Kiss 2.0

1.7K 37 8
                                    

"Why the fuck did you do that!?" Galit na tanong ni Jennie kay Jisoo.

"Guys, please stop doing things like that. Kinikilig si Jennie e." Pagbibiro pa ni Lisa.

"Hala di ko alam hahahaha para akong nademonyo e. Sorry na pota nagenjoy din naman kayo ah?" Natatawang sabi pa ni Jisoo.

"Ang kapal naman ng mukha mo sa kinikilig ako. Bat ako kikiligin?" Dagdag pa ni Jennie na kitang kita naman na namumula.

"Oo nga di naman sya kinikilig e. Namumula lang hahahaha" Asar pa ni Irene.

"Teka, ano na ba balak mo sa boyfriend mo?" Singit ni Seulgi.

"Honestly, I don't know." Mahinang sagot ni Jennie.

"Bakit kasi di mo na hiwalayan? It's too early pa naman for that. I mean, hindi pa ganun kalalim yung feelings nyo sa isa't isa." Advice ni Irene habang kumakain ng pulutan.

"Yun nga balak ko kaso di ko naman magawa kasi mahal ko e." Pagdadahilan pa ni Jennie.

"Mahal mo pero niloloko ka. Papayag ka nun? Hahaha syempre papayag ka. Tanga ka e di ba?" Natatawang tanong ni Lisa.

"Ang hirap kasi guys cause you're not in my shoes."

"Wala talaga kasi nandito kami sa condo wala sa sapatos mo." Pamimilosopo ni Jisoo.

"Seryoso ako dito hayop ka wag kang ano dyan."

"Ay sorry boss" Sabay hawak ni Jisoo sa bibig nito.

"It's best kung makipaghiwalay ka na. Single pa naman si Lisa oh baka pwede pa naman kayo ulit? Yieeeee" kantyaw ni Irene.

"Huh? Pinagsasabi mo Irene? Hahahaha I'm okay being single. Pass sa lovelife." Sabi ni Lisa habang nakatingin kay Jennie.

"Kung si Lisa lang din naman edi hindi na ko makikipaghiwalay kay Mingyu." Ganti ni Jennie.

"Oo dyan ka na habang buhay kay Mingyu hahaha maglokohan kayo parehas sige." Dagdag pa ni Lisa.

Mga ilang minuto pa ng asaran at paguusap, may kumatok sa pinto ng condo. Tumayo agad si Seulgi para pagbuksan kung sino man ito.

"Hi. Is Jennie there?" Tanong ng lalake.

"Mingyu? Yeah she's here. Pasok." Sagot ni Seulgi.

"Babe, please let's talk." Pagmamakaawa ni Mingyu kay Jennie.

"Umuwi ka na. Bakit ka ba sumunod pa dito?" Pagsusungit ng dalaga.

"Because gusto ko ayusin sayo lahat please give me a chance." Pagmamakaawa ulit ng boyfriend nito.

"Nandito si Lisa. Hindi ka na nahihiya sa mga ginagawa mo? Kachat mo yung poser account pa. Ganyan ka ba katanga?" Dagdag pa ni Jennie.

"I didn't know. I thought she was the one that I was talking with. Please. Let's go home babe. Hindi na mauulit to promise. I'm really sorry. And Lisa, I'm really sorry—"

"You're sorry because you got caught." Sabi ni Lisa dahilan para maputol ang sinasabi ng binata. Tumayo naman sya at pumagitna sa kanila ni Jennie.

"Never in my life did I cheat on Jennie. Once na malaman ko pa na nagchecheat ka dito, I will have to take her away from you. Remember that." Dagdag pa nito sabay irap kay Mingyu at bumalik sa kinauupuan nya. Nagulat naman sila Seulgi sa ginawa ni Lisa at si Jennie naman ay napatingin lang sa kanya dahil sa sinabi nito.

"I know. Please guys. I'm very sorry for what I did. It will never happen again." Pagmamakaawa pa ulit ni Mingyu.

"Babe? Please. Let's go home." Pangungulit ng binata kay Jennie na hanggang ngayon napapaisip pa rin sa sinabi ni Lisa.

EXTRAORDINARY - JENLISA AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon