CHAPTER 18

8 0 0
                                    

Rae

(September 20, Friday)

IMBIS NA SUMAGOT AY AGAD NIYA AKONG NIYAKAP. Dahil sa gulat ay napayakap na lamang din ako sa kanya. Habang ganoon ang aming posisyon ay pinagtitinginan na kami ng tao sa loob ng library. Ang iba ay nagbubulungan, ang iba naman ay may pagtataka sa mga mata katulad nina Gino at George. Ngunit ng lumipat ang tingin ko kay Lorenzo, nakita ko kung paano nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng aking puso.

Ako ang unang kumalawa sa bisig ni Zach. Malaki ang ngiti niya ng bumaling sa akin.

"Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah."

Umayos ako ng pagkaka-upo bago sumagot. "I'm good, how about you? You've changed so much, I didn't recognize you."

Nanatiling nakatayo si Zach sa gilid ko. Si Lorenzo naman ay umalis sa pagkaka-upo dahil tinawag ng kanilang guro.

"Englishera ka pa rin pala." Bahagya siyang napatawa. "Ayos lang rin. Ikaw ha, hindi lang tayo nagkita ng ilang taon hindi mo na ako tinawag na 'kuya'."

"Kuya?" Pagsingit ni Gino sa usapan naming dalawa. "Kapatid mo?" Sabay turo sa kaklase.

"Loko, hindi." Bahagyang binatukan ni Zach si Gino dahil sa sinabi. "Pinsan ko."

Zach, or Kuya Zach was one of my closest cousin. Siya ang kalaro ko noong bata pa ako dahil halos hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Matagal na noong huli ko siyang nakita kaya hindi ko namukhaan. Noon ay payat pa siya at may salamin. But now, puberty hit him hard. He was taller, maybe 6 foot flat. His body was well defined in his school uniform. Hindi na siya ngayon nakasalamin kaya mas lalong nadepina ang kanyang matangos na ilong at maamong mga mata. Feeling ko tuloy ay marami itong chix dito sa school.

Pinalipat ni Kuya Zach si Gino sa isang upuan, nakita ko ang pag-irap ni Gino sa kaibigan pero kalaunan ay sumunod rin naman.Umupo si Kuya Zach sa tabi ko para ipagpatuloy ang pagkakamustahan.

"Dito ka rin pala nag-aaral. Akala ko ay ipinasok ka ni Tita Rachel sa private highschool."

"Ahh...hindi. Si Lolo kasi ang nag-enroll sa akin dito."

His face lightened up with the mention of our grandparents. "Kamusta na pala si Lolo at Lola? Tagal ko na rin kasing hindi nakakabisita sa kanila eh."

"They're fine," I smiled at him. "They're actually doing well."

"That's good to hear then. Kelan ka pa pala nagsimulang pumasok dito?" He continued.

"Last week lang. Bago mag-intrams."

"Last week?" Kumunot ang kanyang noo sa akin. "Nandito ka na pala noong intrams, bakit hindi man lang kita nakita na nanood sa mga laro ko."

"You play?" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Kuya Zach. Dati kasi ay lampa siya, kaya ikinagulat ko na may sports na pala siyang sinasalihan ngayon. "Ano naman ang nilalaro mo?"

"Babae."

Natatawang sangat ni Gino sa usapan namin. Pati ako ay napatawa kaya tuluyan nang binatukan ni Kuya Zach ang kaibigan.

"Alam mo ikaw...maiging magsagot ka na lang." Iniling nito ang ulo bago muling bumaling sa akin. "Huwag mong pansinan yang si Ino. May tubig utak niyan."

Tumawa na lang ako ng mahina dahil naalala ko na nasa library nga pala kami.

"Basketball ang nilalaro ko." Pagpapatuloy ni Kuya Zach.

"Ahhh...sa swimming kasi ako nanood eh." Nahihiya kong ipinaalam sa kanya.

"Sa swimming? Sinuportahan mo itong tropa ko kesa sa akin?" Kuya Zach placed his hand on his chest like he was offended. I rolled my eyes at him.

From Dusk to Dawn (Trouvaille Series #1)Where stories live. Discover now