Good bye

1.7K 36 4
                                    

"Where are you? We're here na." Text ni Lia kay Yuna.

"Susunduin ko kayo dyan sa entrance. Wait for me there." Reply naman ni Yuna.

"Uhh..guys sunduin ko lang pinsan ko sa entrance. Excuse me." Paalam ni Yuna sa mga kaibigan.

"Sure sure."

"Uwi na din ako. Nawala ako bigla sa mood e." Sabay tayo ni Lisa para maglakad pero pinigilan sya ni Jennie.

"W-wait.." mahinang sabi ni Jennie.

"Hintayin muna natin yung pinsan ni Yuna. Ayaw mo ba sya makita?" Nakagawa ng excuse si Jennie para pigilan si Lisa pagalis.

"No need. The hell I care about her? Parehas lang naman kayong cheater. I'll go now." Sabay bitaw sa kamay ni Jennie.

"Oh okay." Napayuko na lang si Jennie at hinayaan na lamang na umalis si Lisa.

Mga ilang minuto pa, bumalik na si Yuna kasama ang pinsan nito. Si Lia at kasama din si D na boyfriend nito.

"Guys, this is Lia and her boyfriend..."

"WHAT!?!??" Gulat na gulat ang lahat nang makita si Lia.

SA PARKING LOT

"Aishhhhh tang ina bat ko pa naiwan yung phone ko. Bwisit naman oh." Inis na inis na sabi ni Lisa sa sarili at bumalik para kunin ang phone nya na naiwan sa table.

Naglakad sya ng mabilis papunta sa table nila. Naabutan nyang may nagsasagutan at nakita nyang si Jennie ang isa don.

"Aish lagi na lang may kaaway tong tanga na to." Sabi nya sa sarili.

Lumapit na sya sa table para kunin ang phone nya pero....

"B-b-b-abe?" Nabitawan ni Lisa lahat ng dala nya nang makita nyang si Lia pala ang kaaway ni Jennie at kinekwento ni Yuna na pinsan nyang manloloko.

"L-L-Lisa?" Mahinang tanong ni Lia.

"See?! Lisa, I told you—"

"No. This can't be. Tell me hindi ikaw yung pinsan ni Yuna. Tell me!!!" Sigaw ni Lisa.

Gulat na gulat ang lahat sa mga nangyayari. Maging si Yuna, hindi inexpect na si Lisa pala ang tinutukoy ni Lia na girlfriend nya.

"What? Sorry, wait. What's going on?" Tanong ni Yuna.

"I'm Lisa. Ako yung girlfriend ni Lia." Sagot ni Lisa.

"Babe, I'll explain. Let me explain." Paglapit ni Lia kay Lisa at hinawakan ang dalawang kamay nito.

"You promised..who's he?" Sabay tingin kay D.

"I'm Do Kyung Soo, boyfriend ni Lia." Pagpapakilala pa nito.

"What? Lia? You promised me. You promised di ba? I trusted you. Babe I trusted you. I gave everything di ba? Bakit ganito? What happened? Was I not enough?" Gulong gulong tanong ni Lisa at patuloy ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

Galit na galit si Jennie kay Lia pero pinipigilan sya nina Irene magsalita.

"Lisa, you were enough...I was happy..but not anymore.." Sagot ni Lia kay Lisa

"So? What's this? You're breaking up with me?" Tanong ni Lisa.

"I guess it's the best for us. I'm so sorry if we ended up like this—"

"Fuck you. Tang ina bakit nyo ba ko niloloko?" Sabay tingin din kay Jennie.

"Ikaw, ikaw at ikaw. Tang ina mga pareparehas kayong manloloko. All I did was love you tapos eto yung igaganti nyo sakin? Hindi ba ko talaga deserve mahalin?" Sabi nya habang umiiyak at nakatingin kina Lia, Jennie at Irene.

"Lisa, tama na. Tara na." Pag-aya ni Seulgi sa kaibigan.

"I just wish na wala ka pagsisihan, Lia. Hinding hindi na ko bumabalik at babalik sa mga taong niloko ako." Sabay alis nito.

Napaupo na lang si Lia at umiyak ng umiyak. Hindi na rin napigilan ni Jennie umiyak at sundan si Lisa.

"Lisa! Lisa!" Tumatakbo at hingal na hingal si Jennie kakahabol kay Lisa.

"WHAT!? LEAVE ME THE FUCK ALONE JENNIE." Galit na sabi nito.

"I just wanna say sorry for everything that I've done. Siguro hindi ko din deserve na mahalin mo ulit, siguro hindi lang talaga ako yung tao para sayo. Don't worry, from now on hindi na ko mangungulit. I'm letting you go now. I love you so much." Sabay yakap nito kay Lisa at umalis.

Hindi na sya lumingon pa ulit kay Lisa dahil ayaw nyang bawiin ang mga nasabi nya. Wala syang narinig kahit isang salita kay Lisa kaya hinayaan nya na din ito.

"Mahal na mahal pa rin kita, Jennie." Mahinang sabi ni Lisa sa sarili nya.

-

EXTRAORDINARY - JENLISA AUWhere stories live. Discover now