FOUR: Conveniently Hired

46.8K 671 26
                                    

Brianna

Bwisit! Feeling ko nauubos na ang dugo ko sa kakasipsip ng mga lamok. Pati balat ko ubos na rin sa mga kagat! Hay!!

Hindi tumalab iyong pagsusungit ko kunwari e. Tama naman kasi 'yung lalaki e. Para lang akong may-ari lang ng bahay kung umasta. Dapat kasi nagbait-baitan ako kasi ito tuloy ang karma ko.

Hayy! Dito ako natulog sa labas ng bahay nila dito pa sa may garahe. Ang hirap din naman kung nag-biyahe pa ako pauwi, eh sa panahon ngayon marami ng loko. Hindi baleng pagalitan ako noong lalaki, ang importante safe ang buhay ko, charoot!

Hmm siguro anak iyon ng magiging amo ko. Pero buset! Ihing-ihi na ako e. Bakit wala pang lumabas ng bahay nila alas 9 na oh? Makikigamit sana ako ng CR at makikain narin e. Kagabi pa 'tong tiyan ko humihingi ng makakain.

10:30 am

Hay! Sana may lumabas na. Kanina pa 'tong pantog ko e. Ilang saglit pa ay hindi ko na talaga mapigilan ang ihi ko. Kaya naman ang ginawa ko ay hinubad ko ang pants ko at ang undies ko pababa saka umupo ako sa sahig at umihi nang biglang bumukas ang pintuan sa likod ng bahay nila kung saan ako naroon.

Sh*t na malagkit! Ang puwet ko nakikita yata niya. Iyong mata kasi noong anak na magiging amo ko at nanlaki at halatang nagulat. Pero ako na gulat na gulat, ay hindi ako makatayo at 'yung ihi ko sige parin sa pag-agos. Parang nadagdagan pa nga ang ihi ko e sa sobrang gulat ko, at dagdagan na rin ng salitang HIYA.

ANG ihi ko eh wala paring tigil sa pag-agos, feeling ko pumutok ang kidney ko! Char!

Upang mailigtas ko ang sarili ko sa kahihiyan, mabilis akong nag-isip ng paraan. At ang tanging naisip kong paraan ay ang sumigaw!

"Ahhhhhhhhhh!!" OA lang. Sakto namang tumigil ang ihi ko kaya mabilis akong tumayo hawak ang pants at panty ko.

"Hoy! Hoy! Teka wag kang tumingin. Tumalikod ka! Magbibihis ako.."dagdag na saad ko.

Tumalima naman siya. Kainis! Ano kaya ang nasa isip ng lalaking 'yan?

"Ay sir! Nandiyan na ba ang mother mo para makapag-apply na ako?" pangiti-ngiti kong tanong sa kanya pagkatapos kong magbihis kahit ang totoo ay gusto ko ng maglupasay dito.

Iyon lang ang tanging nasabi ko matapos kong itaas ang undies at pants ko. Mukhang siya lang naman ang nasa bahay na 'to kasi wala akong ibang tao na nakita kagabi pa. Pero baka 'yung mother niya talaga ang nag-hire ng housemaid.

"Ako ang nag hire, hindi ang mama ko! At saka anong ginagawa mo? Umihi ka talaga diyan sa garahe ko? Hugasan mo 'yan! Mangangamoy panghe iyang kotse ko!"

Siya pala ang nag-hire.

"Hindi naman ako umihi sa kotse mo sir,  sa sahig po ako umihi kaya ang sahig ang mangangamoy panghe." pilosopong sagot ko.

Tiningnan niya ako ng masama. Sh*t ang gwapo niya. Landi-landi muna, malay ko last na 'tong pagkikita namin kasi hindi niya pala ako tanggapin sa work. Pero familiar siya, parang nakita ko na siya dati, hindi ko lang maalala. Hmm sarap pisil-pisilin ng mukha at braso niya. May abs din kaya 'to?

Napangiti ako sa kalandian na iniisip ko. At mas lalo pang sumama ang klase ng pagtingin niya sa akin, mukhang nagtataka kung bakit pangiti-ngiti ako.

"Hugasan mo at linisin lahat diyan! Kung hindi ipapa-pulis kita! Try me!" sabi pa niya at akmang aalis na.

"Teka!" pigil ko sa kanya.

"What?" masungit na lingon niya sakin. Tss parang may regla.

"Eh, kasi maglinis ako dun, tatanggapin mo na ba ako bilang housemaid mo, sir? At saka, nakita mo puwet ko e, kaya kailangan mo na akong tanggapin sir kasi ikaw naman pala ang nagha-hire hindi ang mama mo. Para hindi kita isumbong sa pulis na tumingin ka sa butt ko! Makinis at maputi ba sir? Hehehe" wala na akong maisip na sasabihin para makapasok na ako sa bahay nila kasi gutom na ako talaga ako e. Pero tinignan niya lang ako lalo ng masama.

"About sa clearances na kailangan mo, ihahatid iyon ng pinsan ko dito ngayon, sir! Trust me sir, hindi po ako masamang tao."dagdag ko.

Pero tiningnan niya lang ako. Sumabay naman ang tiyan ko. Tumunog na gutom na daw 'yung mga bulate sa tiyan ko! Kagabi pa kasi ako hindi kumain. At mukhang hindi talaga ako makakakain at hindi rin makapag-trabaho! Malas na buhay, oo!

"Fine! You're hired! Make sure na ihahatid ng pinsan mo ang mga hinihingi ko sayong requirements, Pasok!"

Thanks my dear tummy! I owe you a lot!

At siyempre pumasok kaagad ako. Magpakeme-keme pa ba ako? Mahirap na baka magbago ang isip ni Mr. Pogi e,

Ang gwapo talaga ng amo ko sarap papakin. Siya nalang kaya ang kainin ko. Isang kagat pa lang sa kanya eh tiyak busog kaagad ako. Muahahahaha!

"Thanks sir!"

"Linisin mo 'yung garahe pagkatapos mong kumain. Ilagay mo muna ang mga gamit mo dito sa taas. Sumunod ka!"

Sumunod kaagad ako, baka magbago ang isip niya mahirap na. Ang ganda ng bahay niya. Pang lalaki 'yung design. Sino kaya ang kasama niya dito?

"Ah sir, sino ang kasama niyo dito?"

"Ikaw!"

"Ha?"

"Bingi ka ba? Sabi ko ikaw ang makakasama ko dito!" pasigaw niyang sagot sakin.

Nagulat ako d'un ah! Anong problema ng lalaking 'to? Tss! Parang may regla. Siguro may problema 'to sa buhay. Hayy. Nakarating kami sa isang kwarto.

"Pasok!" sabi niya. Teka! Hala anong gagawin namin sa kwarto nang kaming dalawa lang?

"Ito yung magiging kwarto mo! Ilagay mo 'yung mga gamit mo dito."

Aysus! Natampal ko tuloy ang noo ko.
Akala ko kung ano na e. Akala ko makakahawak na ako ng abs at makakatikim ng may malaking muscle! Yun pala, ito lang pala ang magiging kwarto ko. Hahahahahaha.

Mabilis kong inayos ang sling bag na dala ko sa loob ng kwarto. Haha parang tanga lang. Anong gamit ba ang ilalagay ko dito, eh tanging sling bag lang naman ang dala ko. Mamaya pa dalhin ni Caitlin dito ang mga gamit ko e.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now