TWENTY-TWO: Cheat and Lies Returned

35.6K 571 20
                                    

Brianna (part 4)

Kinakabahan ako habang papasok sa hospital. Sinubukan kong magpa check up kasi, hindi na ako mapakali sa nararamdaman ko this past few days.

Pagkapasok kong hospital ay kaagad akong tinanong noong nurse kung ano-anu daw ang mga nararamdaman ko.

Sinabi ko naman na nahihilo ako, naduduwal minsan at ayaw ko ng amoy ng bawang.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinapunta niya ako sa OB clinic na matatagpuan din lang sa loob ng hospital.

Mabilis kong hinanap ang clinic at nang mahanap ko ay kaagad akong pumasok.

Tinanong din ako ng doctor kung ako daw mga nararamdaman ko. Nang sinabi ko ang lahat sa kanya ay binigyan niya ako ng isang pregnancy test kit at sabi ay patakan ko daw ng ihi ko, mga tatlong patak.

Eh? Bakit pregnancy test?

Gayunpaman, sinunod ko pa rin ang sinabi ng doctor sa akin. Nagpunta akong rest room at saka pinatakan ng tatlong patak ang ibinigay niya sa aking test kit.

Pagkatapos kong patakan ay tumatak kaagad ang dalawang lines na kulay pula.

I just shrugged my shoulders, kasi wala naman akong idea kung ano 'yun.

Mabilis akong bumalik ng clinic. At ibinigay ko kaagad ang test kit sa kanya. Tiningnan niya ito at saka ngumiti.

Pagkatapos ay pinahiga niya ako sa may higaan doon ng mga pasyente. Humiga ako.

May inilagay siyang cream sa tiyan ko na parang petroleum jelly ang kulay. Tapos may monitor siya na binuksan at inumpisahan niyang i-eksamin ang tiyan ko.

"You don't have to worry Ma'am. It's normal. Kailan ba ang last menstruation mo?" Tanong ni Dok Lianne sa akin.

"Two months na po na wala akong menstruation Doc!" sabi ko na naguguluhan.

Bakit 'yung menstruation ko ang tinatanong? Ba't di nalang sabihing anemic ako, highblood, high cholesterol..

"Huling contact kay mister?"

"Wala pa po akong husband Doc, magiging asawa pa lang. Pero to answer your questions, kagabi lang doc." nakangusong saad ko.

Napatawa naman si Doc Lianne sa akin.

"You're 8 weeks pregnant ma'am Brianna! Congratulations!" sabi niya.

Teka! Pregnant? 8 weeks? Luhhh?

"Yun ang dahilan ng pagkahilo mo at pagsusuka mo. 'Yun po ang tinatawag na morning sickness ng isang buntis."

So, pag gabi ka mahihilo at magsusuka evening sickness?? Joke!

"Any cravings ma'am?"

"Cravings? Naku Dok, marami akong cravings, siguro lahat ng pagkain gusto kong kainin."sabi ko kaya napatawa si Doc sa akin.

"Normal lang 'yan. Huwag kang magbubuhat ng mga mabibigay ba bagay ha at saka iwasan mong ma-stress. Uminom ka ng gatas saka kumain ka ng mga gulay at prutas. Iwasan mo ang pag-iinom ng alak, kape at huwag kang maninigarilyo, okay?"

I nodded.

Pagkatapos niya akong resetahang ng ferrous sulfate ay mabilis akong umuwi dahil gusto kong sorpresahin si Lexus, na may munting kuting na sa sinapupunan ko. Pero, pagdating ko ng bahay, ako ang nasorpresa.

Si Lexus ay kasama n'ong hitad at naghahalikan sila sa sala. 'Yung dala kong mangga at chocolates ay bigla ko nalang nabitawan sa gulat at sakit ng nasasaksihan ko.

"Oh! There you are housemaid!" ani ni hitad na naka-smirk. Mabilis kong pinulot 'yung mga naglaglagan kong mga dala habang nanginginig ang mga kamay ko.

"See you later Lex.." paalam ni hitad kay Lexus.

Mabilis akong tumakbo paakyat ng kwarto ko pero nahawakan ni Lexus 'yung kamay ko kasabay ng paglaglagan ng mga luha ko.

Hindi ako lumingon.

