CHAPTER 15

10 0 0
                                    

Rae

LORENZO GENTLY SHOOK MY SHOULDERS TO WAKE ME UP. I managed to open my eyes and found myself still leaning on his shoulders. Umayos ako sa pagkakapuwesto at tumingin sa kanya. Mukhang nakatulog din siya dahil sa pungay ng mata.

"Anong oras na?" Tanong ko sa namamaos na boses.

Napahawak muna siya sa kanyang batok bago sumagot, "It's already 3:30 in the morning..."

Bahagya akong nagulat at nataranta sa narinig. Halos isang oras rin kaming nakatulog dito sa may rooftop.

"I think we should better go back." Si Lorenzo nang mapansin ang aking pagkataranta. "Andami ng missed call sa akin ni George. Nagtext na rin, hinahanap na tayo."

Mahina akong napamura at tumayo mula sa pagkaka-upo. Kinuha ko na rin ang cellphone upang tingnan kung may nagtext. Napasapo ako sa aking ulo ng makita ang limang missed call mula kay George. May thirteen unread messages rin.

George:
San na kayo?
Pabalik na ba kayo?

Oy, buhay pa ba kayong dalawa ni Lorenzo? Bakit di kayo nasagot sa mga tawag ko.
Sabay pa ba tayong uuwi?

Anong oras kayo babalik?

Please reply as soon as you read this. Malakas na amats ni Kuya, kailangan ko na siyang iuwi.

        Ilan lang yung sa mga chat ni George sa akin. Mas lalo akong kinabahan ng makita ang isang unread message mula kay Daddy.

Daddy:
Your mother and I already talked.
San ka na? Hinahanap ka na ng Mommy mo.
Please reply as soon as you received this.

      Napakagat ako sa isa kong daliri dahil sa konsensya. Hindi ko naman inaasahan na makakatulog kami ng halos isang oras. Alas-tres ay dapat naka-uwi na ako sa amin. Iyon ang plano ko noong una.

"Nagpapasundo na si George. Balik na tayo sa Clarks." Sabi ko kay Lorenzo habang abala sa pagtipa sa cellphone. Saglit akong tumingin sa kanya, "Kaya mo na bang magdrive?"

"Oo naman, nakatulog naman ako kahit papaano."

Tumango ako ng wala sa sarili dahil si Daddy naman ang nire-replayan ko.

Me:
I'm sorry. Ngayon ko lang po nabasa.
Pauwi na rin po ako.

   Narinig ko ang pagtikhim ni Lorenzo kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakahawak siya sa batok niya at tila may pinagsisisihan.

"I'm sorry. I think I got you in trouble." Mahina nitong sabi sa akin. "Hindi ko rin kasi narinig na tumunog na pala ang alarm. Nagising ako dahil sa tawag ni George. Pasensya talaga."

I small smile escaped my lips when I saw him avoiding my gaze. I walked towards him and took his hand. I gave it a light squeeze. "It's not your fault." I started. "Pareho lang tayong napahimbing ang tulog. Okay lang, natext ko na naman si George na pabalik na tayo."

"But I—"

"Please stop apologizing. There's no need to apologize. You already made me happy tonight." I gave him a reassuring smile and he nodded.

Mabilis muna kaming nagligpit ng kalat sa rooftop bago umalis. Suot ko pa rin ang jacket ni Lorenzo, mamaya ko na lang daw ito ibalik sa kanya kaya hinawakan ko na lang ang jacket ko.

Bago tuluyang umalis sa rooftop ay muli ko itong pinasadahan ng tingin. I never thought that a simple place like this would create such fun and amazing memory with the person I least expected. Tutal ay hawak ko naman ang cellphone ko, mabilis kong kinuhaan ng litrato ang lugar. Napatitig ako sa picture dahil napasama pa si Lorenzo na nag-aayos ng mga bangko.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now