Sad bear

1.5K 36 3
                                    

SEULGI'S POV

If you really love that person, you'd let them go. Ang sakit di ba? Everything feels like it's all falling apart. Buong maghapon lang ako umiiyak habang sinusubukan kalimutan lahat ng sakit na sinabi at ginawa sakin ni Irene. Akala ko okay kami dahil ang saya saya namin. Akala ko walang problema pero nung nakita ko yung phone nya, ang sweet nila ni Sehun. Hindi ko man lang naramdaman yun ah? Masyado kasi ako naging comfortable kay Irene. Siguro nga tama lang yung ginawa ko na ako na yung nangiwan kesa maiwan. Gusto ko lang din naman na sumaya sya at maging masaya sya kahit hindi na ako yung dahilan nun. Mahal na mahal ko si Irene pero ano magagawa ko kung hindi na ako yung mahal nya?

Nagbago na ko ng number and cinut ko na mga connection ko sa kanya. Yan lang ang naisip ko na mabilis na paraan para kahit papano makalimutan ko sya.

Nagopen up ako ng problema ko kay Lisa dahil alam ko na maiintindihan nya ko. Pumunta ako sa office nya kung san sya lang naman tao dun and wala yung mga kasama nya. May tinatapos kasi syang project kaya nagdala lang din ako ng konting food.

"Huh? Si Irene tsaka si Sehun? Ulit?" Gulat na gulat na reaction nya.

"Oo inamin din naman sakin ni Irene. Tsaka sabi nya nafafall out na sya sakin." Sabi ko naman. Kahit gusto ko man umiyak, wala na ko maiyak. Wala na malabas na luha yung mata ko.

"Inamin nya sayo? Buti. I mean, buti hindi sya naglihim or di nya pinatagal kasi mas masakit yun. Tapos ano sabi mo?" Pageexplain pa ni Lisa.

"Yun sabi ko bumalik na sya kay Sehun kung dun na sya mas sasaya. Pero sabi nya iwork out daw namin yung relationship namin pero I don't think na kaya pa e. Alam mo yun? Wala na yung trust tapos araw araw na lang kami magaaway. Magiging toxic na kami." Sabi ko naman sa kanya.

"Ahh tama lang naman yung ginawa mo. If I were you, I'd do the same. Give yourself a break muna. Focus ka sa ibang bagay para makalimot ka. Alam ko di madali para sayo to pero kaya mo yan." Sabi nya habang kumakain ng dala kong chicken wings.

"Yun nga balak ko gawin e. Pero di naman ako nagleave sa gc natin. Siguro di ko na lang sya papansinin dun tsaka bihira ako dadalaw." Sagot ko naman sabay inom ng coke.

"Magiging maayos din lahat ano ka ba. Tignan mo yung mata mo magang maga kakaiyak oh" Tama talaga ako ng taong pinagsabihan ng problema.

"Gusto ko na rin kasi magresign sa work ko. Nagiging toxic na rin kasi tsaka ang daming pinapagawa sakin lagi pota." Dagdag ko pa.

"Alam mo dun ka sa magpapasaya sayo. Yung kahit mabigat trabaho, gagaan dahil nga gusto mo yung ginagawa mo. Tulad ko di ba? Chill chill lang."

"Pero maiba nga, sino yung sinasabi mong hinihintay mo?" Tanong ko sa kanya na agad naman sya napatingin sakin.

"Hahahaha gago wala yun. Keme keme lang yun para di ako magmukhang loveless shit kay Jennie hahahahaha" Gago talaga tong tropa ko e.

"Nagtext si Irene." Sabi nya at agad naman nagbago yung mood ko.

"Lisa I need your help."

"You know what? Siguro dapat ulit kayo magusap." Sabi sakin ni Lisa.

"Ano pa ba paguusapan namin? Nasaktan nya na nga ako." Sabi ko habang nagttype sya sa phone nya.

"Malay mo narealize nya na di nya pala talaga din kaya mawala ka sa kanya. Knowing Irene? Baka nalito lang sya nung nakausap nya si Sehun. 3 days ago na nung naghiwalay kayo di ba? Baka narealize nya din." May point naman talaga si Lisa pero ayaw ko pa rin umasa.

"I don't think maaayos pa—"

"Seulgiyah" Naputol ang sasabihin ko nung pumasok bigla si Irene sa office ni Lisa. Dali dali sya lumapit sakin habang tumutulo ang luha sa kanyang mata na para bang gripo ito.

"Please let's talk. Seulgi." Agad sya humawak sa kamay ko at namakaawa na magusap kami. Lumabas naman muna si Lisa para makapagusap kaming dalawa.

"What about?" Unti unti na din ako napapaiyak dahil aminin ko, sobrang namimiss ko si Irene.

"Us. I talked to Sehun and blinock ko na sya sa lahat at sabi ko nagkamali lang ako. Ikaw lang at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ayaw kita mawala dahil nung umalis ka, gumuho na rin lahat sakin. Sinubukan ko maging masaya kahit lagi ko sya kausap at nagkita kami pero hindi ko pa rin magawa sumaya. Ikaw pa rin yung hinahanap hanap ko. Please ayusin natin to." Umiiyak na sabi nya sakin. Alam ko naman na sincere sya dahil first time ko palang makita si Irene na grabe umiyak.

"Paano kung magkabalikan nga tayo pero hindi ka naman talaga sumaya?" Tanong ko sa kanya.

"No. Alam ko sa sarili ko na magiging masaya ako pag na sayo ako. Please. Sorry sa mga nagawa ko and sa mga nasabi ko. Masyado akong tanga para gawin sayo yun. Please. Let's work this out." Pagmamakaawa nya pa.

"Paano kung—"

"Naaalala mo pa ba?" Pagputol nya sa sinasabi ko. Napatigil naman sya sa pagiyak at parang bata na nagbabanta ang mukha nya.

"Na ano?" Natatakot na tanong ko.

"Na dudurugin ko leeg mo pag nakipaghiwalay ka sakin!?!?!" Napakaisip bata talaga.

"Seryoso ka dun?" Nanlaki mata ko dahil naghahanda na sya sakalin ako.

"Ano? Bibigyan kita ng chance. Babalik ka sakin o durog yang malibag mong leeg!?" Nakakatakot mukha nya shit.

"Eto na nga babalik na e. Di ka mabiro ah." Sagot ko sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit.

"I love you so much Seulgi bear. I'm so happy! Thank you. Mahal na mahal kita." Masayang masaya sya at hinigpitan nya pa yung yakap sakin.

"Akala ko mawawala ka na sakin talaga." Sabi ko sabay hagulgol. Iyakin kasi ako e. Pake nyo ba? Kahit nga tumatawa ako umiiyak ako e.

"Ayoko mawala ka din sakin. Nakakahiya kay Lisa tsura natin mga walang tulog." Sabay tawa nya na pangchismosa. Actually, namiss ko marinig yung tawa na yun.

SEULRENE LANG MALAKAS

-----

Nakasilip lang si Lisa sa kanila mula sa labas. Masaya sya para sa dalawa dahil namanage naman nila ito ng mabuti at nawork out. Nalungkot sya bigla dahil may naalala sya...

"Hi. Kumusta ka na? Miss na kita...Hay delete delete delete" sabi nya sa sarili at tinago ang cellphone nya.

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant