TWENTY-THREE: Saving His Mother

35.4K 553 7
                                    

Brianna

A week later..

"Hindi ka pa ba pagod Brie?"

It was Kathy, kasama ko dito sa bar na pinapasukan ko ngayon. After what happened to me at doon sa napakawalang-hiyang lalaki sa buong universe ay bumalik ako sa pagiging bartender.

"Hindi ako puwedeng mapagod Kath.." I frowned at her.

"Eh, kasi alam mo na Brie.." aniya sabay nguso sa tiyan ko..

"I'm fine Kath.. Thanks sa concern mo.." I said smiling at her.

"Hindi mo pa ba pinaalam sa parents mo ang sitwasyon mo?"

"Hindi pa, saka na siguro. Ayokong mag-alala sila nanay sa akin.."

"Hay naku! Bahala ka, basta sinabi ko na sayo. Wag kang masyadong magpapagod ha." aniya sabay alis para mag-serve sa mga customers.

Hindi pa naman halata ang umbok ng tiyan ko kasi, I'm on my sixteenth week of pregnancy pa naman. Apat na buwan pa lang naman, kaya ko pang magtrabaho. Madalas naman akong bumisita sa OB ko kaya okay lang. Hindi naman daw maselan ang pagbubuntis ko. 'Yun nga lang, kapag hindi ko magustuhan ang amoy ng pagkain, parang binabaliktad ang sikmura ko.

I sighed as I watch my wristwatch. Five minutes to go, out ko na.

Kailangan kong mag-ipon para sa pamilya ko at para sa amin ng magiging anak ko. Kailangan kong magpakatatag para sa anak ko. Kaya ko 'to.

Naalala ko pa ang madalas sabihin sa akin ng nanay ko na Hindi ka ilalagay ng Diyos sa sitwasyong hindi mo kayang lagpasan. Yeah! Pagsubok lang 'to ng Diyos sa akin.

Tiningnan ko ang cellphone ko nang bigla itong mag-ring. As I watch the screen, pangalan ng assistant noong Alexander. Hindi ba ako tatantanan ng mga 'to?

"Oh!" I sighed after I answered her call.

"Brianna dai, h--help!"

"Huh? Bakit anong nangyari?"tanong ko.

Doon ay ikwenento niya sa akin ang lahat.

Pagkalabas ko ng bar na pinapasukan ko, dumeretso na kaagad ako sa bahay ni Alexander.

Ayun kay Valie, nasa panganib daw ang mommy ni Alexander na ngayo'y hawak noong hitad na si Nicky. Umalis daw kasi si Lexus nang hindi nagpapaalam, at inisip ng hitad na itinatago ng pamilya nito si Alexander. Hindi ko alam ang buong istorya pero halatang nasa panganib nga ang nanay ng lalaking minsan naging parte ng buhay ko.

Pagkapasok ko ng gate ng bahay ni Alexander, narinig ko kaagad ang commotions sa loob.

Nagmasid muna ako kung may ibang kasama si Nicky. Nagkubli muna ako sa may pintuan kung saan ay makikita ko sila sa loob.

"Ilabas niyo na sabi si Lexus eh!" sigaw noong Nicky doon kay ma'am Alyssa na ngayo'y tinutukan na ng baril sa ulo. Jusko!

"Siraulo ka ba? Kung nasa amin si sir Alex, edi sana inilabas na namin siya!"

It was Valerie. Nakagapos ang kamay at paa habang nakatali sa isang upuan.

Someone grab my arm, at paglingon ko nasisiguro ko na kasabwat ito ni Nicky, kaya pinilipit ko ang kamay sabay suntok sa mukha ng lalaki. Napaigik siya sa sakit kaya napasugod siya sa akin ng suntok pero nakaiwas ako. Nung akmang sisikmurahan niya ako, kaagad ko siyang tinadyakan at sinipa sa harapan. Knock down!

Suntukin niyo nalang ako sa mukha, wag lang ang baby ko na nasa tiyan ko!

