Telegram

1.5K 31 13
                                    

JENNIE'S POV

2 weeks matapos makipaghiwalay sakin si Mingyu. It still hurts pero nasasanay naman na ko sa sakit. Di na tulad dati na hindi ako nakakatulog kakaiyak and I have to take sleeping pills para lang makatulog. Ngayon, I feel numb.

Naalala ko na kailangan ko magbukas ng email para sa inorder ko sa Korea.

Pagbukas ko ng email ko, ang daming message na nagpop up sakin mula sa di ko inasahang tao. Napaiyak ako at nagulat. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko dahil may halong excitement at saya din ako na naramdaman.

Isa-isa ko binasa ang mga message sakin ni Luca. Habang binabasa ko kung gaano sya katagal naghihintay sakin, hindi naman nauubos ang luha na pumapatak sa mga mata ko.

"Hi. Isang taon na wala ka, I miss you so damn much. May pag-asa pa ba ako? Feeling ko kasi wala na. Pero ayoko mawalan ng pag-asa sayo dahil gusto kita ipursue. May mga babaeng nagkakagusto sakin pero nilalayo ko sarili ko sa kanila. Alam kong ikaw ang mahal at gusto ko kaya hihintayin kita kahit gaano pa katagal yan. Kumusta ka na kaya? Sana maayos ka lang dyan. If ever na may nahanap ka na, sana hindi ka nya lokohin. Naiisip mo kaya ako? Kasi ikaw hindi ka naalis sa isip ko ng kahit ilang minuto. Miss na miss ko na yung mga late night talks natin. Miss na miss na kita, Kuma. I hope you don't cry yourself to sleep. I love you."

I cry while reading his messages. Hindi sya nagsawa sabihin at iparamdam sakin kung gaano nya ko kamahal and how much he cares about me.

Nagdownload agad ako ng Telegram at naglogin. Chinat ko sya and I told him about Mingyu. To be honest, namiss ko sya ng sobra.

After ilang minuto ng pagmessage ko sa kanya, nagreply sya agad.

"Hi, Kuma? Oh my God. Is this for real? You're back?" Alam kong masayang masaya sya na bumalik ako.

"Yes, I'm back. Sorry kung ngayon lang ako and sorry kung nabreak ko yung promise ko sayo na pag okay na ko, babalikan kita." Reply ko sa kanya. Sobrang lungkot ko at grabe pa rin yung iyak ko.

"It's okay. I'm just very glad that you're back. Sobrang namiss kita. Kumusta na? Buti naman nakipaghiwalay ka na dun." Reply nya. He's really nice. Sana pala nakipagkita na ako sa kanya noon.

"I'm okay. Nandito ako sa Manila ngayon, ikaw? Nasan ka ba?" Tanong ko sa kanya. I hope na nasa Manila din sya ngayon para pwede kami magkita.

"Aw really? Nasa Korea ako ngayon. Next month pa ko uuwi ng Manila. I still can't believe na bumalik ka na. I'm so happy!" Alam kong masayang masaya sya ngayon and ako din.

Dumating ang ilang araw, halos lagi na ulit kami magkausap at nalilibang naman ako. Unti unti bumabalik yung dati kong saya at unti unti ko na rin nakakalimutan si Mingyu.

----

"Girl, blooming ka." Bati ni Jisoo kay Jennie.

"Thanks. Magkausap na ulit kami ni Luca." Masayang binalita nya.

"W-what?! Yung Luca na nakakausap mo dati? Bumalik na sya?" Nagulat na tanong ni Irene habang kumakain ng ramen.

"No. Ako yung bumalik. Nabasa ko kasi yung mga email nya sakin dati habang di kami nagkakausap. Napakaconsistent nyang tao and I'm starting to like him." Sagot pa ni Jennie.

"Wait. Hindi pa kayo nagkikita di ba? Tapos gusto mo na? Teh, magpahinga ka naman sa lovelife mo." Payo ni Jisoo.

"What's wrong with that? We're both happy. Masaya kami and comforable ako sa kanya." Pagtatanggol ni Jennie sa sarili sabay kain ng ramen.

"Bahala ka. Basta wag ka lang talaga masaktan ulit." Pagpapaalala ni Irene.

"Of course. Alam ko naman na di ako masasaktan kay Luca. Tsaka mature sya." Sabi pa ni Jennie.

Ilang minuto pa, nagchat si Luca kay Jennie.

"Hi. Break ko na. Are you there? I miss you :(" Chat ni Luca.

"Awee I miss you too. Yes, I'm here! May sasabihin ako sayo." Excited na reply ni Jennie.

"What's it? Naglunch ka na ba?" Agad naman na nagreply si Luca.

"Tayo na. Yes, sinasagot na kita." Masayang reply ni Jennie.

"WHAT!? SERIOUSLY!?? OMG. I LOVE YOU SO MUCH." Reply ni Luca at nagsend pa ito ng maraming sticker na masayang masaya ito.

"Yes hahahaha kumain ka na dyan baka atakihin ka. Chat you later." Reply ni Jennie.

"Okay po. Eat lang ako hahaha sorry masayang masaya lang talaga ako. Naiiyak pa nga ako e."

Hindi na sya nireplyan ni Jennie para makakain na din at makapagfocus sa work.

"Guys, may boyfriend na ko." Balita ni Jennie kina Irene.

"You mean virtual boyfriend?" Pagclaro ni Jisoo sabay apir kay Irene.

"Gaga. Ha-ha-ha ang funny mo dyan no? Maging masaya ka na lang sakin kasi masaya ako hmp." Sarcastic na sagot ni Jennie.

"Anyway, congrats. Wag ka na sana masaktan at wag ka na sana makasakit. Lab na lab ka namin e" Pambobola pa ni Irene.

"Ibabalita ko to kay Chaeng at Lisa. Wait chat ako sa gc." Sabi ni Jisoo habang dinudukot ang phone sa bulsa nya.

"Kay Lisa?" Napahinto si Jennie at tinanong kay Jisoo bakit kailangan malaman ni Lisa.

"She has to. Friends kayo di ba? Why not?" Sagot ni Irene.

"Ah wala lang hahaha sige." Sabay fake smile ni Jennie.

Sa GROUPCHAT.

JS : Guys, inom tayo. Taken na si Jennie.

R : What? Really? Omg congrats!

JS : Yup. Hahahaha shot na itooo.

S : Wow congrats! Saya yarn?

L : Wowie! Congrats! Sana all.

JS : Inom tayo bukas sa place ni Seulgi?

S : Luh paladesisyon ka?

JS : Sabi ni Irene, baket?

S : Weh? Totoo?

R : Magaaway pa yan.

L : Sa place ko ayaw nyo?

S/JS : Yown kay Lisa na lang.

L : Sige bukas ng gabi.

Js/R/S : G!!

/

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu