi?! Look at you. Kung sana dati palang ganyan ka na manamit eh di sana di ka na nilalait." Inis na sabi ni Joy.

"Haha don't worry guys, planado to. It's our time."

20 mins na ng dumating ang parents ni Lisa. Nagbibigay ng speech ang papa nya. Mga ilang minuto pa, dumating na rin sya.

(Outfit ni Lisa)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Outfit ni Lisa)

Sa gulat ni Jennie, di nya namalayang nakatulala lang sya at bukas ang bibig nya habang nakatingin kay Lisa.

"Sir, excuse me." Sabi ng professor nila.

"Miss Manoban, nasan na parents mo? Di ba sabi ko sayo I wanna talk to the—"

"Mom, dad. Gusto daw kayo makausap ni Sir." Sabi ni Lisa sa magulang nya at tinuro ang professor.

"What about?" Sabi ng tatay nito. Gulat na gulat ang lahat sa revelations na nagaganap at nanliit lahat ng umapi at nanlait kay Lisa. Umakyat si Lisa sa stage at inakbayan sa balikat ang professor.

"Sir, di ba may sinasabi ka kanina? Ano nga yun? Ibabagsak mo ko pag di mo sila nakausap?" Nanginginig sa gulat ang professor nila.

"Wa-wala...I..I didn't mean that Miss Manoban..ang totoo nga nyan..ah..eh bat kita ibabagsak? Ang tataas ng grades mo.."

"Go on. Say it to my face." Sabi ng tatay ni Lisa.

Natatawa lang si Lisa at pumunta na sa seat nya. Napatingin lang sya kay Jennie at naabutang nakatitig sa kanya ito. Natauhan naman bigla ang dalaga kaya lumingon sya kay Jisoo at kunwaring kinausap ito.

"Game over, bitch." Nakangiting bulong ni Lisa sa sarili.

/

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now