CHAPTER 7

10 0 0
                                    

Rae

I WAS SLIGHTLY SHOCKED AT HIS QUESTION. "Ha ?"

"Sabi kako, gusto mo bang kumain muna. Diba sabi mo nagugutom ka?"

"Oo nga," I managed to answer. "Pero, bakit ?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Bakit hindi." He shrugged his shoulders like it doesn't matter. "I owe you, diba?"

Bahagya akong natigilan sa sagot niya at napaisip. Inaakit ako ni Lorenzo na kumain kasama siya. INAAKIT AKO NG CRUSH KO'NG KUMAIN KASAMA SIYA. Papayag ba ako? Hindi ba't muntik na akong madisgrasya dahil sa kanya.

I remembered some of my old classmates, on how they wished that the person they like will ask them out someday. Is this considered as luck? Should I accept his invitation?

"Is this your way of saying sorry for the incident earlier?" I narrowed my eyes at him.

"Parang ganun na nga." He admitted. "Nango-ngonsensya pa rin ako sa ginawa ko kanina eh."

"I already told you that it's okay. It was an accident."

"It wasn't an accident Rae." He pointed out. "It's clearly my fault."

"Don't blame yourself too much, Lorenzo. I already accepted your apology."

"If you really accepted my apology, then you should eat with me. No questions asked." Pangangatwiran niya sa akin.

"Wait, I'm confused." I hold out my hands. "Are you asking me out or are you blackmailing me? Answer that with honesty cause it really seems that this is blackmail."

Bahagya siyang napatawa sa sinabi ko. "Neither. I'm not asking you out Rae." Bahagya akong napahiya sa sinagot niya, bakit nga ba naman kasi nag-assume agad.

"At least, not yet." He silently followed and I had to stop myself from smiling. Kinikilig ako, puta. Ang pa-fall ng crush ko. "And this is definitely not blackmail. Pero kung may pupuntahan ka naman ngayon, it's okay. I can ask you---"

"No, no no." I cut him off. Minsan nang nasabi sa akin ni Lolo na masama tanggihan ang grasya. Kaya 'pag dumating, dapat tanggap lang ng tanggap. Lorenzo asking me to grab a bite with him is an example to that. Isa siyang grasya. Kaya bilang isang masunuring apo, hindi ko na siya tatanggihan.

"Wala akong pupuntahan." Sambit ko sa kanya habang nakangiti. Tumikhim ako at saka umimik, "G ako." Sinibukan ko na hindi masyadong magmukhang excited, sana naman gumana.

"Okay then."He said while smiling. Nagsimula siyang maglakad at sumubay na rin ako sa kanya. Habang naglalakad palabas ng school ay napadaan kami sa bulletin board na may takip na salamin. I saw our reflection on the mirror, mas mataas siya kumpara sa akin. Mas lalo akong nagmukhang maliit dahil lampas balikat lamang niya ako. Pasimple ko na ring inayos ang buhok ko habang naglalakad at nakatingin sa salamin. Nang makalapit kami sa gate ay binati pa ni Lorenzo ang guard na nasuklian naman ng isang ngiti.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang makalabas kami ng school.

"Kung saan nakakabusog." I simply said. "Wala naman akon alam na kainan dito."

"Hmmm..." Tumango siya at saglit na nag-isip. Sakto namang may tumigil na tricycle sa tapat namin.

"San kayo?" Casual na tanong sa amin ng driver. Muling bumaling sa akin si Lorenzo, "Sa Cornered, gusto mo?"

"Malayo ba yun?" I asked, a little worried.

"Medyo." He admitted. "Ano g?"

Gusto ko sanang sabihin na sa mas malapit na lang. Pero dahil sinabi ko sa kanya na dalhin niya ako kung saan nakakabusog, hindi na ako tumanggi. Sinabi ni Lorenzo sa driver kung saan kami pupunta. Una niyang akong pinasakay ng tricycle, sumunod siya. Bahagya siyang nakayuko sa loob ng tricycle dahil sa kanyang taas. Lorenzo's pretty good in starting a conversation. Habang nasa biyahe ay patuloy ang pag-uusap namin tungkol sa mga maliliit na bagay. Mabilis rin kaming nakarating sa tinutukoy ni Lorenzo. Matapos naming magbayad sa tricycle driver ay pinasadahan ko ang lugar na kakainan namin.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now