"I'm sorry Brie, but you have to leave now!" mahinahong saad niya sa akin. Wala pa ring tigil ang mga luha ko sa paglaglagan.

Humarap ako sa kanya.

"Bakit Lex, ayaw mo na ba sa akin?" humihikbing tanong ko sa kanya.

"I'm sorry kung pinaglaruan lang kita!"sabi niya na nakatungo.

"Laro? All this time pinaglalaruan mo lang ako?"hilam sa luhang tanong ko ulit sa kanya.

"Oo. At hindi ko na kasalanan kung uto-uto ka lang talaga. Sino b'ang tanga ang papatol sa isang katulong?"

Bigla ko siyang nasampal. Ang sakit sakit lang kasi.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang Hon. Please..tell me you're just kidding around me." yakap ko sa kanya habang humihikbi.

Pero tinanggal niya lang ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya.

"I'm not joking around here Brie. Ayoko na sayo. Kaya pwede ba, umalis ka na! Ayokong masira ang career ko dahil lang sa isang katulong, kaya layuan mo ba ako!"

"Tangina naman Lex! Sana noong umpisa pa lang, sinabi mo na sa akin na laro lang ang gusto mo, para makapaghanda naman ako. Wala na eh, GAME OVER na pero ako ang talo, hindi man lang ako nakaganti sa laro mo bago mo ako natalo.." hilam sa luhang tinalikuran ko siya.

Mabilis akong pumasok sa kwarto ko at kinuha ko lahat ng mga gamit ko at isinilid sa maleta ko. 'Yung stuff toy na binigay niya sa akin na si Everest ng Abominable ay ihiniwalay ko. Lahat ng binigay niya sa akin ay inipon ko para itapon sa mukha niya.

"Aalis na ako!" sabi ko pagkababa ko sa sala. Nakatungo lang siya.

"Lex, one last question, tumingin ka sa akin.." sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumalima. Umaasa parin ako na prank lang ang lahat ng 'to..

"Ni minsan ba, minahal mo ako?"tanong ko sa kanya kasabay ng pagkalaglag ng mga luha ko sa mata.

"No, I don't love you!"sagot niya. Parang binomba ng sampung beses ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Humihikbi lang ako habang tumingin sa kanya. Ni wala na akong emosyong nakikita sa kanya.

Ngumiti ako, at ibinalik ko sa kanya ang lahat ng mga binigay niya sa akin.

"Ito, ibalik ko na sayo 'to." sabi ko sabay ibinigay ang naka-box na mga regalo niya dati sa akin. Wala pa rin siyang imik na nakamasid lang sa akin.

"Di mo naman kasi sinabi sa akin na laro lang gusto mo eh. Ngayon pa na hulog na hulog na ako sayo. Ang sakit-sakit lang kasi dito Lex." sabi ko na mapaklang nakangiti sabay turo sa dibdib ko. 'Yung bwisit ko na luha tuloy pa rin sa pag-agos.

"Mag-iingat ka dito ha, alagaan mo ang sarili mo. H'wag kang magpapalipas ng gutom." sabi ko habang humihikbi. Feeling ko namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak.

"Alagaan mo si Everest, di ko na kasi siya maalagaan, di ko na siya makakatabi sa pagtulog.."

Tumango lang siya sa akin. Pero hindi mo pa rin siya makitaan ng kahit anong emosyon. Wala na talaga siyang paki sa akin.

I held his hand and tiptoed to kiss him good-bye.

"I love you Lex, mahal na mahal kita. Ingatan mo sarili mo ha? Goodbye Lex."sabi ko sabay bitaw sa mga kamay niya at mabilis na tumalikod at umalis kasabay ng paglaglagan ng aking mga luha..

Nakita ko pang may tumulo na luha sa mga mata niya noong bitawan ko ang mga kamay niya. Pero wala na Game Over na.

Sorry baby. Pero mukhang mag-isa kitang bubuhayin sa ngayon anak. Magpakabait ka ha. Wag mong pahirapan si Mama. Mahal na mahal kita anak.

Sabi ko sa sarili ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Maliit pa naman ang tiyan ko kaya pwede pa akong magtrabaho. Hindi ko lang alam kung anong mukha ang maipapakita ko sa mga magulang ko. Imbes na uuwi kami ngayong katapusan, pero mukhang hindi na talaga matutuloy.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon