CHAPTER 1

47 2 2
                                    

September 6, Friday  

Rae

    I PITY THE CUBE. Seriously, it was probably the fifth time Terrence threw the rubik's cube. Kung nagsasalita lang yung cube, malamang kanina pa yun nagrereklamo.

"NO! I don't want to play that anymore." Pag-angal ni Terrence na halos hindi na maipinta ang mukha.

"Terrence, don't give up now. Konti na lang oh...makukuha mo na kung paano mabuo ang white layer." Masuyo kong sabi sa kanya habang maingat na inaabot ang cube sa likod ng upuan. Narining ko ang muli niyang pag-angal na lalong nagpawalang gana sa akin na turuan siya.

"Hey kid, what do I always say? Patience is ---"

"Patience is a virtue. Yeah yeah." Kahit hindi ko nakikita si Terrence, naiimagine ko ang pag-irap niya. "Just get it na lang Ate. Dami mong sinasabi eh."

Ang attitude ng kapatid ko. Kanino kaya ito nagmana.

"Opo señorito. Kinukuha ko na po."

Nang wala akong nakuhang rubiks cube sa likod ng upuan ay sa may sahig naman ako nagsimulang mangapa. Pero wala pa rin akong nakuha sa sahig ng sasakyan kaya't umayos ako ng pagkakatayo upang maabot  ng mas maayos ang isa sa mga kahon na naglalaman ng ilan sa aming mga gamit.

"Ate ang tagal mo na—aray! Mommy si ate oh... she's stepping on me."

"Sorry na." Maaga kong sabi at tiningnang mabuti ang loob ng kahon. "Ikaw kasi, kung hindi mo tinapon yung rubiks ko edi sana hindi kita matatapakan." Inis na sabi ko sa kanya.

"Eh kung hindi mo ako pinilit turuan kung paano magbuo ng rubiks cube edi sana hindi ko yan itinapon." Pilosopong sagot naman ni Terrence.

Kalaunan ay nakuha ko rin ang binatong laruan at bumalik sa pagkaka-upo . "Anong pinipilit? Sino ba sa ating dalawa ang halos umiyak na kanina kasi nagpupumilit magpaturo?"

"Hindi ako yun!" Pagalit na pagtanggi nito. " Napagdiskitahan mo lang naman ako ate kasi bored na bored ka na."

"FYI, Terrence. Di ako bored noh? Nagce-cellphone nga ako eh, paano ako nun mabo-bored?"

"Yes, you were. Sabi mo pa nga, 'Ugh! Are we there yet. I'm dying na because of boredom'." He said the last part trying to imitate me.

"I didn't say that." Pagtatanggi ko sa kanya. "And I definitely don't sound like that."

"Yes, you are!"

"No, I don't"

"Yes!"

"No!"

"Yes!"

"No!"

"Yes, nga eh! Ang kulit mo ate!"

"No, nga eh! Ang kulit mo Terrence!"

"Mama mo makulit..."

"Duh! We have the same mother kaya." I pointed out. "Mama! Si Terrence oh walang galang."

"Ateeeee!" Sigaw nito na halata na ang pagka-inis.

I smiled in triumph. Ah, the glory of winning in an argument.

"Quit smiling! Akala'y nakakatuwa siya." Pikon na saad nito habang lumalayo ng upo mula sa akin.

I smirked, making him more irritated. "Bakit, masama bang ngumiti ha?"

"Hakdog."

"Ano?" Aba't saan naman na natutunan ni Terrence ang mga salitang ito?

He smirked, his little eyes glittering with mischief. "Kampano."

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now