CHAPTER 8

9 0 0
                                    

Rae

    PAAKYAT PA LAMANG AKO SA KWARTO nang na-receive ko agad ang unang chat ni George.

George:
Naks, hinatid pa siyaa ehhhh yieee
Reply agad aa, kanina pa ako dine nag-aabang HAHAHAHA

Napangiti ako sa nabasa, kapit-bahay nga lang pala namin si George. Siguro ay nasaktuhan ni George kaming dalawa ni Lorenzo kanina noong hinatid niya ako, o kaya naman ay iniintay niya talaga akong makauwi. Hindi ko muna siya ni-replyan at pumasok sa loob ng kwarto. Pagkatapos kumain ng kaunting hapunan at maglinis ay saka ko lamang sinagot ang chat niya.

I told her what happened earlier. I made it as short and concise as possible. Ayaw ko sanang sabihin lahat, but knowing George, hindi niya nga ako tinantanan. Sinabi ko rin sa kanya na niyaya ako ni Lorenzo na manood ng laban niya bukas.

George:
Edi matic na. Manonood ka?

Me:
I'm still thinking about it.

George:
Anong "I'm still thinking about it?"
Ano ba ang sabi mo kanina?

I remembered what happened earlier. Right after Lorenzo said that I should watch his game tomorrow; he drove off, not waiting for my answer.

Me:
Wala. Umalis agad si Lorenzo.
Hindi na inintay yung sagot ko.

George:
Then that means he won't be taking 'no' for an answer.
He's expecting you to be there, Rae.
At saka nakakahiya naman kapag di ka pumunta diba?
He already asked you out personally.

Me:
I got your point. Ayaw ko lang ng issue. 
Ang issue kasi ng kapatid mo eh. 

George:
Advance mo namang mag-isip hahahaha, yaan mo na sina kuya. 
Ganoon talaga iyon. 
Ano naman pati kung magkaroon ng issue?
You like him, and it seems that he likes you too.
And both of you are single. So anong masama dun?

Napaisip ako sa sinabi ni George. Lorenzo likes me? Para naman ang agap pa para sabihin ang ganung bagay. Maybe he's just friendly. Baka ganoon lang talaga siya makitungo sa mga tao.

Me:
Let's not jump into conclusions, George.
But fine, I'll go. As long as you'll go with me.

George:
Duh! Limot mo na agad? Diba nga ako ang magco-cover sa laro nila.
At saka matic na andun ako, support ko si Kuya noh.

Me:
Kuya mo ba talaga ang susuportahan mo?
Baka naman si Maiah talaga? Hahaha

George:
Pwede both?
Lol, si Kuya lang talaga promise.

Nagpatuloy pa kami sa pag-uusap hanggang sa hindi na niya ako ni-replyan. Siguro ay nakatulog na dahil sa pagod. Napagdesisyunan ko na ring matulog dahil maagap pa ako bukas. Maayos na ang pagkakahiga ko sa kama ng tumawag ulit si Daddy. I rolled my eyes when I saw his caller ID, ayaw ko pa rin siyang makausap. Mag-ayos muna sila ni Mommy bago niya ako kausapin. I switched the phone into silent mode and shoved it under my pillow. After that, I let myself fall asleep.

(September 13, Friday)

George greeted me with a meaningful smile, which I very much ignored, that morning. Tulad ng mga nakaraang araw ay sabay kaming pumasok. Dumeretso ako sa classroom namin habang si George naman ay nagtungo sa office ni Mr. Martinez para malaman kung may dagdag siyang trabaho. Matagal din akong nakatambay sa classroom dahil mamaya pa daw ten ng umaga magsisimula ang laban nina Lorenzo. Inakit ako ng ilan sa mga babae kong kaklase na tumambay muna sa gym para makita ang ilan sa mga basketball players ng school at ng opponent team. Tumanggi ako dahil naisip ko na agad na paniguradong marami ring tatambay na estudyante doon. Hindi ko rin naman makakasama si George, kaya huwag na lang.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now