IG story

1.7K 30 5
                                    

Sa condo ni Seulgi.

Naglalaro ng cards to Jisoo, Seulgi at Lisa dahil bored sila. Si Lisa naman ay naextend ang leave at ginawang 1 month ng boss nya kaya hindi rin sya masyadong busy ngayon.

Habang naglalaro sila, biglang nagsalita si Seulgi.

"Guys, suggest nga kayo ng magandang way para magpropose." Seryosong sabi ni Seulgi.

Kinagulat naman ito ni Jisoo at Lisa.

"Seryoso ka ba dyan?" Nanlaki mata ni Jisoo.

"Yeah. Sobrang tagal na namin ni Irene and siguro dapat na rin kami magpakasal at magsettle." Sagot naman ni Seulgi.

"Sabagay, good luck ah. Hmmm pero isip ako kung pano. Pagisipan natin yan." Sabay kindat ni Lisa kay Seulgi.

"Thanks guys. The best talaga kayo." Tapik naman ni Seulgi sa kanilang dalawa.

"Ako nga e medyo tagilid pa rin kami sa parents ni Chaeng." Seryosong sambit ni Jisoo.

"Huh? Bakit ano meron?" Tanong naman ni Lisa sabay inom ng coke.

"Ayaw ng parents nya ng ganito e. Pinagusapan namin to nung mga nakaraang bagay. Di lang ako makahanap ng tyempo ikwento sa inyo dahil ang dami na din nangyari." Kwento pa ni Jisoo.

"Ayaw ng parents nya? Pano yan?" Tanong ni Seulgi.

"I asked Chaeng kung ano gagawin namin. Sabi nya naman mahal nya ko kaya bahala na daw. Gusto ko man ipaglaban to, natatakot ako kasi sabi nya gusto ng arranged marriage ng mom nya. Ipapakasal sya dun sa anak nung business partner nila. Natatakot ako shit." Dagdag pa ni Jisoo.

"Magtiwala ka lang kay Chaeng. Ayaw nya rin naman yata ng ganun e." Sabi naman ni Lisa.

"I know. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya dahil alam ko naman na mahal nya ko. Ang problema lang, masyado syang nakadepende sa parents nya. Kaya ko naman sya buhayin pero hindi nya maiwan yung parents nya. That's the problem."

"Yun lang. Kausapin mo lang sya about dyan and wag ka muna magoverthink dahil it will kill you. Divert mo lang ng idivert hanggang kaya mo. Andito naman kami lagi ni Lisa para sayo kaya mo yan." Sabay yakap ni Seulgi kay Jisoo dahil pinipigilan nito umiyak.

Naabutan naman ni Irene na magkayakap si Jisoo at Seulgi.

"What the!?" Sigaw ni Irene.

"Babe, may problem si Jisoo at Chaeng. We're just tryna cheer her up." Agad naman napakalma si Irene.

"I know. Sinabi din yan sakin ni Chaeng kaya problemado din yun ngayon. Don't worry, we got your back. Just trust her, okay? Kilala ko pinsan ko." Sabi ni Irene.

"Thank you guys. I love you all." Sabay group hug.

"Ano problema babe? Bakit parang naiinis ka?" Tanong ni Seulgi kay Irene habang hinihimas ang likod nito.

"Naaasar ako kay Jennie. Ang bobo." Nagngingitngit sa galit si Irene.

"Nakipagbalikan ba? Wala na pag-asa yan. Kumuha ng batong ipupukpok sa ulo nya ang gaga." Sabi naman ni Jisoo.

"Oo at magmemeet sila bukas." Sagot naman ni Irene.

"WHAT!? Di ba may boyfriend na sya!? Does he know about this!? Gago nakakaawa yung lalake." Singit ni Seulgi.

"Hindi na natuto. Let karma do its thing. Wala na ko masabi kay Jennie." Sabi naman ni Lisa.

"Ang tanga tanga ng mga desisyon sa buhay. Medyo okay naman sya sa boyfriend nya pero bakit bumalik pa sa bugok na yun hay nako." Galit na sabi ni Irene.

"Desperate na sya masyado e. Hindi nya alam ano gusto nya sa buhay nya kaya sya ganyan. Hayaan nyo yan. Hindi naman tayo yung masasaktan sa huli." Dagdag pa ni Lisa.

"Pota marupok. Isang call lang ni Mingyu bumalik agad? Nakita ko yung convo nila nung bf nya mukhang maayos naman. Hay nako."

"Magtongits na nga lang tayo ulit. Nakakastress si Jennie habang buhay tanga. Dapat pangalan nun Bobo e." Inis na inis si Jisoo sa mga desisyon ni Jennie sa buhay. Gusto nya na ito sabunutan sa sobrang inis.

Si Lisa naman ay nagcheck ng phone nya.

"Yieee may hinihintay na chat. Meron na ba?" Asar sa kanya ni Seulgi.

"Gaga wala. Tinignan ko lang yung oras baka full na buhay ko sa candy crush." Sagot naman ni Lisa.

"Candy crush ampota ml na lang tayo 1v1 pustahan. G?" Hamon sa kanya ni Seulgi.

"Sus nagyaya magml layla lang naman alam. Galing mo rin e no?" Sabay batok ni Irene kay Seulgi.

Nagcheck si Irene ng IG at nakita nyang may story update si Jennie kasama si Mingyu. Sinundo nya ito sa airport at mukhang masayang masaya ito.

"Tang ina nakakabwisit. Ang bobo ng hayop na to sarap iunfriend." Galit na galit na sabi ni Irene.

"Angry react ko nga. Bobo e." Dagdag pa ni Jisoo.

"Hindi na naawa sa boyfriend ampota. Sarap batukan ng sunod sunod hanggang matuto sa buhay." Sabi pa ni Irene.

"Kalmahan nyo. Di naman tayo yung kakarmahin kundi sya. Hayaan nyo sya." Natatawang sabi ni Lisa habang nagbabalasa ng baraha.

"Tara na nga ulet. Sugal na sugal na ko pota." Yaya ni Jisoo.

"Chinat ko si Jennie. Sabi ko uunfollow ko muna sya dahil di ko gusto mga desisyon nya sa buhay." Kwento ni Irene.

"Hahahahaha ano sabi?" Tanong ni Seulgi.

"Wala pa."

/

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now