CHAPTER 10

10 0 0
                                    

Rae

      Nagcommute kami papunta sa bar kung saan gaganapin ang celebration. Six-thirty na ng makarating kami ni George. Marami nang tao sa loob kahit maaga pa, siguro dahil Friday at kalimitang walang pasok bukas. Inilibot ko ang tingin sa paligid, sinusubukang hanapin sina Gino.

"Nasa taas sina Kuya." Nagsimulang maglakad si George paakyat sa second floor. Mas kakaunti ang tao doon kumpara sa baba. Malapit sa may malaking bintana nakapuwesto sina Gino. Nakalatag sa isang malaki at mahabang lamesa ang mga inorder na pagkain. May mga alak rin na nakapatong. Nagkakatuwaan na ang mga tao nang lumapit kaming dalawa ni George.

"Rae! Buti naman at pinayagan ka na." Bungad sa akin ni Gino.

"Syempre kuya, magaling ako eh."

Umupo ako sa bakanteng upuan, tumabi na rin sa akin si George. Inabutan ni Gino ang kapatid ng isang beer at pagkatapos ay inabutan rin ako. Nagdadalawang isip ko itong tinanggap, hindi naman kasi ako umiinom. May ilang bumati kay George at gayundin sa akin. Hindi ko alam kung ilan ba ang kasali sa swim team dahil sa dami ng tao sa may table namin. Naka-upo si Gino sa may bandang unahan, masayang nakikipag-usap sa katabi. Bahagya akong nagulat ng makita si Sir Romos. Kaswal ang suot at masaya rin na nakikisalamuha sa mga estudyante. Sa may kabilang bahagi ng table nakaupo si Maiah, kausap ang isa pang ka-teammate. Higit kumulang sa sampu ang mga lalaki na kasama namin, may ilan ring mga babae. Siguro ay kaibigan o jowa ng mga nasa swim team. Andito rin si Danna, ang muse ng section namin noong intrams. Napatingin ako kay George, sinusukat ang kanyang reaksyon. She slightly shook her head ang playfully rolled her eyes.

Kumunot ang noo ko ng napansin na wala si Lorenzo. Asan siya kung ganoon? Hindi ba siya pupunta?

Nagkakatuwaan na ang mga tao ng tumayo si Sir Romos sa pagkakaupo at pumunta sa unahan ng table. Nagpapalkpakan ang mga kasamahan namin. Sir Romos was holding a glass of beer when he cleared his throat.

"First of all, magandang gabi sa ating lahat. Maraming salamat at pumunta kayo sa ating munting victory party. Syempre maraming salamat rin sa ating Team Captain na sumagot sa ating pagkain ngayong gabi." Nagsipalakpakan at sumigaw ang mga tao sa table, ang iba ay tinapik pa si Gino sa balikat.

"Wala talaga akong balak magbigay ng speech ngayong gabi, pero dahil makukulit ang mga alaga kong shokoy, pagbibigyan ko na sila." Nagsitawanan ang mga kasali sa swim team dahil sa sinabi ni Sir Romos. Sir Romos congratulated the whole team, he also gave a short message to everyone. After his speech, inutusan naman niya si Gino na magsalita.

"Thank you sa lahat ng sumuporta sa team. We wouldn't have won if you didn't show us your support. Especially to my sister, Georgette, who wished me good luck before the game started." Napangiti si George ng itinuro siya ng kapatid. Nagpalakpakan ang ilan sa amin, habang ang iba naman ay kinantyaw ang dalawa.

"Mga gago, kapatid ko yan uy!" Natatawang suway ni George sa ka-teammates.

"Salita mo, Mr. Ramirez" Pagpapaalala ni Sir Romos kay Gino.

"Sorry po Sir." Pinagpatuloy ni Gino ang speech at kalaunan ay itinaas ang hawak na baso. Sir Romos called in for a toast.

"To Calilaya Manta Rays, Start Hard. Turn Smart. Finish Fast."

The swim team repeated the words and in unison, the crowd drank their beers. Nakisali na rin ako sa pagtaas ng baso, pero hindi ko agad ininom ang beer. Nakita ko si George na deretsong ininom ang ibinigay ng kapatid.

"Aren't you gonna drink that?" Tanong niya sa akin ng mapansing nakatitig lamang ako sa alak. I've never tasted alcohol before. Hanggang red wine lang ako. Like I've said, medyo strict si Mommy.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now