CHAPTER 6

12 0 0
                                    


CHAPTER 6

Rae

September 12, Thursday

         WHAT THE HELL IS WRONG WITH ME? How am I nervous and excited at the same time? Wala naman akong dapat ika-nerbyos dahil magkikita lang kami mamaya ni Lorenzo para kunin yung bag ko. So bakit nga ako kinakabahan? At bakit rin ako medyo excited? Ang gulo ko.

Nang malaman naming dalawa ni George kagabi na kay Lorenzo nga yung bag, nagkusa na siya na ang magsabi. George informed me that Lorenzo didn't notice that the bag wasn't his. Iniwan daw niya kasi sa locker yung bag pagkatapos ng laban. Tuloy ang training nila bukas, kaya nagkasundo na lang ang dalawa na during morning break namin puwedeng kunin ang bag sa kanya. Sa pool area na lang daw namin siya puntahan dahil malapit lang dun ang locker nila. Nilinaw ko kay George na samahan niya ako sa pagkuha ng bag ko bukas, lalo't siya ang may kasalanan kung bakit kami ni Lorenzo nagkapalit. Hindi na nakatanggi si George kaya pumayag na rin sa huli. After the conversation, I finally managed to get some sleep.

I was fine when I woke up this morning, but when I entered my first class, that's when I started to feel...strange. Hindi lamang sa wall clock ng classroom ako nagche-check ng oras. Pati sa wrist watch na suot ko at pati na rin sa orasan ng cellphone.

"Sige mga bebe, bukas na lang natin ituloy ang discussion. Ay next week na pala at wala ulit klase bukas." Sabi ng teacher ko bago umalis ng classroom. Nasiyahan ang mga kaklase ko sa narinig bago nagsilabas ng classroom para bumili ng makakain. Dala ang bag ni Lorenzo ay lumabas na rin ako ng classroom para kitain si George sa may gym.

"Raeeee, I'm really sorry. I'm sorry for being reckless." Bungad sa akin ni George ng makita niya ako. Badminton ang ico-cover na laro ngayon ni George, sakto naman sa gym ito gaganapin kaya dito namin napag-usapang magkita bago pumunta sa pool area. "May importante bang gamit dun sa bag mo? Hala, yari ako kay Tita pag may nawala." She added, her voice full of guilt.

"Meron. Nasa bag yung mamahaling tupperware ni mommy. " Biro ko sa kanya na mukha namang sineryoso.

"Hala, tunay?"

"Lol, joke lang." She sighed in relief before grasping my hand and dragging me to towards the pool area.

"Halika ka na, baka malate ka pa sa susunod mong klase kapag natagalan pa tayo."

I let her drag me all the way. We stopped when she saw the swim team leaving the pool area. Kasama na dito si Gino. Hindi pinansin ni George ang kapatid dahil nakita nito si Maiah na kausap si Gino. Hindi nila kasama si Lorenzo, naiwan siguro sa loob.

"Georgette!" George stopped and grunted when she heard her real name. Lumapit sa amin si Gino, kasama si Maiah, kaya naman nag-180 ang ikot ng mga mata ng kaibigan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Gino sa kapatid.

"Sinasamahan si Rae." Maiksing sagot ni George. Nakatuon lang ang pansin ni George sa kapatid at halatang iniiwasan si Maiah. Si Maiah naman ay nanatiling tahimik pero nakatingin kay George, taimtim na hinahayaang mag-usap ang dalawa.

"Bakit?" Muling pagtatanong ni Gino.

"Basta. That's none of your business. " Inis na saad ni George at saka muling naglakad papasok.

"Teka lang George." Pigil ko sa kanya bago bumaling kina Gino. "Si...uhm... si Lorenzo ba nasa loob?"

Tumaas ang parehong kilay ni Gino sa tanong ko, nagkatinginan silang dalawa ni Maiah na tila ba may iisang iniisip.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now