Regrets

2.2K 45 4
                                    

LISA'S POV

I'm here in New York with Mina and Joo, livin my life to the fullest. It's been 3 months since I left the Philippines. To be honest, di ko maiwasan mamiss ang bansang yun. Somehow, nakakamove on naman na ako. Narealize ko na masyado rin mabilis ang mga pangyayari. Naisip ko na baka ako lang talaga yung nagmahal? One sided love? Absolutely. Siguro habang kami pa ni Jennie, talagang hindi pa sya fully committed. Siguro habang kami pa, nasa stage pa sya ng "Mageenjoy muna ako sa iba habang hinihintay kita bumalik sakin." Ang sakit di ba? Pinaglaruan lang ako. Siguro I was born para masaktan lang ng paulit ulit. Pinili ko na lang umalis at kalimutan ang lahat ng nangyari. Binabalitaan ako ni Seulgi sa mga nangyayari and at first, of course masakit. Knowing na sobrang saya nya sa taong totoong mahal nya? It hurts so bad pero habang tumatagal, natututo na rin ako mahalin ang sarili ko. Kahit paulit ulit na pumapasok sa isip ko na masaya sya sa iba, wala na ko nararamdaman pang sakit. Siguro it takes time talaga para magheal ang mga sugat. Siguro nasa process pa ko pero I'm almost there. One time, tumawag sakin si Seulgi.

"Hey Lis, what's up? I have something to tell you." Sabi nya habang nagaayos ng sarili nya.

"Yo, ano yun?" Curious na tanong ko pero malakas ang pakiramdam ko na tungkol nanaman kay Jennie yun.

"Jennie asked me kung ok ka lang. Wala daw kasi syang update na nakikita at naririnig sayo. Haha funny." Natatawang sabi nya. Nagulat ako sa sarili ko na wala ako naramdaman. Excitement? Dapat ba ko matuwa na kinakamusta nya ko after nya ko saktan? Lungkot? Dahil namimiss ko sya? To be honest, namimiss ko sya minsan pero ayoko na sya bumalik.

"What did you tell her?" Tanong ko na lang.

"Wala. I told her wala ako balita sayo. Typical responses lang." Sagot nya ni Seulgi.

"Next time sabihin mo sa kanya masaya na ko sa buhay ko. I gotta go Seulgs, talk to you again soon." Paalam ko.

"Okay! Ingat kayo dyan. Pakisabi na lang kina Mina na nangamusta ako."

"Okay bye."

Finally, clear na sakin lahat. Hindi na ko affected sa kanya. I'm happy for myself. Ang tagal ko na hinintay dumating tong time na to para sakin. I'm finally free. Free sa lahat ng sakit. Free sa lahat ng alaala nya.

••••
AFTER 2 YEARS.

"Shet one month na lang gagraduate na tayo. Mamimiss ko kayo." Biglang naisip sabihin ni Jisoo.

"Same here. What are your plans?" Sagot naman ni Tzu.

"Magpapahinga muna siguro ako before magwork. Kayo ba guys?" Sagot ni Jisoo habang nagcecellphone.

"Plano namin ni Jackson magpakasal na next year. Tutulong muna ako kay dad sa business namin." Sagot naman ni Jennie na kinagulat ng dalawa. Dumating naman si Irene at natawa sa mga mukha nila.

"Ano nangyari sa mga mukha nyo? Ang papangit nyo magulat." Tanong nito habang natatawa.

"Gaga ka? Magpapakasal na daw tong si Jennie next year." Sagot ni Tzu.

"Huh? Ang bilis naman yata?"

"Plano palang naman. Di pa yun sure no? Tsaka mahal na mahal namin isa't isa dun rin naman yun pupunta."

"Birthday pala ni Lisa ngayon?" Biglang singit ni Jisoo dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Jennie at mahablot agad ang phone ni Jisoo.

"Patingin!"

"Kalma! Mahulog naman phone ko pucha" kabadong sabi ni Jisoo.

"Happy birthday, Lisa! I miss you so bad. Uwi na ulit please 😢"

Post ni Seulgi sa IG.

"Ay shit birthday nga ni Lisa ngayon." Dugtong naman ni Irene. Natahimik lang si Jennie habang tinititigan ang picture ni Lisa. Bigla syang nalungkot at di maiwasang hindi mamiss ito.

"Lungkot ka naman dyan? Akala ko ba mahal na mahal mo si Jackson?" Basag ni Tzuyu sa katahimikan ng mga kaibigan.

"Bumalik si Jackson mahal na mahal ko si Lisa. Pero mas mahal ko si Jackson at mas nauna kami. Tama lang naman siguro yung ginawa ko di ba? I chose him kasi alam kong mas sasaya ako sa kanya. I made the right decision. Masaya naman ako ngayon pero seeing this post made me sad. Alam nyo yun? Yung masaya ka—"

"No. Di ka masaya. Kung masaya ka, hindi ka magkakaganyan ngayon." Putol ni Jisoo sa sinasabi ni Jennie.

"Masaya ako kay Jackson. Pero syempre di ko rin maiwasan malungkot pag si Lisa yung pinaguusapan."

"Kasi mahal mo pa si Lisa?" Tanong naman ni Irene na nagpatahimik kay Jennie.

"Mahal ko si Jackson. Lahat ng nangyari samin ni Lisa totoo pero hindi ko na sya mahal. Nahuhurt lang din ako sa ginawa ko sa kanya."

"Nonsense. Tara na nga." Yaya ni Jisoo palabas ng school.

/

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now