Aegyo

2K 35 11
                                    

"MINA????" Gulat na gulat na tanong nila.

"Ke-ke-kelan ka pa dito!?" Tanong ni Seulgi biglang yakap kay Mina.

"Guuuuurl, we've missed you!" Excited na sabi naman ni Lisa at yakap din sa bestfriend.

"Kanina lang. Balak ko talaga isurprise kayo hahaha nasurprise ba kayo?" Tanong naman ng mahinhin na kaibigan.

"Ay hinde. Hindi talaga." Sarcastic na sabi ni Seulgi.

"Ugh. Hi Jennie! OMG kayo ulit!?!?" Gulat na tanong ni Mina matapos makitang naghawak kamay ang dalawa.

"Yup hahahahaha hello! How have you been?" Nakangiting sagot naman ni Jennie at nagbeso sa kaibigan ni Lisa.

"I've been good. Aweee buti naman at kayo ulit. Wag na sana maulit yung da—"

"Ehem. Anyway, baka pagod ka maupo muna tayo di ba?" Putol ni Lisa sa sasabihin ni Mina.

Mga ilang minuto pa, nagkayayaan uminom ang mga magkakaibigan. Kwentuhan, tawanan, asaran at higit sa lahat, pinagusapan din nila ang mga gusto nila mangyari sa buhay.

LISA'S POV

"Guys alam nyo ba yung Aegyo?" Tanong ko kina Jisoo. Meron kaming munting celebration para daw sa "comeback" namin ni Jennie.

"Egg yolk? Bakit magbabati ka?" Seryosong tanong ni Jisoo habang kumakain ng pulutan naming liempo.

"Bingi ampota. Egg yolk daw HAHAHAHAHA" Tawa naman ng malakas ni Seulgi. Halos mabulunan na ang gaga kakatawa at agad naman ito kinapikon ni Jisoo.

"Oh edi ikaw na magaling. Osige nga, ano yung sinabi ni Lisa?"

"Yung ano yun. Egg ano hahaha ano nga yun babe?" Halatang ninenerbyos si Seulgi at nagpapasave pa kay Irene.

"Aegyo kasi yung sa mga korean. They act cute ganon hahahaha" sagot ko naman.

"Ahh oo. Baket gusto mo?" Agad naman ako napatingin sa tanong ni Jennie at kinatahimik ito ng lahat.

"Do I have to act like it? I'm cute already di ba?" Tanong ko naman sa kanya.

Kitang kita sa mukha nina Mina ang pandidiri sa paguusap namin ni Jennie.

"Cute ka ba? Who told you that you're cute?" Napahinto si Jennie sa pagkain ng liempo at napatingin sakin na para bang kakainin ako ng buhay.

"You. Di ba you told me na cute ako? Luh nakalimutan?" I know how to save myself.

"Hmmm I can't remember I said that. Baka yung mga babae mo nagsabi nyan?"

At tumigil ang mundo....

"GUYSHHHHHHHH TODO NA TO WOOOOHHHH!!!"

May biglang pumasok na kinagulat naming lahat.

"RUFFA MAE!?!?!" Napatayo kaming lahat at tawang tawa sa way ng pagsasalita nya.

"Luh ramdam ko talaga comeback ng twice ah." Mahina at seryosong sabi ni Seulgi.

"YES AKO NGA. GO GO GO GO!!" Walang tigil na tawanan hanggang sumakit ang tyan naming lahat dahil sa pananalita ni Tzuyu.

"Musta ka naman Ruffa!?!? Tang ina namiss kita. Namiss ko yung araw araw sumasabon sakin huhuhu naiiyak ako." Teary eyes na si Jisoo dahil kahit ako, namiss ko din si Tzuyu kahit hindi kami naging ganun kaclose.

"Luh gago wag ka umiyak ayoko makakita ng panget ngayon. Okay naman ako hahaha eto single. Kayo ba? Syempre alam na alam ko na mga magjojowa dito." Sabay snob saming lahat.

"Ikaw nga sa sobrang pangit mo pag umiiyak ka yung luha mo sa gilid pumapatak e. Ayaw dumaan sa mukha mo." Sagot naman ni Jisoo.

Nagaway pa ang dalawang visual.

"Luh nagaaway nanaman kayo. Mahiya naman kayo sakin." Singit pa ni Mina.

"Ay nanjan ka pala. Kelan ka pa dito virgin?" Seryosong tanong ni Tzuyu bago kumain ng sisig. Natawa kami sa sinabi nyang yon, pero kung sa sex life lang din naman, ayaw na lang pagusapan yan ni Mina.

"Kanina lang, Ruffa. Huy stream nyo yung ICSM ah. Konyatan ko kayo!" Sus nanakot pa tong virgin na to.

"Oo nga stream nyo. Grabe naman kayo sa twice huhu" dagdag pa ni Tzuyu.

"May nananahimik ah. Ano kaya kademonyohan pumapasok sa utak nito?" Tanong ni Jisoo kay Jennie.

Lahat napansin din ang pagiging tahimik ng girlfriend ko. E sino ba naman ang di tatahimik bigla kung nakain mo pala yung sili sa sisig? Yung pulang pula pa.

"Don't mind me guys. Okay lang ako hahaha" kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi nya at pamumula ng gilid ng kanyang labi.

"Babe are you okay? What do you need?" Tanong ko sa kanya sabay abot ko ng tubig.

"I need milk, babe. GET ME SOME MILK. NOW." Biglang taas ng boses ni Jennie. Agad naman ako tumakbo sa kusina para kumuha ng gatas sa ref at buti nalang, meron pang natitirang fresh milk. Agad ko ito sinalin sa baso at binigay kay Jennie dahil halos napapaiyak na sya sa sakit ng dila.

"Ohhhh dahan dahan, love. Baka mabulunan ka."

"Ang tanga tanga naman kasi. Ang dami daming karne sa sisig bat sili yung kinain mo!? Gusto mo bang palitan si Mr. Sili!?" Pangsasabon pa ni Tzuyu kay Jennie.

Alam kong namiss nila ang isa't isa kaya normal na lang sa kanila ang mag-asaran at magkapikunan.

Matapos ang ilang oras, nakawalong bote ng tequila kami. Sobrang wasted kaming lahat pero it's all worth it dahil masaya naman na nabuo ulit kami.

Tanging kami nalang ni Jennie at Irene ang gising pa. Inayos namin ang posisyon sa pagtulog ni Jisoo at Tzuyu na para bang halos maglaplapan na silang dalawa sa sobrang lapit ng mga mukha nila. Habang inaayos namin sila, halos manigas na ang tyan ko kakatawa at para bang mauubusan na ko ng hangin.

Nagkape kaming tatlo at tamang tama, nagising si Seulgi at nakikape na din.

"Guys, ano plano nyo?" Tanong ni Seulgi samin ni Jennie.

"We'll get married." Sagot naman ng girlfriend ko.

"Seriously? Congrats! Us too. What about magsabay tayo?" Kita ko sa mga mata ni Irene na excited sya makasal kay Seulgi na bestfriend ko.

"That's a great idea! We should make a plan for that na. I wanna get married as soon as possible. I don't think I can afford to lose my Lisa." Sabay tingin sakin. Di ko naman maiwasan hindi kiligin at mapangiti sa mga naririnig ko.

"Me too." Tanging nasagot ko lang.

"Yieee kilig. I love you guys." Sabi naman ni Irene.

"Let's make memories together."

/

EXTRAORDINARY - JENLISA AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon