CHAPTER 16

8 0 0
                                    

Rae

September 14, Saturday 

I WAS FINALLY ABLE TO GET A PROPER SLEEP. I woke up past ten in the morning, sun rays already making their way into my room. I stared at the ceiling for a moment before getting up. I was fixing my bed when I heard my phone made a sound. It was a message from Lorenzo and I didn't even bother reading it.

Nakatayo na si Lolo sa may labas ng aking kwarto ng buksan ko ang pintuan.

"Lolo..." Tawag ko sa kanya.

"Gigisingin na sana kita." Huminga siya ng malalim at inilagay ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot niyang pajama. "Halika na, kakain na tayo ng agahan."

Nauna siyang maglakad sa akin. Napatitig ako sa kanyang likuran ng maalala ang nangyari kagabi.

"Lolo..." Muli kong tawag sa kanya, tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin. "I-I'm sorry po. Pasensya po at tinakbuhan ko kayo kagabi..."

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti at naglakad papalapit sa akin. Isinampay niya ang kanyang kanang braso sa aking mga balikat.

"Okay lang, basta huwag mo na lang ulit kami tatakbuhan." Huminga siya ng malalim. "Buti na lang at naka-uwi ka ng maayos, kung hindi magagalit talaga ako sa iyo."

"Sorry po talaga..."

"Hayaan mo na," Bahagyang siyang tumawa para siguro pagaanin ang hangin sa paligid. "Ganyan din naman ako noong kabataan ko, natakas." Kumindat siya sa akin at dahil dito ay tuluyan akong napatawa.

Sabay kaming bumaba papunta sa kusina. Nakahain na ang mga pagkain at nakapuwesto na rin sina Lola, Mommy at Terrence.

"Mag-sorry ka sa Lola mo." Pasimpleng bulong sa akin ni Lolo. "Grabe ang pag-aalala niyan kagabi."

Tumango ako kay Lolo at naglakad papalapit kay Lola. Hinalikan ko siya sa pisngi ngunit wala itong naging reaksyon. Napatingin ako kay Lolo, binigyan niya lang ako ng thumbs-up. Senyales na ipagpatuloy ko lang ang ginagawa kong panunuyo.

"Lola, sorry dahil tinakasan ko kayo kagabi. Pasensya po talaga. Promise po, babawi ako sa inyo ngayon."

Nagsimula na siyang kumain at wala akong natanggap na reaksyon mula sa kanya.

"Lola, pansinin mo na ako..." Hinawakan ko ang kanyang braso. "Sorry po talaga. Ano po ba ang gusto ninyo? Gagawin ko po. Kahit ano man yan Lola, gagawin ko."

Habang sinusuyo ko si Lola ay abala si Mommy sa pag-aasikaso kay Terrence. Kalaunan ay tumigil si Lola sa pagkain at tumititig sa akin. Napalunok ako habang iniintay ang kasunod niyang sasabihin.

"Anong oras ka na naka-uwi?"

"Uh.... Madaling araw na po..."

"Anong oras?" Muli niyang pagtatanong, may diin sa boses.

Iniiwas ko ang aking tingin kay Lola at tumungo bago sumagot. "Lampas alas-kwatro na po ng madaling araw."

Narinig ko ang kanyang buntong hininga at ang pagtama ng kubyertos sa pinggan, "Hindi ka lalabas ngayon sa bahay. Tulungan mo na rin sina Aling Delia sa paglilinis."

I stopped myself from smiling, staying in the house for the whole day isn't that bad. I actually agree with the idea. I still don't want to go outside, maybe because I'm still tired of what happened last night. Cleaning the house is also a small thing for me.

Sinanay naman kasi ako ni Mommy na maglinis ng bahay namin noong nakatira pa kami sa lungsod.

"Sige po." Mahina ko'ng pagsang-ayon sa kagustuhan ni Lola. Muli ko siyang hinalikan sa pisngi bago umupo sa aking silya. "Basta bati na tayo Lola ha?"

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now