Ayieeeeeeeeww

1.6K 33 9
                                    

8 PM sa condo ni Lisa.

Una pumunta si Irene at Seulgi, sinundan ni Jisoo at Rosé at huling dumating si Jennie.

Habang nagaayos si Lisa ng iinumin at kakainin nila, nagaayos naman sila Jisoo sa sala ni Lisa dahil magulo ito gawa ng tatlong laptop ni Lisa.

"Ang linis naman ng sala mo Lisa." Sarcastic na sabi ni Chaeng sabay tawa.

"Hoy hahaha sorry na. Busy kasi talaga ako sobrang dami kong ginawa." Sabi ni Lisa habang tinutulungan si Chaeng sa pagaayos ng mga gamit nito.

Si Jennie naman, pinakelaman ang isang laptop ni Lisa at tinignan ang mga model na ineedit nito sa photoshop.

"Wow eto si Jeon Somi di ba? NagKorea ka pala dati?" Tanong ni Jennie.

"Uhh yeah. She asked for her pics kasi kaya inedit ko tapos sinend ko ulit sa kanya." Sagot naman ni Lisa.

"Maganda sya ah." Silip ni Irene.

"Mas maganda ka dyan hahaha" Bola pa ni Lisa.

"Oy mine. Akin na to ah." Sabay lapit ni Seulgi kay Irene at niyakap ng mahigpit.

"Lah baket inaagaw ko ba? Ako nga lang walang jowa dito ih tsaka si Jennie pala." Sabay pout ni Lisa.

"Excuse me? Taken na ko hahahaha" Proud na sabi ni Jennie.

"Good for you. Nasan sya?" Singit naman ni Chaeng.

"Nasa abroad sya ngayon para sa project. Miss ko na nga e pero naguusap naman kami lagi." Sagot ni Jennie habang nagsscroll sa photoshop.

"Sana all may jowa na. Bigyan nyo nga ko guys charot." Biro ni Lisa.

"Lah di ba ayaw mo? Arte nito." Nainis na sabi ni Jisoo.

"Hahahaha pota bat nagagalet ka? Jowain kita e."

"HOY LALISA, AKIN YAN." Malakas na sabi ni Chaeng habang nakaturo kay Jisoo.

"Joke lang hahaha. Oh eto na nakapagluto na ko. Kunin mo sa ref yung beer Seul." Pagbibiro ni Lisa kay Chaeng.

Nagsimula na sila maginom.

"Namimiss ko na si Ruffa Mae. Musta na kaya yon?" Malungkot na sambit ni Jisoo.

"Ruffa Mae tsaka si mata"

"Tang ina sino si mata? Ang dami nyong lihim." Nalilitong tanong ni Seulgi dahilan para matawa silang lahat.

"Tanga ka talaga Seul hahaha yung mata si Yuna." Natatawang sabi ni Jisoo sabay inom ng beer.

Unti unti nila napapansin na si Jennie ay panay cellphone at nakangiti lang ito. Si Lisa naman ay kumuha ng order nilang pagkain sa baba.

"Luh saya kang gago ka?" Tapik ni Jisoo kay Jennie.

"Syempre. Masaya ako. Ikaw masaya ka ba?" Nagulat si Jennie sa pagtapik ni Jisoo.

"Masaya naman ako ah?" Sabay halik sa pisngi ni Chaeng na kinablush naman nito.

"Ayieeeeeewwwwwwww" Asar ni Irene na may kasamang pandidiri.

"Miss ko na agad bebe ko huhu busy nanaman sa work." Malungkot na sabi ni Jennie.

"Inamo kakabalik lang sa trabaho miss mo agad? Parang buong maghapon ka nga lang nagccp." Basag ni Jisoo sa kalungkutan ni Jennie.

"Luh baket ka ba nagagalet? Alam mo pansin ko sayo, simula naging kami ni Luca galit ka lagi. Nagseselos ka ba?!" Nabulunan naman lahat sa sinabi ni Jennie. Kahit si Chaeng na kumakain ng itlog ay parang nakalunok ng tinik matapos marinig ang sinabi ni Jennie.

"Putangina penge tissue di ko kinakaya yung sinasabi ni Jennie." Sabi ni Seulgi habang minamadali si Irene na kunin ang tissue dahil lumabas ang iniinom nyang beer sa mga ilong nya.

"Ako magseselos!? Pota baket!?" Litong lito tanong ni Jisoo habang nakaturo sa sarili.

