CHAPTER 19

10 0 0
                                    

*This would be the last chapter of FDTD, thank you for bearing with my writing until the end. Thank you and enjoy :) *

RAY LORENZO 

"INSO YUNG CRUSH MO."

Bungad ni Gino sa akin habang naghihintay kaming magsimula ang laban. Napabaling naman ako sa direksyon ng kanyang kapatid na kasama ang babaeng apo ni Lolo Roberto.

Ewan ko ba kay Gino, wala naman akong sinasabi na may crush ako sa apo ng kapitbahay nila. Pero heto, lagi akong lokohin simula noong lumipat ang mag-iina.

Naalala ko tuloy ang una naming pagkikita. Sa pagkakatanda ko ay hindi ito maganda, mukhang napikon pa ata sa akin dahil sa kakulitan ko. Hindi naman ako makulit, sakto lang.

Gusto ko sanang humingi sa kanya ng tawad noong inimbitahan kami nina Lolo Roberto sa kanilang bahay, kaso nagpatawag naman bigla ng training si Sir Romos kaya hindi natuloy. Naging abala na rin ako sa training nang sumunod na araw kaya nawala sa isipan ko at hindi ko rin siya namukhaan noong nagkita kami sa may Main Building sa pangalawang pagkakataon. Ngayon ko lang ulit siya nakita, hindi ko pa nga ata mapapansin kung hindi itinuro ni Gino.

"Yiee, gaganahan na yang maglaro. Nakita na niya si Rae." Patuloy nitong biro sa akin.

Rae? Is that her name? Isipin mo yun, magkapangalan pala kami.

"Para tong tanga. Bahala ka nga dyan." Bahagya kong tinulak si Gino at umalis sa kanyang tabi. Mahirap na, mawawala pa ako sa focus kapag makikipag-usap pa ako kay Ino. Baka matalo pa, sayang naman.

Laking pasasalamat ko naman sa Diyos at nanalo kami. Pati si Ino at Maiah, ang isa pa naming katropa ay nanalo rin. May ibang hindi pinalad, pero halos lahat ay pasok sa finals. Nagpupunas ako ng katawan ng akitin kami ni Gino na magpapicture kay George. Pumayag naman kaming dalawa ni Maiah para may chance na mapasama kami sa school paper.

Habang naglalakad papalapit kina George ay napatingin ako kay Rae. Naka-white shirt at pants lang siya pero maayos at...maganda pa ring tingnan. Tulad noong kararating palang nila dito sa Calilaya. Simple lang siyang manamit, hindi tulad ng ibang babae ngayon. Ngunit hindi nito nasapawan ang maganda niyang mukha.

Napatingin siya sa akin ngunit agad ding umiwas. Bakit umiwas? Ayaw akong makita, ganoon?

Nang tuluyang makalapit ay nagpapicture kaming tatlo kay George. Habang kikuhaan ng litrato ay kusang napapad ang mga tingin ko kay Rae. Tulad noon ay iniwasan niya ang mga tingin ko, nagkibit balikat na lamang ako at hinayaan.

Pagkatapos makuhaan ni Ino ng litrato ay agad itong dumeretso sa tabi ni Rae at sinakbit ang mga braso sa kanyang balikat. Kumunot ang noo ko, close na agad sila?

Iniiwas ko rin ang tingin ko nang mapansing nakatoon ang mga mata sa akin si Ino at sinusukat ang aking reaksyon. Bahala siya diyan.

Noong ako naman ang kinukuhaan ng litrato ni George ay nakita kong nakipagselfie si Ino kay Rae. Wala lang naman sa akin iyon ngunit nakita ko na medyo nababasa ang suot na damit ni Rae dahil kay Gino.

"Get your hands off her. Hindi ka na nahiya. Basa ka tapos aakbay ka sa kanya. Edi nabasa rin damit niya."Seryoso kong sabi para matauhan si Ino ngunit tumawa lang ito sa aking sinabi.

"Ang OA mo Lorenzo. Nagtuyo na kaya ako."

Tinanggal din naman niya ang pagkakaakbay at binalik ko na rin ang atensyon kina George at Maiah. Tulad ni Ino ay nagtaka ako kung bakit biglang umalis si George sa harap namin habang si Rae naman ay sumunod sa kanyang kaibigan. Sinundan ko ito ng tingin at saka ko lang naalala na medyo basa nga pala ang damit nito dahil kay Ino. Malayo na sila sa amin nang muli ko siyang tinawag. Binigay ko sa kanya ang towel. Naging maayos naman ang pagsagot niya sa akin, hindi tulad noong una naming pagkikita. Nang marinig niyang tinawag siya ni George ay ngumiti ito sa akin at nagpaalam.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now