NINETEEN: Meeting the Cousins

38K 738 13
                                    

Brianna

Lexus's friends slash cousins, visited him today. Narito din si Terrence para daw kamustahin ako. Pero bago pa man ako hawakan ni Terrence sa kamay para makipagkamay, eh hinablot na ni Lexus ang kamay ko at halos hindi na ako bitawan kung hindi lang siya inaasar ni Mart na isa din sa mga pinsan niya.

Nandito akong dining preparing their meals kasi dito daw sila magtanghaliang magpipinsan.

Sa totoo lang, lahat ng bisita ni Lexus ay mga yummy at sobrang gwapo. Nasa lahi nga talaga nila ang gwapo. Ako, nasa dugo ko lang talaga ang pagiging maganda, hindi umabot sa mukha. Charoot!

Pero, mas gwapo at yummy si Lexus ko. Wait! Lexus ko? Landi!

Narinig ko pa silang nag-aasaran habang panaka-nakang tumitingin sa akin sa may kitchen na kita lang din sa may sala kung saan sila naroroon.

"Ipakilala mo naman kami diyan sa beautiful housemaid mo Lex."sabi ni Tyrone habang nakatingin sa akin.

"Oo nga, Lex!" sabad naman noong Macky na nakangiting nakamasid sa akin. Tss 'di ko sila bet, mga mukhang manyakis na mayayabang. Ewan, pero parang ganoon eh. Hehehe. Bawal judgemental.

"She's Brianna.." narinig kong saad ni Lexus doon sa mga pinsan niya.

"May boyfriend na ba Lex?" si Terrence.

"Shut up Tee!" inis na saad ni Lexus.

Napailing nalang ang mga pinsan niya at napatawa sa inakto ni Lexus. Nag-asaran at nagbibiruan pa sila slash nagkukulitan. Omaygad! Para pala silang mga bata kung mag-asaran na magpipinsan. Lalo na 'yung Tyrone may pagka childish. Pero nakakatuwa sila. They're one of a kind. 'Yung iba kasing magpipinsan hindi ganyan ka close.

After kumain, they're in the living ulit at kasama ako. 'Yung feeling na awkward kasi apat na lalaki at ako lang ang isang babae. Nakakatakot na ewan.

"So, Brie, how old are you?" Tyrone asked.

"Ano yun Ty, grade one lang?" natatawang saad ni Macky at ni Terrence.

"I'm 28.." saad ko.

"Bagay pala tayo, I'm just 30. Two years gap." may pakindat-kindat pang saad ni Tyrone.

"Hand-off Ty, may nagmamay-ari na diyan." Terrence said habang nakangiting nakamasid kay Lexus na seryosong nakatingin sa akin.

"So, di pa naman kasal si Brie, may pag-asa pa a..."

"Eh, di naman kasi kayo bagay kasi hayop ka Tyrone, hayop!"sabi ni Macky sabay batok kay Tyrone. Haha ang kukulit ng mga 'to.

Wala pa ring imik si Lexus. Anyare na naman dito? Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na pinag-aagawan ng mga pinsan niya. Charoot! Hahaha

"Ano bang ipinunta niyo rito? Ang landiin si Brie?" tanong ni Lexus na nakakunot ang noo sa tatlo.

"Hindi bro, pero pwede na ring gan'un!" Tyrone laughed. Lexus hissed. He's probably pissed off.

"Anyway, Lex, Nicky is back!"Macky said habang nakatingin sa akin. Luhh? Bakit? Why? Chuz!

Teka sino bang Nicky? Hmmm bigla kasing natulala si Lexus pagkabanggit ni Macky sa pangalang Nicky.

"So, what kung bumalik si Nicky?" Lexus exclaimed at napatingin sa akin.

"Wala lang, hindi ba mahal na mahal mo 'yun?" Terrence said habang nakamasid sa akin. Siguro may hinala siya sa amin ni Lexus. Napailing na lang ako.

Pero, teka, 'yung Nicky mahal na mahal ni Lexus? Napatutop ako ng bibig ng mag absorb sa isip ko 'yung sinasabi ni Macky at ni Terrence. Si Tyrone naman walang pakialam na nagpapapak ng peanuts.

"Umm, ganito kasi 'yun Brie, Nicky was Lexus ex-girlfriend!" Tyrone laughed.

"Tyrone!"si Lexus

Lexus's ex-girlfriend? Mahal na mahal niya? So ano pala 'yung sinabi niyang mahal na mahal niya daw ako kuno??

Tsk!

Pero diba ex naman na 'yun ni Lexus? So what? Ang importante kami, and its all that matters. Ang tanong may kami ba? Okay, Lexus confessed, pero hindi ko pa naman siya sinagot, so meaning, wala pa pala kaming label.

Bigla akong nalungkot sa isiping 'yun. Saka natatakot ako. Isipin mo, isang housemaid nakipag-boyfriend sa amo. Sigurado akong gigisahin ako ng mga bashers. Sabihin pa na, nilalandi at hinaharot ko si Lexus.

Bakit? Hindi mo pa nilalandi Brie? Naghuhubad ka na nga sa harapan niya eh!

Namula ako sa isiping 'yun. That was the time Lexus thrown insulting words to me. Yuck! Paano ko ba nagawa 'yun? Ano 'yun adrenaline rush? Pero, hindi eh. Mukhang nilalandi ko nga noon si sir Lexus. Hay naku! Pati ako hindi ko maisip kong bakit ko ginawa 'yun. Natuyo na utak ko rito.

Nagpaalam na ang mga pinsan ni Lexus na umuwi na gabi na rin kasi. Hinatid naman sila ni Lexus palabas.

I was thinking, about that Nicky girl. Kaya ayaw kung manood ng love story sa TV eh, kasi ayoko ng maraming ka ek-ekan sa buhay, kaartehan sa love life. Bakit Brie? Wala ka namang love life.

"What were you thinking baby?"

Tss! Napaigtad ako sa gulat sa kabuteng 'to. Bigla nalang sumusulpot. Umiling lang ako at akmang aalis na pero, pinigilan niya ako.

"About Nicky, she's my ex. She fooled me, kaya don't worry ikaw naman ang love ko eh." sabi pa niya sabay kindat sa akin.

"Tss!" simangot kong saad sa kanya at iniwan siya. Kailangan kong maglaba noh.

"Baby, please.."

Tss! Nakasunod pala siya sa akin.

"Wag ka nga Lexus! Baby ka ng baby sa akin eh, mukha ka namang senior citizen!" inis na saad ko sa kanya.

"Eh, ikaw naman talaga baby ko e.."

Anubey! Kinikilig aketch ditech.

"Heh! Dun ka na sa Nicky mo!" padabog kong sabi habang inisa-isa ko ang mga labahan. Binukod ko ang mga puti sa mga de kolor.

"My love is jealous huh?" Asar niya sa akin habang sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Lexus nga! Kulit mo eh! Kita mo namang maglalaba ako oh! Doon ka kaya muna, iniistorbo mo ako e."inis kong saad.

Paano naman kasi, sinundot-sundot ang tagiliran ko kaya napapaigtad ako. Tss!

Ihiniharap niya ako sa kanya at pinakatitigan.

"I love you.."saad niya.

My tears fell. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang mga luha ko nang sabihin niyang mahal niya ako.

"I said, I love you.."aniya at tinitingnan ako sa mga mata.

"I-I love you too.."saad ko finally, bahala na si batman.

He hugged me and kissed me on my lips na kaagad ko namang tinugunan.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now