SIXTEEN: Admitting his Feelings

37.6K 680 19
                                    

Lexus

"Bro!!" agad na bungad ni Terrence sa akin pagkapasok ko ng bar niya. He's the owner and I am the part owner too. Magkasosyo kami, something like that.

"Bloody mary nga!!" I exclaimed.

"Whoa! Whoa! Whoa! What's the problem bro?" tanong niya when he noticed that my brows creased.

"Nothing! Just serve the bloody mary!"

"Nothing daw. Eh bakit mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa?"

"Just shut up! Okay?" I tsk-ed. Naiinis nako sa kakulitan niya.

Nakakahiya kung sasabihin ko sa kanya na pinaglalaruan ng housemaid ko ang brief ko! Putek!

Pero sa totoo lang, hindi iyon ang dahilan ng pagpunta ko ditong bar. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko, at the same time natatakot.

Natatakot ako para sa nararamdaman ko. Mas malala kasi 'to keysa doon sa nararamdaman ko para kay Nicky. Mas napapatunayan ko na iba 'tong nararamdaman ko magmula noong muntikan nang may mangyari sa amin ni Brie!

Fvck! Sa tuwing naalala ko 'yun, may bumubukol, este naiinis ako sa sarili ko!

I almost make love with her that instant. Buti nalang at tumawag sa akin ang kapatid ko kung hindi, eh baka may nangyari sa amin nang gabing iyon. Ayokong pagsamantalahan ang kahinaan niya.

I felt dizzy kaya nagpaalam na ako kay Terrence na umuwi na. Tipsy na din kasi ako.

Nang makarating akong bahay ay kaagad na akong pumasok at hinanap ko kaagad si Brianna. Ayoko nang patagalin pa, aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko whatever consequences may come. I am willing to risk everything for her, baka pasisisihan ko pa kung hindi ko aaminin sa kanya ang nararamdaman ko.

I saw Brie reading a pocket book sa sala pagkapasok ko ng bahay. I'm just staring at her, mukhang seryoso talaga siya sa pagbabasa dahil hindi niya man lang ako napansing pumasok.

She's beautiful indeed.

Tama si Terrence, hindi siya mukhang housemaid. She has thick and long curved eyelashes, matangos ang ilong, straight and silky long hair na walang bahid ng anong medisina ng salons, makinis ang mala-cremang balat— perfect for my standards.

Pero I don't know, parang may tinatago ang housemaid ko na 'to e.

I called Warrior, my cousin to clear up what's on my mind right now.

Nakita kong biglang pagtayo ni Brie sa sala at dumeretso sa kusina.

"Yes War, I need the result ASAP! Yeah, dont worry sa bayad, I'll triple it! Okay,  I'll hang up now. What? Ah, that's good to hear then. Bye!"

I hang up. He said there is nothing I have to worry about. Kaya, sinundan ko si Brianna sa kusina pagkatapos kong makipag-usap kay Warrior.

Naabutan ko siyang umiinom ng tubig. She looked pale nang makita niya ako na nakatingin sa kanya. Natatakot siguro na pagalitan ko siya dahil bigla nalang niyang tinungga ang isang basong tubig.

Napailing nalang ako. I won't ask her about my underwear again. And I won't ask her about why she's been kissing me that night again. Baka mamaya e, mahalikan ko din siya nang wala sa oras.

"Pengeng tubig!" sabi ko. Dali-dali naman siyang kumuha ng baso at tubig.

"I wanna eat.." sabi ko ulit.

Mabilis din siyang naghain. Wife material. Masarap din siyang magluto. Tinititigan ko siya habang naghain sa mesa.

She's really beautiful. Arrghh! Hindi man lang ako nagsasawang titigan siya.

"Sit!"sabi ko pagkatapos niyang maghain. Parang nagulat pa siya sa sinabi ko.

"Ano 'yun? Aso lang!" pabulong niyang saad pero narinig ko. Napangiti ako pero 'di ko pinahalata sa kanya.

"I said sit!". bigla naman siyang tumalima pero nakangiting aso siya sa akin habang dahan-dahan na umupo.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya pero nakatutok lang ako sa pagkaing inihanda niya.

"Hindi pa.." sagot niya. Inangat ko ang ulo ko at tinignan siya.

"Bakit di ka pa kumain?"tanong ko.

"Wala lang..'di pa naman ako gutom."

Wtf? It's 10:35 in the evening!

"Kumain ka! Sabayan mo 'ko. Inuuna mo pa talaga iyang pagbabasa mo diyan kesa ang kumain e. Alam mo bang nakakamatay ang ulcer?"

Nag-aalangan siyang tumitingin sa akin.

"What??" singhal ko.

Nakangiting aso parin siya. Tsk! Tumayo ako at kumuha ng plate, spoon and fork.

"Naku sir, hindi mo naman kailangang gawin 'yan e, mamaya nalang ako kakain pagkatapos mo!"

Hindi ko siya pinakinggan. Sinandukan ko siya ng pagkain. Babaeng 'to inuuna pa talaga ang pagbabasa kesa ang kumain.

Takot kang magkasakit siya Lexus?

Sort of. Fvck!!

"Ano?" singhal ko sa kanya. Sarap pukpokin ng kutsara. Tinitingnan lang ako.

"Thank you sir." nahihiyang saad niya.

"You can call me Lexus."

"Ay ang taray!! Pero di pwede 'yun bossing. You're my boss e."

"So?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Susuin kaya kita riyan. Kaya hindi pwedeng tawagin kitang Lexus kasi ikaw ang boss ko. Remember? Pinapaswelduhan mo ako sir.."

"Bakit? Tayo lang naman dito sa bahay ah. Saka ka nalang mag sir kapag may ibang tao rito. Understood??"sabi ko at tia ang pagkain ko.

Wala kaming imikan pero hindi niya alam na tinitingnan ko siya paminsan-minsan.

Tinapos ko ang pagkain at dumeretso na sa kwarto ko leaving Brianna in the kitchen. Mahirap na, baka masaniban ng kamanyakan.

Ngayon ko sana sasabihin sa kanya ang gusto kong sabihin, pero parang ayaw bumuka ng bibig ko e. Parang hindi pa ako handa. Ewan ko, parang may pumipigil sa akin.

Baka maunahan ka ng iba!

I sighed. Hindi naman siguro. Bukas na ako magtapat sa kanya kasi gabi na e.

Pagkarating kong kwarto ay naalala ko ang cellphone ko, naiwan ko pala sa baba.

Nagbihis muna ako bago bumaba uli para kunin ang cellphone ko.

Pagkababa ko ay nakita ko si Brie na pinupusod ang buhok niya. Parang nag-slow motion ang paningin ko.
Shit! Ano ba talagang gayuma ang meron sa Briannang ito!

Napansin yata niyang nandoon ako kaya natataranta na naman siya.

"Ah, m-may kailangan pa kayo sir?"tanong niya.

Oo, ikaw ang kailangan ko!

"Naiwan ko ang cellphone ko.."sabi ko.

She nodded at akmang tatalikod nang bigla ko siyang hinawakan sa mga kamay at mabilis na hinalikan sa labi.

I saw her eyes widened..

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now