I'm leaving

1.6K 32 2
                                    

Sobrang hindi makapaniwala si Jennie na makikita nya si Lisa sa art exhibit at hindi nya din lubos maisip na si Lisa ay magkakaron ng interes sa arts.

Kinuha nya ang phone nya at chinat si Irene. Gusto nya humingi ng advice kung ano ba ang dapat nyang gawin para bumalik sa ayos ang pagiisip nya.

Sa Telegram.

J : Irene! Are you there? I need you. I badly need you. :(
I : Yes. Why? What happened?
J : I saw Lisa...
I : WHAT!? Really? Nagmeet ba kayo?
J : Lalapitan ko sana sya pero may pumipigil e. Ewan ko ba kasi feeling ko maayos naman na kaming dalawa na ganto na lang.
I : Tama naman yung ginawa mo. Mas lalo ka lang gugulo pag nagkita nanaman kayo tapos mapagusapan nyo yung mga nangyari. Lahat babalik. Lahat ng sakit, babalik.
J : You're right. Kaya nga ayaw ko na rin ipilit e. And about Luca, I think it's best na wag ko na sya kausapin? Naaawa kasi ako sa kanya tsaka ayaw ko talaga sya masaktan huhu.
I : Kung ano tingin mong tama, gawin mo. We're always here for you. Do you still love her?
J : Akala ko kasi nakamove on na ko. Pero nung nakita ko sya kahapon, bumalik lahat.
I : Did she see you? Hindi naman diba? Kasi kung nakita ka nya baka sya pa kusa lumapit sayo. What if wala na syang feelings para sayo? It's too complicated.
J : Naisip ko na yan. Actually, marami ako naiisip ngayon. I think it's best na bumalik na lang din muna ako sa Cebu or magbakasyon muna sa New Zealand.
I : That's a good idea. New Zealand is a good place to heal. I hope you find peace talaga. Love you, bitch!!
J : Thank you, bitch! Pinagiisipan ko pa rin kung dapat ba iwasan ko na talaga si Luca. Hay ang hirap naman kasi somehow naattach na din ako sa kanya.
I : Baka naman kasi gusto mo talaga sya pero si Lisa yung nasa puso mo. You gotta let her go.
J : I thought nalet go ko na sya pero hindi pa. Willing naman sana ako bigyan ng chance si Luca e pero things are too complicated and I'm afraid I might hurt him.
I : Peace of mind muna. Magheal ka muna. After that, try to reach out to him if he still likes you then siguro pwede na. Magmahal ka ulit pag pwede na. Okay?
J : You really are the best sa mga advice. Buti na lang I have a friend like you huhu kay Jisoo kasi wala ako mapapala leche.
I : Right!? Hahahaha. Basta andito lang kami ni Jisoo at kahit san lupalop ka pa pumunta susundan ka namin.
J : Awww thanksss. Sure! You can visit naman sa NZ.
I : Okay okay hahaha gusto ko yan!
J : Chat ko muna si Luca. I'll try to talk to him about samin dalawa.
I : Go girl! Good luck!

----

JENNIE'S POV

Medyo gumaan ang loob ko after ko makapagopen up kay Irene. I think I should talk to Luca about everything at kung ano man ang kahihinatnan ng paguusap namin, tatanggapin ko yun ng buong buo. I don't really think I deserve him.

Chinat ko sya sa Telegram pero hindi sya online. Pagtapos ng halos 30 minutes, nagreply na sya.

"Can we talk?" Chat ko.

"Sure. Sorry late reply ang dami kasing project e."

"Hindi tayo matutuloy next week. I'm leaving na and balak ko pumunta sa New Zealand and probably start a new life there. Siguro kailangan ko lang magheal muna and kelangan ko din ng peace of mind." Pinagisipan ko muna mabuti to bago sabihin sa kanya.

"Aww. So kelan ka na aalis nyan? :(" Reply nya. Natigilan ako sa pagtype dahil unti unti pumapatak ang luha sa mga mata ko.

"Kukuha na ko ng ticket mamaya. Hopefully, may makuha akong flight sa friday. And Luca, I think it's best kung titigil na natin to." I bravely said. Kahit nasasaktan ako ngayon, I need to do this para sayo.

"What? I thought bestfriends pa rin tayo? Bakit may pagstop? Kuma, ayoko." Reply nya. Ramdam ko na nasasaktan din sya ngayon. I'm really sorry.

"I know. Pwede pa naman natin ituloy sa tamang oras. Pag pwede na. Please. Hayaan mo muna ako magheal and ayoko rin naman maging unfair sayo." Paliwanag ko. Damn it, Lisa. Sana hindi na lang kita nakita.

"I think you really love her. Pero sige, hindi ako susuko. I'll wait for you. Please sana pagdating ng panahon na okay ka na, sana wag mo ko makalimutan." Pakiusap nya. Wala na ko nagawa kundi umiyak ng umiyak. Hindi ko na magawa pa magtype sa kakaiyak.

"Sana ikaw na lang sya." Hindi ko sinadyang sabihin to sa kanya.

"Maraming beses ko hiniling na sana ako na lang sya. Maraming beses kong pinagdasal na sana ako na lang yung mahalin mo dahil I guarantee you na hinding hindi kita sasaktan." Sabi nya na mas lalong nagpaiyak sakin.

"Thank you. I'm so glad I've met you. You are one of the best things that ever happened to me, Luca." Reply ko.

"Kahit gaano katagal pa yan, I'll wait for you. Sana pag dumating yung time na okay ka na, pwede na tayo. Kuma, mas lalo pa lumalalim yung nararamdaman ko para sayo. Sana alam mo yun." Alam na alam ko yun. I'm really sorry hindi ko kaya masuklian lahat ng pagmamahal na binibigay mo.

"I know. I really hope it's you hanggang sa dulo. Hanggang dito na lang muna to, pag nasa tamang panahon na, I'll find you. I promise." Pangako ko.

Hindi ko na hinintay ang reply nya. Nagdelete na ko ng telegram and told Irene na imessage na lang ako sa email ko.

Hindi ko na alam kung tao pa ba ako kasi feeling ko buong pagkatao ko binabalot ng lungkot.

Pagtapos ko umiyak, nagbook agad ako ng ticket ko. I texted my mom and dad na uuwi muna ako sa NZ and they're okay with it naman. Luckily, may flight ng friday. May isang araw pa ko para magpaalam kina Irene.

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now