I'm happy

1.6K 33 1
                                    

8 PM nang magkita kita sila Jennie, Jisoo at Irene sa bar. Nanibago sila kay Jennie dahil hindi na sya yung Jennie na kilala nila noon. Mahinhin at conservative na ito. Agad nila pinuntahan ang paborito nilang table at nagorder ng maiinom.

"Guys, juice lang ako." Sabi ni Jennie.

Nagkatinginan bigla si Jisoo at Irene.

"Tigilan mo ko Jennie ihahampas ko pa sayo yang juice." Pananakot ni Jisoo.

"No, seriously. I don't drink anymore. Juice lang ako pero sige san mig lang." sagot nito.

"So ano ba yung ikekwento mo?" Tanong ni Irene.

"Hahaha may nakakausap kasi ako sa telegram. Nakilala ko lang sya online when I was hurt so bad like 2 years ago yata yun hahaha isang taon ako halos umiiyak dahil kay Lisa. Akalain nyo yun!?!" Natatawang kinekwento ni Jennie ang mga nangyari sa kanya noon.

"Tapos? Luca pangalan nya? You met him online? Really? Patingin ng picture." Tanong ni Jisoo.

"Cute naman ng name." Mahinang sabi ni Irene.

"I don't have e. We don't share pics hahaha actually, kahit voice call wala. Vc wala. Picture din kasi ng pusa gamit ko nun tapos yun halos araw araw lang kami magkausap sa chat. Funny right?" Dagdag pa ni Jennie.

"Ang weird naman. Taga san ba sya?" Tanong ni Jisoo.

"He's from Makati. Di ko alam saan village dun. Gusto ko nga sana magmeet kami kaso nahihiya sya hahaha he keeps insisting na pangit daw sya and shit pero I don't really care."

"Wow. Hands down on you, Jennie. Sobrang laking improvement yan. I'm so proud!!" Mahinang palakpak ni Irene para sa kaibigan.

"Thanks, Irene. Pero to be honest, ang dami ko narealize talaga."

"Are you happy?" Tanong ni Irene.

"I can say na yes, I'm happy. One thing I learned when I was alone, you really need to be happy on your own. Never ever depend on someone lalo na hindi ka pa sure kung kayo na talaga in the end. Kasi when they leave, it will hurt big time." Pageexplain ni Jennie.

"Yes, tama! I believe...sayo na ang korona!" Pangaasar ni Jisoo.

"What if magkita kayo ulit ni Lisa?" Curious naman na natanong ni Irene.

"Edi magkita hahaha. Honestly, hindi ko rin alam. Basta alam ko sa sarili ko na nakamove on na ko and masaya ako ngayon even without her. Yun lang." sagot naman ni Jennie bago uminom ng beer.

"I'm so happy for you bitch!!!" Tuwang tuwa na sabi ni Jisoo kay Jennie.

"Thanks, bitch! It's really nice to be back here in Manila. Shocks dami ko namiss."

*beep*

"Ay wait nagchat si Luca." Paalam ni Jennie.

Kitang kita nila kung pano ngumiti si Jennie pag kausap nito si Luca. Masaya sila na masaya na ulit ang kaibigan nila.

Sa TELEGRAM.

L : Hi. I just got home hahaha. Are you with your friends na? You don't really have to reply if kasama mo na sila. Enjoy the night and please ingat lang sa pag-uwi. Wag masyado uminom haha.
J : Hiiii yes hahahaa I'm with them na kani-kanina pa. You should rest na din and opo di naman masyado iinom hahahaha I told them na I don't drink anymore. Rest ka na. Good night!
L : Good! Alright then, sleep na ko. Good night, pretty!
J : Nambola pa to hahaha good night!

"Kinikilig ka yata?" Tanong ni Jisoo kay Jennie.

"Ganyan na ganyan ako pag natatanggap ko yung text ni Seulgi lalo na pag sinasabi nya may sweldo na sya." Natatawang sabi ni Irene.

"Hoy HAHAHAHAHAHAHA"

"Simple lang yung mga sinabi nya pero ang sweet na para sakin. Do you guys think I'm in love? Di ko kasi maadmit sa sarili ko. I promised myself na di muna ako magjojowa." Tanong ni Jennie.

"Girl, kahit yung uhog mo in love kay Luca. Kahit kuto mo nababaliw na dyan jusko ang sakit mo sa anit!" Stressed na pagkasabi ni Jisoo.

"Talaga ba? Halata ba?"

"Halatang ano? May kuto ka?" Seryosong tanong ni Irene natawa naman si Jisoo sa itsura nito.

"Alam nyo, parehas kayong visual pero ang bobo nyo. Ang tatanga." Inis na inis na sabi ni Jennie.

"Sus kakaluca mo yan hayop ka" sagot naman ni Jisoo.

Mga ilang oras pa, nakauwi na silang tatlo. Agad naman chinat ni Jennie si Luca para masabing nakauwi na sya.

Sa telegram.

J : Hi. Nakauwi na ko haha grabe 3 am na pala nagtagaytay pa kasi kami. I know you're sleeping na. Naisip ko din na why not magkita tayo? We're friends naman. If we click sa first day, then why not take it to another level? I'm willing to give you space in my heart. Hay dami ko na sinasabi hahaha lasing na yata ako. I miss you. Good night.

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang