Each a prank

2.4K 56 18
                                    

LISA'S POV

5 months na mula nung nagkabalikan kami ni Jennie. Hindi naman talaga nawawala yung ups and downs sa relationship, right? I love her so much and I cannot afford to lose her.

Monthsary namin ngayon kaya nagpatulong ako kina Irene para iprank si Jennie. Nasa office sya ngayon at nagpapaint kaya sobrang busy at hassle ng schedule nya.

Pumunta ako sa condo ni Irene at dun namin pinagusapan yung mga gagawin naming katarantaduhan kay Jennie. Alam ko na mapapatay nya ko after nito pero eto lang talaga naisip kong gimik hahahaha. Bahala na kahit makalbo pa ko sa sabunot na sasapitin ko sa kanya.

Nandito na ko sa condo ni Irene at naabutan ko syang nagpaplantsa ng damit ni Seulgi. Ang sweet di ba? Ganyan talaga sila. They really love each other and I believe na sila na talaga until the end.

"So ano plano?" Tanong sakin ni Seulgi habang nagtitimpla ng juice.

"Wala ako maisip e. Kayo ba? Ano ba yung maganda yung magpapaiyak sa kanya?" Tanong ko naman.

"What if kunware naaksidente ka?" Suggest ni Tzuyu.

"That's a great idea! Pero how?" Sabi ko ulit.

"Kunware naaksidente ka habang nagdadrive. Pwede naman sa hospital ng tito ko hahaha ako bahala sayo." Gusto ko tong plano ni Tzuyu ah.

Agad kami nagkatinginang lahat ng para bang napakademonyo namin. Awang awa ako sa girlfriend ko hahaha I'm sorry, Jennie.

"Tara. Chat ko lang si Jennie." Paalam ko sa kanila.

"Wait, sesettle ko muna lahat. I'll call my tito." Paalam din ni Tzu.

"Hmmm are you sure it will work?" Singit ni Mina na kakapasok palang.

"Yeah. Why not? It's just a prank. Ay di ba magaling ka magmake up? Yung may dugo dugo?" Ramdam ko ang excitement sa pagsasalita ni Seulgi.

"Tang inang kalabit yan pang digmaan. Oo naman hahaha gusto mo yung totoong dugo?" Sagot ni Mina.

"Sige nga yung totoo." Sagot ko ulit.

Mga ilang oras pa ng katarantaduhan, tinext ko na si Jennie.

"Hi, Love. Dinner tonight?" Text ko sa kanya.

"Yeah sure. But uhh.. Did you forget?" Reply naman nya.

Natatawa ako sa kalokohan ko pero gustong gusto ko talaga iprank sya.

"Forget what?" Maang maangan pa si gago hahaha

"Today? Uh nevermind. Pick me up at 6." I know she's mad already.

"Sure. I'll see you later." Reply ko.

5:30 PM

Planado at settled na lahat. Nakausap na din ni Tzuyu yung tito nya na may ari ng isang hospital sa Manila. Nagtext ako kay Jennie na susunduin ko na sya dahil maaga ako kunwari nakapagout sa work.

"Hi, Love. I'm otw na." text ko sa kanya.

"Ingat." Aw tampo baby ko hahaha cutie.

"Are you mad?" Reply ko.

"No. Bat ako magagalit?" Alam ko na nagtatampo sya.

"Good. Malapit na ko." Reply ko ulit.

Nagsimula na kami magayos sa hospital at nagumpisa na din magmake up sakin si Mina. Ready na din sina Irene na tawagan si Jennie para ibalita na naaksidente ako.

6 PM.

Tinawagan na ni Irene si Jennie.

"JENNIE!" Halata sa boses ni Irene na nagaalala sya kunwari. Di naman namin mapigilan tumawa dahil sa itsura nito.

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now