THREE: The Boss and Housemaid First Meet

49.3K 705 24
                                    

Lexus

I was busy preparing my dinner when the doorbell rang. Sh*t! Sino ba 'tong disturbo na 'to? Hininaan ko muna ang apoy at dali-dali kong binuksan ang pinto.

To my surprised, it's a girl!

"Who are you Miss??"tanong ko sa babaeng bumungad sa akin.

"Ako si Brie sir! Yung nag apply bilang Housemaid. Ang sabi kasi papuntahin raw ako dito"

"Wait! Pero gabi na Aling Brie, bukas nalang po kayo pumunta kasi di kita ma-entertain ngayon e."

"Teka! Nagbibiro ka ba sir? Kasi ako hindi eh! Nag-biyahe ako papunta dito ng dalawang oras tapos sabihin mong bukas na? Langya naman oh!"

"Pero gabi na kasi Aling Brie eh."

"Isang Aling Brie pa diyan at lagot ka sakin. Hindi mo naman kasi sinabi kung anong preferred time niyo sir!" Tinignan ko lang siya. 'Yung attire niya parang ewan na nanay. Naka-loose t-shirt at jeans.

"Please sir! Pagod na pagod ako sa biyahe."

Ah, so kasalanan ko pa ngayon kong bakit siya napagod sa biyahe?

"Oh, okay! Pero wait, hand me your Police and NBI clearance first. Also your resume."saad ko.

"Wala akong dala sir. Pwede bukas nalang? Pinapakuha ko pa kasi sa pinsan ko doon sa boarding house namin eh."aniya.

"Ah eh, pano ako makakasiguro na wala kang criminal records?"tanong ko.

"Mabait ako sir, don't worry! Magkakaroon pa lang ako ng record kapag tinatawag mo pa akong Aling Brie sir."bulong niya pero naririnig ko naman.

Aba! Para tuloy ako ang atchay dito at siya ang boss!

"Hoy! Aling Brie, sino ba magiging boss dito, na kung umasta ka diyan eh parang ikaw lang ang may-ari ng bahay ah."

"Eh! Sorry po sir. Pasensya na po. Pano naman kasi sir, nakakainis kayo. Kung tawagin mo akong Aling Brie parang ang tanda-tanda ko na e. I'm just 28 sir. Saka, andito na ako e, bakit mo pa ipagpabukas?"

I tsk-ed. Naiinis pa talaga siya sa akin?

"Police clearance at NBI clearance wala ka! Pano kaya kung ipapapulis nalang kita ha?"

"Naku! At anong kaso? Nagnakaw ba ako para ipapulis mo?"

"Envading my property!"bulyaw ko.

"Envading my property, envading my property ka diyan. Hello, hindi naman ako nang envade ng property mo noh? Kahit ganito hitsura ko, hindi naman ako bobo para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng envading!"singhal niya sa akin.

Aba masyado nang feeling close 'tong babae na 'to sa akin ah, kung makasinghal wagas e.

"Okay, you're trespassing!"saad ko.

"Ayos ka lang? Paano ako nag-tresspass kung nag-aapply naman ako bilang katulong mo? Saan ba may CCTV rito at gagawin kong ibendensya iyon, wait.."aniya at palinga-linga kung may CCTV ba sa paligid.

"Umalis ka na! Bumalik ka nalang kapag meron ka na nung hinihingi ko!"saad ko at akmang isasara ang pinto nang iharang niya ang mga kamay niya.

"Naku sir, mabait naman ho akong tao e. Naiwan ko lang talaga ang requirements ko.."pagmakaawa niya.

So ngayon, bumait ka? Manigas kang babae ka!

"Ang sabi ko, umalis ka na!"saad ko at pinandidilatan siya ng mga mata.

"Pero...."

"No buts! Get out!"

At lumabas siya dala-dala ang bag niya.

"Puta naman oh, walang consideration!" narinig ko pang maktol niya bago ko tuloyang naisara ang pinto. Tsk!

Kahit papano ay naawa rin ako doon kasi sabi niya dalawang oras siyang nagbiyahe makarating lang dito. Pero aba, para naman yatang siya ang boss kung umasta. Saka pano ko siya pagkatiwalaan kung wala siyang Police clearance at NBI clearance? Malay ko kung criminal 'yon. At nagmura pa siya dahil wala daw akong konsiderasyon? Tss! Hindi pa ako nirespeto kahit hindi nalang sana bilang employer, kundi bilang may-ari nalang ng bahay sana.

Napailing ako bago bumalik sa niluluto ko.

After kong magluto ay kumain ako. I've been living alone since that tragical moment happened in my life. I was living with my ex sa isang apartment dati na binaboy niya. Parehas naman kasi kaming artista kaya naisipan naming mag-live in. Noong una ay ayaw ng parents ko dahil dapat kasal daw muna bago kami magsama, pero wala na silang nagawa pa when I decided living with her.

Pero after she cheated on me, at nakabangon uli ako galing sa pagkalugmok, ay bumili ako ng sarili kong bahay. I want to live alone. Ayaw ko naman sa bahay namin kasi lagi akong kinukulit ng ina ko tungkol sa pagkakaroon na ng girlfriend, at pagbibigay ng apo sa kanila. At si daddy naman, kinukulit ako lage sa pag-aasawa.

Kaya bumukod ako dahil hindi pa ako handa sa mga gusto nila. May nakakatanda akong kapatid pero hindi nila kinulit 'yun tungkol sa pag-aasawa. Sa akin sila laging nangungulit. Tssk!

Hayy. Iniisip ko na naman ang nangyayari sa akin noon. Kapag naalala ko 'yun, napapailing nalang ako.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang mga pinagkainan ko bago pumuntang sala para manood ng news.

Pagkatapos ng news ay pumanhik na ako sa kwarto ko. Gusto kong matulog ng maaga para makapagpahinga naman ang utak ko dahil marami pa akong scripts na dapat pag-aralan bukas.

12:38 am

Naalimpungatan ko na nauuhaw ako, kaya bumuhat ako at lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Pero bago ako makarating ng kusina ay may narinig akong kaluskos banda sa may likod ng bahay ko. Tinignan ko, pero wala namang tao. Baka may nakapasok lang na pusa.

Bumalik ako sa kusina at kumuha ng tubig. Pagkatapos ay bumalik kaagad ako sa taas pagkatapos kong uminom ng tubig. May taping ako bukas ng hapon sa Rom-Com movie In love with my Boss. Kasama ko dito si Wally Bayolo at Jose Matalo at ang leading lady ko na si Maine Morato. Kaya kailangan kong maagang magising bukas kasi marami pa akong scripts na dapat pag-aralan. It's almost 1 o'clock dawn kaya need ko na matulog ulit..

Pero hindi na ako makatulog ulit. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko nalang ang mga scripts na dapat kong pag-aralan at binasa iyon ng paulit-ulit. Pero sumakit nalang ang ulo ko ay wala akong natatandaan sa mga binasa ko. Naisip ko kasi yung babae kanina. Baka kung ano ang nangyari dun, gabi pa naman nung umalis yun.

Hayy! Bakit ba ako nag-alala? Kasalanan na niya yun kung mapapahamak siya dahil sumugod siya sa giyera na wala namang dalang armas. She applied as my housemaid pero walang requirements? Hindi naman pwede yun. Tama siya na wala akong consideration, pero kasi mahirap ng magtiwala sa panahon ngayon e.

But still, a part of me felt worry. She's still girl at maraming loko-loko sa labas. Hayy!

Bago ako lamunin nang tuluyan ng konsensya ko ay pinilit ko nalang ang sarili ko na makatulog ulit..

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