ELEVEN: Confused

37.9K 604 14
                                    

Lexus

Bwisit! Pinagtatawanan pa ako ng maganda kong ina sa nangyari sa akin. Nakakainis!

Pero something inside me na nagsasabi na kasalanan ko rin naman 'yun. Pero ayaw kong aminin na kasalanan ko talaga.

Buti nalang wala akong lakad ngayon dahil next week pa ang shooting namin sa teleseryeng pagbibidahan ko.

Nang makaalis ang maganda kong ina ay hinahanap ko si Brianna para sumbatan sa ginawa niya sa akin. Himala! Hindi nagtanong ang ina ko tungkol sa pag-aasawa ko kuno.

Nakarating ako sa likod ng bahay ko kakahanap kay Brianna. Napansin ko siya na may dinidiligan sa likod ng bahay ko. Wait! Dinidiligan?? Teka. Anong ginagawa ng babaeng 'yun? Napansin ko pang parang may mga pinanbunot siya na mga damo.

Aba!

"Hoy! Brianna!"sigaw ko

"Ay! Bakla!" gulat na bungad niya sa akin. Napatalon pa nga siya sa gulat.

"Ano? Bakla? Ako?" sarap niyang tirisin.

"Ginulat niyo naman ako sir e. May kailangan po ba kayo? May ipapalinis?"

"Anong ginagawa mo?" tanong din ang naging sagot ko sa tanong niya.

"Nagdidilig po! Hindi mo po nakikita?" nakangising asong saad nya.

Bwisit na babaeng 'to, may pagka pilosopo talaga e. Feeling ko tuloy umuusok ang ilong ko sa asar!

"Alam kong nagdidilig ka! At Sinong may sabi sayo na pwede kang magtanim dito sa loob ng pamamahay ko? Masyado ka yatang feeling at home!"singhal ko sa kanya. Medyo nasaktan ko yata siya sa sinabi ko. Lumungkot 'yung mata niya kasi.

Shit!

Gusto ko siyang amuin at gusto kong mag-sorry sa kanya!

Lexus! Ano bang nangyayari sayo?

"Ayaw mo ba sir na magtatanim at may dinidiligan ako rito? Mukhang haunted house, bahay mo e. Ayaw mo?"tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot, bagkos ay sinamaan ko pa siya lalo ng tingin.

"Kung gusto mo sir, ako nalang ang diligan mo."may pakindat-kindat pang saad niya. Ano raw? Siya didiligan ko?

"Eh, tutal ayaw mo namang magtanim ako dito, sa akin ka nalang magtanim sir, diligan mo 'yung flower ko at itanim sa akin ang binhi mo para maalagaan ko ng siyam na buwan! Pangakong aalagaan ko ng mabuti at siyempre paniguradong maganda ang magiging lahi at kalalabasan ng tanim nating dalawa." sabi pa niya at tawa pa ng tawa. May sapi yata ang babaeng 'to.

Saka ko na naiintindihan ang ibig niyang sabihin nang sinabi niyang siyam na buwan daw. Bwisit talaga ang babaeng 'to!

"H'wag kang feelingera Brie! Ito ang itanim mo diyan sa kukute mo na kahit mag-usap lang tayo eh nandidiri na ako sayo!" singhal ko ulit sa kanya.

"Weh? Tingnan nga natin kung mandidiri ka!" aniya at inisa-isang hinubad ang mga damit niya!

What the hell!!

Nag-iinit ako sa ginagawa niya. Shit! Anong ginagawa ng babaeng 'to?

Malamang naghuhubad!

Naghubad talaga siya sa harapan ko?

Ay! Hindi Lexus, hindi!

Is she trying to seduce me?

"Ano sir, tanggalin ko na rin ba pati bra at panty ko!" sabi pa niya at akmang huhubarin na ang mga underwear niya.

"No! Kahit anong gawin mong pang seduce sa akin hindi tatalab sa akin 'yan at lalong hindi kita papatulan! Bakit hindi ka nalang bumalik sa club na pinagpokpokan mo para ibenta iyang katawan mo sa mga matatandang negosyante doon, siguradong bebenta ka roon. Ilang lalaki na ba dumaan diyan sa butas mo at bakit pati ako dinadamay mo? Huwag ako!"singhal ko sa kanya at iniwan siyang natulala.

Shit! You have no idea what you have done to me Brianna! I think I'm going insane. You have no idea what I've been through mapipigilan ko lang ang nararamdaman ko na hindi ko maintindihan kung ano.

Am I really already fall for you? Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko para sayo. That dejavu feeling ay nararamdaman ko lang iyon ten years ago, at ganoon lang naman 'yun. Iba kasi itong nararamdaman ko sa kanya e.

Everytime I saw her, that butterfly feelings on my stomach was always there. Kahit hindi ko pa siya nahahawakan ay inaatake na ako ng butterfly thingy na 'yan.

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo para maibsan ang init na nararamdaman ko. Nababaliw na yata ako! For Pete's sake, sa housemaid ko pa!

Matagal ako bago lumabas ng banyo. Pagkatapos kong magbihis bumaba na ako para dumeretso sa mini gym ko para magpapawis. Nakita ko si Brianna na papasok sa may laundry. Tiningnan niya lang ako. Nagtagisan kami ng tingin. Agad naman niyang ibinaba ang kanyang paningin.

I sighed.

She looks so badly hurt sa mga sinabi ko kanina. She deserves it. She provoke me para pagsalitaan siya ng ganoon. Mabuti na rin 'yun para iwasan niya na ako. Mas mabuti na ang ganito. Ayokong lumala pa 'tong nararamdaman ko. Dahil sa tingin ko, nahihibang lang ako! Ayoko pang mabaliw!

I sighed again, nakokonsensya na talaga ako sa ginawa ko sa kanya. Alam kong nasasaktan ko na siya sa mga pinagsasabi ko. At alam ko rin na I was already crossing the line as her boss. Pero anong magagawa ko? Is there any other way para mawala ang nararamdaman kong kawirduhan sa kanya?

Ayoko namang makipag-relasyon ng kung sinu-sinu lang diyan.

I sighed one more time at saka naisipang lumabas ng bahay. I need to unwind.

Puntahan ko nalang ang pinsan ko sa bar na pagmamay-ari niya. It's too early to go there kasi sa gabi naman nagbubukas ng bar ang pinsan ko.

Pero, kailangan kong kumpirmahin kung ano talaga itong nararamdaman ko. Kasi iba ang nararamdaman ko ngayon keysa sa nararamdaman ko dati sa ex ko.

My cousin is an expert pagdating sa usapang ganyan. Kaya, I want a confirmation about this feelings from him. I'm already confused!

Palabas na ako ng bahay nang makita kong palabas din ng laundry area si Brianna na may dala-dalang laundry basket na puno nang mga linabhan niya.

She stares at me, pero agad din niyang binawi saka nagpunta sa likuran ng bahay, siguro para magsampay.

I sighed once more at tuluyan nang lumabas ng bahay at pinuntahan ko ang kotse ko sa may garahe..

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now