Stupid

1.4K 35 4
                                    

Umaga na, nauna nagising si Jennie pero nagtulog tulugan sya para malaman kung ano ginagawa ni Mingyu tuwing tulog sya. Ilang minuto pa, nagising na rin ang binata at hinanap agad ang phone nito.

Pag bukas nya ng phone nya, tumingin muna sya kay Jennie para icheck kung tulog na tulog pa ba ito. Binasa nya agad ang reply ni Lisa na may ngiti sa kanyang mukha.

"Cute." Mahinang sabi nito na akala mo'y kinikilig pa.

"Good morning. What's your plan for today? :)" Reply nya ulit sa dalaga sabay tayo papuntang cr para maghilamos.

Maya maya pa, nagvibrate naman ang phone ni Jennie dahil sa sinend ni Lisa na screenshot.

Sa GC

*Lisa sent a photo*

Js : What the hell?? Ang creepy ampota. @ Jennie do you know about this?

I : Girl, you're stupid pag di mo pa yan hiniwalayan.

L : I know what it feels like being cheated on. Kahit nagawa mo yun sakin dati, ayaw ko pa rin mangyari sayo yan ngayon. Habang maaga pa, wag na wag mo ignore yung red flags.

Jn : Wait guys I can't type. Nagtutulog tulugan kasi ako para malaman mga kagaguhan nya. Nasa CR lang sya. Brb.

Js : Aysus wag ka magpakatanga dyan. Tama si Lisa wag mo iignore yung red flags. Makipagbreak ka na habang maaga pa.

S : Isn't it funny nilalandi ng jowa mo yung ex mo? Hahahaa gago ampota.

I : Actually, nagmessage din sakin si Sehun kagabi..

Js : Oy. Ansabe?

S : Bakit di mo sakin sinabi? At dito mo pa talaga sinabi? Hahahaha

I : Nawala sa isip ko sorry.

S : Ano ngang sabi?

I : Wala nangungumusta lang.

L : Guys, stay loyal and faithful ah. I love you all.

Js : Buti pa ko hehehe

R : Puro ka ganyan araw araw mo naman ako pinipikon.

Js : Luh

----

IRENE'S POV

Nagtext sakin si Sehun kagabi at...tumawag. I know Seulgi will hate me for what I did. To be honest, medyo nawawalan na ng thrill yung relationship namin ni Seulgi. Same habit, same shit na lang araw araw to the point na parang nagsasawa na ko. Wala naman mali kay Seulgi and I'm still trying to work it out with her.

Nung nakausap ko si Sehun, parang may excitement ako na naramdaman. Nagpaalam ako agad kay Seulgi na matutulog na ko kahit hindi pa naman. I know na mali yung ginagawa ko and napakagaga ko pero sinubusukan ko iwasan yun.

Pumunta si Seulgi sa condo after malaman na nagtext sakin si Sehun. Wala na kong choice para kausapin sya about sa nararamdaman ko. Alam kong masasaktan ko sya pero mas maganda na rin na maging honest ako kesa maglihim pa ko sa kanya.

"Hi babe" Bungad nya sakin pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto. She always wears that smile na halos mawala na yung mata nya and I love it.

"Hey come in." Cold na sabi ko. I don't know pero parang unti unti na nawawala yung sparks.

"So what happened?" Tanong nya sakin habang umuupo.

Kumuha muna ako ng juice bago kami magusap. To be honest, di ko alam paano ko sya kakausapin about dito.

"Uhm. Yun tinext ako ni Sehun kung kumusta na daw ako..." Ninenerbyos pa ko habang nagsasalita dahil ilang beses ko palang nakita ang seryoso nyang mukha.

"And then?" Mahinang tanong nya.

"I lied." Sabi ko.

"You lied? To me?" Alam ko kung gaano kaiyakin si Seulgi pagdating sakin.

"Yes. Nagsinungaling ako sayo." Sagot ko naman. Natatakot ako na baka bigla syang magbreakdown sa harapan ko.

"Why? Bakit? Ano ba nangyayari?" Nalilitong tanong nya.

"Sabi ko di ba matutulog na ko ng maaga? I lied. Tumawag si Sehun and nagusap kaming dalawa tapos—"

"Do you still have feelings with him?" Hindi nya na ko pinatapos sa pagsasalita. Namumula na ang mga mata nya na para bang limang segundo na lang, tutulo na ang mga luha nya.

"I don't know. Nung nakausap ko sya alam ko sa sarili ko na namiss ko sya and andun yung excitement and saya habang magkausap kami. To be honest, winowork out ko na lang yung nararamdaman ko para sayo. Unti unti na ko nafafall out." Pagiging totoo ko sa sarili ko. Ayoko na kasi magsinungaling sa kanya dahil nakokonsensya ako.

"Oh. Hindi ko alam na yan na pala nararamdaman mo ngayon. Ang saya saya natin these past few days. Can I see your phone?" Alam kong disappointed sya sakin at nagpipigil lang ng iyak. I'm really sorry, Seulgi. You don't deserve this.

"Here's my phone. I'm really sorry. Sorry talaga babe." Umiiyak na ko ng umiiyak dahil alam kong masasaktan sya ng sobra and nasasaktan din ako para sa kanya.

"Wow may plano pa kayo mag out of town sa weekend? Kaya pala nagpaalam ka sakin sabi mo sa office nyo to. Bakit? Irene, ano mali sakin?" Nagsimula na rin sya umiyak. Ayaw na ayaw ko nakikita syang umiiyak dati pero ngayon ako na ang dahilan ng pagiyak nya.

"I know na napakagago ko and I'm really stupid. I'm really sorry. Sabihin mo na sakin lahat naiintindihan ko." Sabi ko at akmang hahawakan ko ang mga kamay nya pero inalis nya ito.

"Enough na. Wala na ko masasabi sayo. Bumalik ka na sa kanya kung sya na nagpapasaya sayo ngayon. I'm sorry kung hindi na kita mapasaya dahil din sa busy ako sa work. Galit ako sayo oo, pero mas lamang yung pagmamahal ko sayo." Sabi nya habang nagpupunas ng luha. Lalo naman ako napaiyak dahil wala ako narinig sa kanya na kahit ano.

"What do you mean? Bumalik ako?" Tanong ko.

"Alam natin parehas na kung papipiliin kita ngayon, si Sehun pipiliin mo. Masyado na masakit sakin to pero mas masasaktan ako lalo knowing na hindi ako yung pipiliin mo. Ako na nakikipaghiwalay sayo ngayon and I really hope he makes you happy. I'm leaving." Sabay tayo nya.

Pinigilan ko sya dahil gusto ko rin naman iwork out yung relationship naming dalawa.

"Babe no. Ayoko. Let's work this out, please?" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Work it out with him. Nagsinungaling ka na and araw araw na ko mapaparanoid dahil dyan kung ipagpapatuloy pa natin to. Sige na. Malaya ka na. Wala na ko kakapitan dahil mas pinili mo sa iba kumapit at unti unti mo ko binitawan." Sabi nya sakin habang inaalis yung kamay ko sa mga braso nya.

Wala na ko nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak at magmukmok. Alam kong napakatanga ko at napakagago ko para hayaan mawala sakin si Seulgi.

Alam ko rin na magagalit sakin si Jisoo, Jennie at Lisa sa ginawa ko. Hay.

Paano ko ba mababalik ang lahat sa dati?

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now