TWELVE: Hurting Her Once Again

37.8K 613 3
                                    

Brianna

One month later...

Busy ang lahat para sa welcome party ng ate daw ni sir Lexus. Pati mga housemaids ng mommy ni sir eh nandito sa bahay niya e.

Gusto daw kasi ng mommy ni sir na dito ang party gaganapin.

Buti naman, kasi nagmumukhang hunted house 'tong bahay ni sir Lexus eh-tahimik! Wala kang makitang mga tanim man lang kahit roses nalang sana. Tss!

Wala e, itinapon ko nalang 'yung itinanim ko noon kasi pinagalitan niya ako at masyado na raw akong feeling at home. Siyempre hindi naman gaanong makapal ang mukha ko kaya pinagtatapon ko nalang ang mga itinanim kong rosas. Wala mahilig lang talaga ako sa roses. Haha.

It's been a month na pala magmula noong maganap ang pang-aasar ko sa boss ko. Manang daw ako? Nandidiri siya sa akin? Tss! Hindi ko naman sana gagawin 'yun e, kung hindi lang sa mga masasakit na salita niya.

Pero kahit yata maghubo't-hubad ako, hindi pa rin siya maglalaway sakin. Ako lang yata ang naglalaway sa kanya! Yeah, may ganitong feeling ako na tumutulo ang laway kapag natitigan ko siya. Haha bwisit! Parang asong ulol lang ang peg.

Siguro ang sarap niyang amuyin at yakapin. Chus!

Napapangiti ako sa mga hallucinations ko tungkol sa boss ko nang biglang sumulpot 'tong assistant niya. Parang di makatae.

"Hoy! Napano ka?" tanong ko sa kanya.

"Eh dai, yung bartender kasi na kinuha namin hindi raw makarating dahil nadisgrasya. Katatawag lang noong may-ari ng pinapasukang bar n'on. Eh ilang oras na lang magsisimula na ang welcome party ni Ma'am Alexa!" balisang-balisa pang saad niya.

"Kuuu! Bakit ikaw ang namomroblema riyan? Pwede naman silang kumuha ng kapalit, kaya huwag ka ng mamroblema diyan!" saad ko at sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.

"Eh siyempre dai, ako 'yung kumuha ng bartender e. Nakakahiya! Saka, malalagot ako kay madam Alyssa at boss Lexus! Tsugi na dai!" sabi pa niya habang umaktong ginilitan ang liig niya.

"Sino ba yang Alyssa na sinasabi mo? Asawa ni boss?"

"Gagi! Mommy niya!"

Shit! Natampal ko tuloy ang noo ko. Ilang buwan na ba ako rito at di ko pa kilala pamilya ng bossing ko? Hayss! I mean, hindi ko man lang maalala mga pangalan ng parents ng amo ko.

"Ay, oo nga pala, nakalimutan ko. Anyway, I can be your bartender for tonight's ma'am Alexa's welcome party badzaii!!" nakangiting saad ko sa kanya. Tiningnan niya akong mabuti..

"Ikaw? Bartender?" di makapaniwalang tanong niya. Tumango ako. Humagalpak ng tawa ang gaga. Binatukan ko nga.

"Bakit ka tumatawa? Hindi ka naniniwala?"

"Eh! Kasi naman nagpapatawa ka Brie e." Hinimas-himas pa niya ang batok niya at humagalpak ulit ng tawa.

"Ano nga? Bayaran mo ako tonight, ako nalang ang papalit sa bartender na kinuha mo, kesa naman mapagalitan at mapapahiya ka, diba?" dagdag ko.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"Dream on, Brie! Mas mukha kang mambabarang kesa bartender!" saad ng boses sa likod ko.

It was him Lexus Fuentebella again! Tss! Ngayon niya lang ako kinakausap mula noong araw na 'yun. Hindi na kasi kami nagpapansinan after n'on. Para tuloy akong asawang nagtatampo. Yuck!!! Eh, hindi rin naman niya ako pinapansin e. Pero ngayon nagpapapansin na naman. Tss!

