INSECT

2.6K 65 16
                                    

10 AM ang flight nila papuntang Japan. 6 AM ay dapat nasa school na sila para sa iaannounce na seat number sa plane. Halos kumpleto na sila sa meeting room maliban kay Lisa, kaya nagsimula na rin magsalita ang professor nila.

"So makinig kayong lahat. Please listen pag tinawag ko ang pangalan nyo, lumapit sakin para kunin ang ticket. Understand?"

"Yes sir." Sagot ng lahat.

Inip inip na si Jennie at di mapakali. Pansin nyang wala pa si Lisa kaya hinihintay nyang bumukas ang pinto ng meeting room. Mga ilang minuto pa, konti na lang ang hindi pa natatawag. May pumasok bigla sa room at..

"Mr. Reyes, okay na ba yan?" Sabi ng co-teacher.

"Ohh bullshit." Inis na inis na singhal ni Jennie dahil umasa syang si Lisa ito. Pagtapos ng sampung minuto, dumating na rin si Lisa at tahimik na umupo sa harap ni Irene. Hawi ng hawi ng buhok si Jennie dahilan para mapansin sya nila Jisoo.

"Bat ba hawi ka ng hawi? Ikaw ba si buhawi? Nakakagigil ka na." Inis na sabi ni Jisoo.

"Wala lang, bakit? Ganda ko e." Napalakas na sagot ni Jennie dahilan para mapalingon sa kanya si Lisa.

"What are you looking at? Loser?" Pagtataray ni Jennie.

"You're so loud. Could you please keep quiet?" Sagot naman ni Lisa na hindi maiwasang di mapatingin kay Irene na agad naman kinainis ni Jennie.

"You know Lisa kung mahal mo pa tong kaibigan namin bat di mo balikan? Di yung para kang tangang tingin ng tingin dyan. Hanggang ganyan ka na lang ba?" Sabi ni Jennie at agad naman nagpantig ang tenga ni Lisa.

"You don't know anything about me. Don't speak as if alam mo nararamdaman ko." Sabay talikod nito.

"Jennie, please stop it. Nakakahiya." Pigil sa kanya ni Irene.

"Teh, awat na napahiya ka na konti bawi ka na lang bukas." Sabi ni Tzuyu.

Napatahimik si Jennie sa sinabi ni Lisa kaya hindi na sya sumagot. Alam nyang nahurt nya ang feelings ng dalaga kaya minabuti nyang manahimik na lang.

"Lalisa Manoban and Jennie Kim. Come here please." Tawag ng professor.

"WHAT?!?!?!" Sabay na pagkagulat at sigaw ng dalawa.

"Here are your tickets. Please wag na wag nyo wawalain yan dahil yan ang ipepresent nyo sa airpor—"

"Mukha ba kong ngayon lang makakapagtravel to even say that to my face?" Pagsusungit ni Jennie.

Hindi na to pinatulan ng professor dahil nagmamadali na rin ito.

"I'm doomed." Bulong ni Lisa sa sarili na di nya inakalang maririnig ni Jennie.

"Ikaw pa? Ikaw pa? Lugi ka pang katabi mo ko no?" Sabi sa kanya ni Jennie.

"Could you please shut your fucking mouth for 10 minutes? Ang daldal mo e wala ka ba kausap sa bahay nyo?" Nairitang sabi ni Lisa.

"Who are you to tell me what— AHHHHH!!! WHAT THE HELL IS THAT LISA!!!" May lumipad na insekto papunta sa kanya dahilan para magpanic sya at mapaiyak. Agad naman syang napayakap kay Lisa at sa gulat nito, niyakap naman sya ng mahigpit ng dalaga.

"I'M HERE! CALM DOWN! Ghad it's just an insect. I killed it already!" Nagpapanic na sabi ni Lisa matapos tapakan ang insekto. Isang minuto ang nakalipas, narealize nila na magkayapakan sila at umiiyak si Jennie sa dibdib ni Lisa. Agad naman sila naghiwalay at nagsimula maging awkward sa isa't isa.

"S-s-sorry. I didn't mean to..takot lang talaga ako sa insects." Nakayuko at mahinang sabi ni Jennie habang pinupunasan nya luha nya.

"It's okay. Here. I'll go now." Binigay ni Lisa ang panyo nya at umalis na.

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now