CHAPTER 17

8 0 0
                                    

Rae

BOTH OF MY GRANDPARENTS were happy when they found out that I decided to stay. Masaya sila dahil mayroon na raw silang makakasama sa bahay. Pinayagan na rin ako ni Mommy sa naging desisyon ko. Si Terrence naman ay nalungkot noong nalaman na hindi ako sasama pabalik ng lungsod. Sa darating na Miyerkules balak lumuwas nina Mommy.

Sa bahay nina Lola kumain si Daddy ng hapunan. Habang nakain ay pansin ko ang pagiging tahimik nina Lolo't Lola. Nag-uusap na naman kahit papaano sina Daddy at Mommy, paminsan minsan ay nakikisali rrin Terrence sa usapan. Sinusubukan akong kausapin ni Daddy, ngunit mga simpleng sagot at pagtango lang ang iginagawad ko sa kanya.

Matapos kumain ay nagpaalam si Daddy sa amin. Luluwas na daw ulit siya pabalik ng lungsod. Baka daw bukas na ng hapon makabalik si Daddy dito sa Calilaya upang makapagpahinga. Pinigilan siya ni Mommy, sabi nito ay kahit sa Lunes na bumalik para makapaghinga ng maayos. Tumango na lang ang aking ama bago halikan si Terrence sa pisngi at magpaalam kay Mommy. Balak rin sana niya akong halikan sa pisngi ngunit nang makita niya ang tindigan ko ay niyakap na lang ako ni Daddy. Nagpaalam na rin siya kina Lola.

"Mag-iingat ka sa biyahe." Rinig kong paalala ni Lola.

Tumango ang aking ama bago sumakay ng kotse. Bumusina pa ito sa amin bago tuluyang umalis.

Maaga akong gumising nang Linggo ng umaga. Bibili kasi kaming dalawa ni Mommy ng tela sa bayan na gagamitin ko sa pagpapatahi ng uniform. Kasama rin namin si Lola dahil pagkatapos mamili ay dederetso kami sa kaibigan niyang mananahi. Si Terrence naman ay inihabilin namin kay Lolo.

Katulong ni Mommy si Lola sa pamimili ng telang gagamitin. Habang ako naman ay matiyaga lamang na nag-iintay.

"Ilang pares ba ng uniform ang balak mong ipagpatahi?" Tanong ni Lola kay Mommy.

"Dalawang palda at apat na blouse."

"Ay paano ang PE uniform?"

"Hindi ba sagot na ng school iyon?"

Pagkatapos mamili ay dumiretso kami sa kaibigan ni Lola. Habang sinusukatan ako ng mananahi ay panay ang puri nito sa akin.

"Aba, ang laki na pala ng apo mo Lisa. Mas matangkad na sa iyo."

Tumawa na lamang si Lola sa sinabi ng kaibigan.

"Dito ka pala sa bayan natin mag-aaral, hija. Ay paniguradong maraming manliligaw sa iyo."

Bahagya akong nahiya sa sinabi ng mananahi. Gusto ko sana siyang kontradiktahin, ngunit mas pinili ko na lamang manahimik.

"Wala namang problema sa akin kung may manliligaw kay Rae, basta dapat mabuting bata at kahit papaano ay kilala ko na."

Dahil sa sinabi ni Lola ay napatingin ako sa kanya. Mabuting tao naman si Lorenzo. Magalang at mapagkumbaba, minsan loko loko. Pero mukhang magkakasundo naman sila ni Lolo pagdating sa kalokohan. At saka hindi ba kakilala na rin nina Lola si Lorenzo?

Kaya sa tingin ko ay kung ipagpapatuloy ni Lorenzo ang panliligaw sa akin, hindi siya magkakaproblema kina Lola.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng napagtantuan ang inisip. Para akong tanga, bakit ko nga ba naman iniisip yun ay hindi ko pa nga napag-iisipan kung papayagan ko si Lorenzo na manligaw sa akin.

"Ang sa akin lang eh, dapat seryoso sa pag-aaral ang manliligaw sa anak ko. Yung hindi puro landi ang alam."

Napakagat labi naman ako sa sinabi ni Mama. Masipag bang mag-aaral si Lorenzo?

Pagkatapos magpasukat ay umuwi na rin kami. Puwede ko na raw makuha ang isang pares ng uniporme sa darating na Huwebes at Biyernes. Pumayag naman sina Mama at binayaran na ang kalahati.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now