Fliptop

1.7K 36 4
                                    

"Can I sit here?" Tanong ng isang familiar na boses.

"YUNA!?!?!?!??" Sabay sabay nilang sagot.

"What? Bat ba parang gulat na gulat kayo? Uupo lang e." Sabay irap ni Yuna.

"Sure gago! Namiss ka namin hayop ka. Musta ka na!?!?! Tae to ngayon ka lang nagpakita hayop ka talaga!" Napatayo si Jisoo sa kinauupuan para yakapin ng mahigpit si Yuna. Gulat na gulat din si Irene sa mga nangyayari.

----

YUNA

Classmate nila si Yuna nung first year. Nagmigrate sya sa Australia para dun ituloy ang pag-aaral nya kaya laking saya ni Jisoo't Irene nang makita si Yuna. Sya lang din naman ang sumunod kay Jennie't Irene na crush ng bayan.

----

"Jennie!"

"Irene! The hell!?! Kanina pa ko ikot ng ikot kakahanap sayo."

"Jennie! Tara! Nandito si Yuna!"

Agad naman lumapit si Jennie. Mas naexcite pa sya nang makita si Lisa kesa kay Yuna.

"So..I'm Lisa. Nice to meet you, Yuna." Sabay abot ng kamay nito kay Yuna.

"Nice to meet you too. Lisa? Kapangalan mo yung gf ng p—"

"So Yuna kelan ka pa dito?" Pagputol ni Jennie sa pagsasalita ni Yuna.

"Ang sakit pa rin ng tenga ko shit." Bulong ni Seulgi kay Lisa habang nakahawak sa tenga.

"Gago ka kasi di ka nagpapaalam ng maayos. Napingot ka tuloy ng malala." Natatawang sagot ni Lisa kay Seulgi.

"Last last week pa ko dito. Actually, ippm ko sana kayo isa isa kaso bago na kasi account ko. Add ko nga kayo mga jejemon." Sabay labas ng iPhone 11 pro max nito.

"Ang yabang. Patext nga. Sim 2 ba?" Asar ni Jisoo.

"Gaga walang load yon. Sim 1 sa tm." Sakay nito sa asar ng kaibigan.

"Bakit ka ba nandito? Naghahanap ka nanaman ng kalandian hayop ka." Sabat ni Jennie.

Di naman maiwasan ni Lisa di tumingin kay Jennie dahil napakaganda nito.

"Stressed kasi ako sa pinsan ko. Ang landi landi hahaha kasama yung boyfriend nyang mukhang champola." Sagot nito.

"Champola ampota HAHAHAAHHAAHAHA" napalakas na tawa ni Jisoo.

"Oo gago hahaha stressed ako kasi nagaway din kami. May girlfriend kasi sya nakilala nya sa states pero may boyfriend sya na matagal na. Bumalik. Di ba ang tanga!? Order nyo nga ko tequila with fudgee bar in a can"

"Kingina mo walang ganun dito. O tapos?" Seryosong sagot ni Jisoo.

"Hahaha grabe naman yang pinsan mo, Yuna. Ang dami talagang manloloko no?" Sabay tingin kay Jennie.

"Well, may iba kasing naconfuse lang." Sagot naman ni Jennie.

"Naconfuse pero may jowa agad? Walang ganon mars. Diba?" Sabay apir kay Seulgi.

"Tang ina nagffliptop na tong dalawa ah." Sabi ni Jisoo sa isip nito.

"Hindi ba pwede magkamali? Hindi ba pwedeng nadala lang ng damdamin? Hindi ba pwedeng talagang nalito lang? Napakaperfect mo naman kung sasabihin mong bawal magkamali lalo na sa pagmamahal." Sagot ni Jennie na nakasmirk.

"Pagkakamali ba yun? You think pagkakamali yun? Kung mahal mo pa yung ex mo sana di ka pumapasok sa relationship lalo na kung alam mong makakasakit ka pag bumalik yun." Sagot naman ni Lisa.

"Tang ina teka nga! Ang aanghang ng mga binibitawan nyo! Magkaano ano ba kayo!?" Nalilitong tanong ni Yuna.

"EX KO SYA!" Sabay nilang sagot.

"HEP!!! TEKA. Sino yung nanloko!?"

"Sya! Nakipagbalikan dun sa Jackson nyang mukhang hay nako ayoko na lang magsalita. Alam kong masama manlait pero hayaan nyo na guys." Sabay inom ng tequila.

"Tang ina naman Yuna ang ganda ganda ng sagutan pinutol mo pa." Panghihinayang ni Jisoo.

"Nakipaghiwalay na ko kay Jackson." Mahinang sabi ni Jennie.

"What?! Bakit?" Nagulat na tanong ni Irene.

Natahimik ang lahat nang marinig ang sabi ni Jennie.

"Yes. Kelan lang. I broke up with him because I'm not happy anymore. That's why I'm here para maglabas kay Irene ng lahat." Sabi ng dalaga habang nakatingin kay Lisa.

"Awwww. Are you okay now?" Pagcomfort ni Yuna sa kaibigan.

"Yes, thank you but—" Sagot ng dalaga ng nakangiti.

"So, Yuna balik tayo sa pinsan mong hayop ka. Anyareh?" Pagputol ni Seulgi kay Jennie.

"So yun nga, pinagsabihan ko sya. Sabi ko bitch, karma is digital. I told her na mamili sya kasi mahirap yung daladalawa."

"Grabe talaga mga manloloko." Sabat ni Jisoo.

Tahimik lang si Lisa dahil na rin sa narinig nya kay Jennie.

"Sino ba yang pinsan mo?" Napatanong si Jennie.

"Di nyo kilala e. Basta pangalan nya Li—"

"Wala pa ba yung order natin!?!" Malakas na pagtanong ni Jisoo dahilan para maputol sa pagsasalita si Yuna.

"Tang ina nyo ayoko na nga sabihin kung sino. Mga wala kayong kwentang kaibigan!"

----

EXTRAORDINARY - JENLISA AUDonde viven las historias. Descúbrelo ahora