Teka nga, ako daw mukhang mambabarang? Aba! Grabe na 'tong pang iinsultong ginagawa niya sa akin ah!

"Alexander Lexus Fuentebella! Wala ka ba talagang ibang sasabihin sa akin bukod sa pang-iinsulto ha? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko! Hindi porke't ikaw ang amo ko at siniswelduhan mo ako ay may karapatan ka ng lait-laitin ako!" naniningkit ang matang tanong ko sa kanya. Dahan-dahan namang umalis si Valie sa harapan namin.

"Bakit anong akala mo sa sarili mo? Lahat nalang ba ng tao sa paligid mo ay hinuhusgahan mo? Ganyan na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo?" dagdag ko pa at pinigilang pumiyok ang boses dahil nagbabanta nang lumabas ang mga luha ko sa maganda kong mata.

"Ikaw lang naman ang pinaka-bwisit na nilalang na nakilala ko sa buong buhay ko!" sabi ko sabay alis.

Bwisit! Okay lang naman na sigaw-sigawan niya ako e, h'wag lang niyang husgahan at laitin ang pagkatao ko. Kainis! Bakit ba ako nasasaktan sa mga sinasabi niya? Tss! Ano bang pakialam ko kong laitin niya ang pagkatao ko?

Sa totoo lang, nabubuhay naman akong walang pakialam sa sinasabi ng iba e, kasi hindi naman ako nabubuhay para sa kanila, nabubuhay ako para sa sarili ko!

Pero tangina, pagdating sa amo ko nasasaktan ako kapag pinagsalitaan niya ako ng hindi maganda. Bakit nga ba?

Dito nalang ako magmukmok sa kwarto ko! Tutal, hinihintay nalang naman ang pagdating ni Ma'am Alexa! Mamaya nalang ako lalabas pag nandito na 'yung kapatid ng walanjong boss ko!

Hihiga na sana ako nang may kumatok sa pinto ko. Nang buksan ko, si Valie ang tumambad sa akin. Sinimangutan ko siya.

"Ano?" nakangusong tanong ko sa kanya.

"Aysus! Labas na malapit na si Ma'am Alexa. Saka wala pa talagang bartender badzai! Sure ka bang marunong ka?" kiming tanong niya parang nahihiya.

"Iyan lang ba ang ikinatok mo sa pintuan ng kwarto ko? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng demonyong amo mo kanina? Mas mukha akong mambabarang kesa bartender! Tss! Bakit hindi nalang siya ang gawin mong bartender doon?"

"Eh, mukha ka naman talagang mambabarang kung hindi ka mag-aayos!" Naka peace sign pang saad niya!

Isa pa to eh!

"Ah ganun? Oh sige, pagbigyan kita dzai-mag-aayos ako ngayon! Tingnan ko kung hindi 'yan lalabas ang malalaki mong mga mata!" asar ko sa kanya.

"Ah talaga? Sige nga! Tss! Basta ikaw ang bartender! Sasabihin ko na kay madam Alyssa! Kbye!" sabi pa niya at mabilis na lumabas ng kwarto ko.

Naligo muna ako at nagbihis. Sinuot ko 'yung red dress off-shoulder na bakat na bakat sa hubog ng katawan ko.

Inilugay ko ang mahaba kong buhok at naglagay ng kunting lipstick at kunting foundation. Isinuot ko rin ang red stiletto ko na binili ko lang sa mga ukay-ukay sa Recto.

Hmmm tingnan natin Valerie kung hindi 'yan luluwa ang mata mo.

Para akong sirang ngiting-ngiti sa sarili ko sa salamin.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Hindi ko alam kung fit ba itong suot ko sa bartender rule ko. Bwisit! Napasubo tuloy ako!

Hindi naman ako diyosa, pero tama ng sabihing maglalaway ka kapag nakita mo ang curves ko. Chus! Mambabarang pala ha! Baka diyosa ng mga mambabarang! Muahaha. Hayss! Makababa na nga!

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now