"Nagagalet ka e. Bakit nga?" Sagot naman ni Jennie.

"Ganito kasi, di namin masyadong gusto yan para sayo. Hindi pa nga namin nakikilala yan or nakakausap kahit ikaw hindi mo alam itsura nyan." Paliwanag ni Irene.

"Yeah but at least I'm happy. Does look still matter to you guys?" Tanong ni Jennie na kinatahimik nila.

Pumasok naman si Lisa sa kwarto dahilan para mabasag ang katahimikan ng mga ito.

"Ano yang mga itsura nyo? Kala nyo bagay sa inyo? Para kayong die hard fans ni Nora Aunor." Seryosong sabi ni Lisa matapos makita ang mga seryosong mukha ng mga kaibigan nito.

"Wala. Si Jennie kasi tinanong kami kung does look ano. Ano nga yun??" Tanong ni Jisoo sabay kamot sa ulo.

"May boyfriend kasi ako tapos—"

"Hold up. May tumatawag. Wait I have to take this." Putol ni Lisa kay Jennie.

"Whatever. Tara na maginom na tayo. Lagay sa gitna lahat ng phone ah. Ang unang humawak ng phone magbabayad ng 25k each. Deal?" Hamon ni Jennie.

"Deal." Sagot naman nila Irene. Alam nila na matatalo si Jennie dahil magchachat sa kanya si Luca.

Ilang minuto pa, dumating na si Lisa.

"Sorry guys work yun e. Anyway, ano to?" Nagtatakang sabi ni Lisa habang nakaturo sa basket.

"Bulag ka ba? Lagay mo dito phone mo. Naghamon si mareng Jennie na wala daw magpphone. Ang una magphone magbibigay ng 25k sa bawat isa satin." Paliwanag ni Jisoo.

"Ahh. Okay deal." Sabay lapag ni Lisa ng phone nya sa basket.

Nagsimula na sila magkwentuhan at magasaran. Ilang minuto palang ang nagdaan, sunod sunod na ang notification ni Jennie. Hindi naman nya matignan kung kanino galing ito pero sigurado sya na si Luca ang nagmessage sa kanya.

"Ugh shit nakakatempt." Sabi ni Jennie sa sarili nya. Kukunin na nya sana phone nya dahil sa hindi matigil na pagmessage ni Luca pero nakita nya mukha nila Jisoo na nakatingin at nakangiti sa kanya na para bang tinutukso ito.

"Check mo na. Miss na miss ka na nyan oh tapos magwithdraw ka na din. Thank youu." Asar ni Jisoo kay Jennie.

Akmang kukunin na ni Jennie ang phone nya pero pinigilan nya sarili nya.

"Hay shit. Mamaya na nga lang. 100k agad kayo ang swerte nyo naman duh!?" Pagsusungit nya sabay irap kay Jisoo.

Kay Lisa naman, puro babae at model ang nagchachat sa messenger nito. Nakatingin lang sya at nakafocus sa asaran ni Jisoo't Jennie.

"Ikaw? Wala ka ba balak sagutin yan? Naghihintay lang naman kami. Ayos lang naman yan." Tanong ni Seulgi kay Lisa at tinutukso rin ito.

"Hahahah kahit anong gawin mong panguuto dyan, di mo ko mauuto. Pake ko sa mga yan kahit magmessage sila? Hahahaha" natatawang sabi ni Lisa habang kumakain ng sisig.

"Ayusin mo nga upo mo. Yan ang nakakatukso e." Nabiglang sabi ni Jennie kay Lisa dahil nakabukaka ito at upong lalake.

"Hey watch your words hahahaha may boyfriend ka na." Biro ni Lisa.

"I know. Love ko kaya yon." Sabay pout ni Jennie.

"Lab ka bang gago ka?" Singit ni Jisoo.

"Oo baket? Tignan mo nga tunog ng tunog phone ko." Sagot naman ni Jennie.

Ilang minuto pa, nagring ang phone ni Jennie at number lang ito galing ibang bansa.

"Guys, I have to take the call. Excuse muna sa 25k na yan." Sabi ni Jennie.

"Yeah sure." Sagot naman ni Lisa habang umiinom ng beer.

"Excuse me." Lumayo si Jennie sa kanila para malinaw na marinig ang tawag.

"Hi. It's me. I miss you."

"Wait. Is this —"

-

Who?

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now