CHAPTER 9

10 0 0
                                    

Rae

         IN THE END,CALILAYA MANTA RAYS was declared as the overall champion. Tutal ay Friday naman: Gino- as the team captain, called for a celebration. Sagot na daw niya ang kalahati ng mga expenses sa party. Gaganapin ang celebration mamayang 6:00 ng gabi sa Clarks. Isang maliit na bar sa may bayan. Imbitado lahat ng kasali sa swim team, pwede rin daw magsama ng mga close friends. Si Gino na mismo ang nagyaya sa akin na sumama. Tumanggi agad ako dahil alam ko na malabong payagan ako ni Mommy. Eventhough I'm already seventeen, protective pa rin sa akin si Mommy.

Pinapapayagan naman niya ako dati na pumunta sa ilang mga events, maliban na lang kung alam niyang delikado. Pero dahil sa bar gaganapin ang victory party, malaki ang chance na hindi niya ako payagan. Ni hindi nga ako nagba-bar noong nakatira pa kami sa Manila, dito pa kaya sa probinsya.

"Hindi ka pa nga nagpapaalam, alam mo na agad na hindi ka papayagan?" Si George nang marinig niya akong tumanggi.

"I know my mom. Hindi talaga ako nun papayagan."

"Is there no other person that can convince your mom?" Tanong ni Gino "Sayang talaga kung hindi ka makakapunta. You'll miss the fun."

"Si Da—" I stopped myself when I realized that I'll be saying his name out loud for the first time in three weeks. Dati ay si Daddy ang kasabwat ko kapag hindi ako pinapayagan ni mommy sa mga outing. Siya ang kumakausap kay mommy na payagan akong sumama. But that was before. "Wala eh." I finally said.

George snapped her fingers, "Sina Mami La at Lolo Roberto! Maybe if we talked to them, they'll help us convince your mom to let you go with us."

"Oo nga Rae." Gino nodded his head, considering the idea. "Mukha namang hindi ganoon kastrikto sina Lolo Roberto."

"Ewan ko. Kayo na ang magpaalam." I nervously laughed.

"Sige, I'll try." George announced. "Ako na ang magpapaalam kay Rae kina Lolo Roberto."

"Yown! I'll go tell Lorenzo, para pumunta na rin siya." He then sprinted away from us and towards his teammates. George wiggled her eyebrows when she looked at me.

"Looks like someone is expecting you to be there..." She said with a meaningful smile. She stretched her hands outward and craned her neck sideways. "Mukhang masusubukan ang convincing skills ko nito ah..."

I chuckled, "Goodluck."

"Thanks." She answered competitively. "We better get going. We should get you home as soon as possible. Para more chances na payagan ka."

Alas-tres pa lamang ng hapon ay nasa bahay na ako. Agad ko'ng tinulungan si Mommy na magdilig ng mga halaman sa bakuran, pinagtimpla ko na rin ng kape si Lolo at ako na rin ang naghugas ng kanilang pinagkainan kaninang meryenda. Payo sa akin iyon ni George, dapat daw ay gawin ko ang lahat ng pwedeng gawin para payagan ako.

I tried to act as normal as possible. Nanood muna ako ng tv sa salas kasama si Terrence habang nag-iintay sa text ni George. Lampas alas-singko na ng hapon ay wala pa rin akong natatanggap mula sa kanya. I was getting worried, paggabi na at baka hindi na talaga akong tuluyang paalisin ng bahay kapag madilim na sa labas.

I was walking towards my room when I finally received a message from her. Papunta na raw siya sa bahay at maghanda na raw ako ng damit na susuotin mamaya. Hayaan ko daw alinman kina Mommy, Lolo o Lola ang magbukas ng pinto. Tapos, umakto raw ako na nagulat at walang alam na pumunta siya sa bahay para lang ipagpaalam ako.

I followed her advice. I was convinced that she knows what she's doing. I took out a nice pastel colored printed shirt and black high waist pants. I laid my clothes on the bed. Pagkatapos ay pumasok ako sa cr para mag-toothbrush. I was finding my white sneakers in the shoe rack behind my door when somebody knocked.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now