Napansin kong may isa pang kasabwat si hitad na noo'y nasa banda ni Valerie. Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko mapaiwas ang lalaki doo kay Valerie, kasi mahihirapan ako kung dalawa sila doon at saka may mga hawak silang baril.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita naman ako ni Valie, sinenyasan ko siyang huwag maingay at kaagad akong nagkubli sa may mini bar ni sir Lexus doon. Hindi ako puwedeng makita ni Nicky o di kaya'y noong kasabwat niya. Tss! Wala pala 'tong si Nicky eh, susugod-sugod ng dalawa lang ang back up.

Bakit ikaw Brie, wala ka namang back up pero sumugod ka rito! Eh kasama ko naman anak ko eh.

Sinenyasan ko si Valerie, na papuntahin niyang kusina ang lalaki.

"Painumin niyo muna ako, para sasabihin ko kung nasaan si sir Alex." narinig kong sabi ni Valie doon sa lalaki.

Sinenyasan ito ni Nicky na paumuntang kusina.

Napamura naman ang lalaki bago naglakad papuntang kusina.

Mabilis akong pumuntang kusina. Nagulat ang lalaki nang makita ako at kaagad bumunot ng baril. Pero, bago pa niya maitutok sa akin ang baril ay kaagad ko itong sinipa kaya tumilapon ang baril niya sa ilalim ng mesa.

Akmang kukunin niya ang baril pero tinuhod ko 'yung mukha niya kaya napadaing siya sa sakit. Bigla kong hinawakan ang liig niya at diniinan ang parte na magpapatulog sa kanya. Agad namang nakatulog ang lalaki kaya binilisan ko ang paglabas mula sa kusina dala ang isang kitchen knife na maliit. Just in case lang na maging kumplikado.

"Pakawalan mo sila!" Sigaw ko kay Nicky.

"Oh! Look whose here!" parang demonyong tawa ni Nicky. Doon nailipat ni Nicky ang pagtutok ng baril sa akin.

"Saan mo itinago si Lexus ha!" sikmat niya sa akin.

"Hindi ko itinago si Lexus, if that's what you wanna hear." sabi ko pero kinabahan ako. Paano kapag bigla niyang makalabit ang gatilyo ng baril?

"That's bullshit!" sigaw niya sa akin.

"Akin lang si Lexus! Akin lang! Naintindihan mo? Okay na sana noong isinuka ka ni Lexus eh, pero bwisit na lalaki, bakit baliw na baliw sayo! Kaya kayo nalang ang papatayin ko. Kung hindi mapasakin si Lexus, sisiguraduhin kong hindi rin siya mapupunta sayo!"

Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit mo sa akin isinisi ang pagkawala ni Alexander? Sayo na siya at magsawa ka sa kanya!"singhal ko.

She laughed hard, kaya nakahanap ako ng tiyempo.

Walang salitang bigla kong hinawakan ang kamay niyang may hawak na baril. Sigaw ng sigaw si Valerie at ma'am Alyssa dahil nag-aagawan kami ngayon ng baril ni Nicky.

Nabitawan ni Nicky ang baril dahil pinilipit ko ang kanyang mga daliri.

Sinuntok niya ako, pero nakailag ako. Ginantihan ko siya ng suntok, sapol siya sa mukha.

Bigla siyang nagdive palapit sa baril pero inunahan ko siya, kaya nag-agawan na naman kami ng baril.

Nang mahawakan ko ang baril, may pinindot ako para matanggal ang bala at mabilis kong itinapon ang baril malapit kay Valerie.

Sinuntok ako ni Nicky sa mukha na hindi ko nailagan, pumutok ang labi ko..

Humanap ako ng buwelo para mahawakan ko siya ng liig. Nang mahawakan ko siya I pressed her neck malapit sa earlobe niya kaya natumba siya at napatulog..

Mabilis kong kinalasan ng tali si ma'am Alyssa at Valerie. Nang matanggal ko ang kanilang mga tali, si Nicky naman at ang kanyang mga kasabwat ang tinalian ko sa kamay patalikod. Tinalian ko rin ang kanilang mga paa para hindi na mahirapan ang mga pulis mamaya..

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon