TEN: Meet The Mother

39.2K 592 7
                                    

Brianna

Maaga pa pero 'yung nguso ko, mukhang aabutan ng tanghali bago mawala ang pagkabusangot. Hindi pa lumalabas yung boss ko, ano kaya ang nangyari doon?

Patay talaga ako nito e! Masesante ako nang wala sa oras. Marinig ko palang ang you're fired paniguradong manlulupasay na ako.

Wala na akong ibang mapupuntahan ngayon kasi si Caitlin ay dinala na ng kanyang boyfriend sa Seoul Korea para doon daw ganapin ang kasal nila. Invited ako, siyempre pinsan ko 'yung ikakasal noh?

Pero wala e, wapera me kahit wampepte. Hindi ko afford mga badzaii ang plane ticket lalo na ang visa. Siya nalang imbitahan ko sa kasal ko sa France, Italy.

Yeah! Total mayaman na 'yun siya sa time na 'yun. Pero ang tanong, paano ako ikakasal eh SINGLE ang kalagayan ko mga badzaii? Hehe wala namang bayad ang mangarap. Kaya mangarap tayo nang gising. Chus!

Hindi pa man umabot sa kung saang dimension ang imaginations ko ay biglang may nag-doorbell.

Kaya pakendeng-kendeng akong naglakad papunta sa pintuan para buksan kung sino man ang nilalang na nasa labas ngayon. Baka si Valerie ang dadating. Pero natakot ako sa pag-aalala na baka kapalit ko na ang dumating kasi masisisante na ako. Eh, totoo naman 'yung sinabi ko e. Ang hindi lang tama ay ang sumagot pa ako sa kanya. Hayys! Bahala na!

Pagkabukas ko ng pintuan,

"Hello! You are?"ani ng babaeng tumambad sa maganda kong face. You are kaagad e.

I think she's in her mid-forties ganern. Maganda siya at sopistikada. Ito siguro ang asawa ni boss. Pero mas maniniwala siguro ako kung sugar mommy niya 'to. Yeah! Sugar mommy! Mommy! Wait, mommy?

"Ah-eh I'm Brianna Shane madam!" pakilala ko at pinapasok na siya sa loob. As in niluwagan ko talaga ang pagbukas ng pintuan, 'yung tipong tatlo ang sabay-sabay na papasok, ganern!

"You must be the housemaid of my son!" aniya na nakangiti.

See? Mommy pala. Hindi sugar mommy. Nakangiti akong tumango. Ayokong magsalita baka kasi biglang mag-iba ang ugali ng isang 'to at bigla akong sigaw-sigawan.

Ganyan kasi ang nakikita ko sa mga palabas na pinapanood noon ni Caitlin eh. Kahit gaano pa kabait at gaano kaganda ang ipinapakita sayo, mayroon talagang tinatagong kademonyohan ang bawat tao.

"Anyway, where's Lexus? Is he not around?"tanong niya habang ang mga mata ay parang kay inspector Mill. Iyon bang sinusuri ang lahat ng sulok ng bahay.

"Ah nasa taas po madam, hindi pa po lumabas ng kwarto niya e."kinakabahang sagot ko.

Patay ako kapag malaman niyang hinampas ko ng baseball bat ang anak niya.

"Oh! I see! Puntahan ko nalang sa room niya and please prepare breakfast iha!" nakataas ang isang kilay na saad niya. Naku mukhang maldita 'to at talagang patay ako mamaya. Matatanggal na talaga ako sa trabaho nito.

"Yes, madam!"

Agad-agad akong naghain sa mesa nang makaakyat siya sa may hagdanan.

Buti nalang right timing ang pagdating ng mommy ni sir kasi nakapagluto na ako ng agahan. Nagluluto kasi muna ako ng agahan bago ako maglilinis sa buong bahay. Kaya right timing ang nanay ng amo ko.

Nakapaghain na ako nang marinig ko ang nanay ng amo ko at si Sir Lexus na bumaba na at ngayo'y papunta na sa dining table.

"C'mon son, who did that to you? Ang laki ng bukol mo eh!" Ani ng nanay niya nang nasa dining area na sila.

Paktay! Tiningnan ko si sir at kita ko na masama ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin at saka pasipol-sipol.

Hooh! Bigla akong kinabahan sa klase tingin ni sir Lexus sa akin, dahilan para mapatingin na rin ang nanay niya sa gawi ko.

"Ask her!" sabi ni sir Lexus sa nanay niya na kaagad namang bumaling sa akin.

"What happened iha? Bakit may malaking bukol ang anak ko sa noo?" tanong ng nanay niya na hindi kumukurap na nakatitig sa akin. Kinabahan ako. Feeling ko pinagpawisan ako ng snow. Am I fired???Chus!

"Ah-eh ganito kasi 'yun madam, pumasok si sir Lex sa bahay na hindi binubuksan ang ilaw, akala ko magnanakaw e, sa takot ko pinalo ko ng baseball bat si sir.." paliwanag ko.

"Takot ka pa talaga sa lagay na 'yun ha?"inis na saad ni sir Lexus pero hindi ko siya pinansin. Ang importante sa akin ngayon ay ang opinyon ng nanay niya.

Akala ko katapusan ko na at last day na sa trabaho ko. Pero imbes na magalit 'yung nanay ni sir Lexus, bumunghalit pa ito ng tawa. Maluha-luha pa nga siya sa katatawa. Weird, diba? Siya lang 'yung nanay na natuwang nasasaktan ang kanyang anak.

"You did the right thing iha!" anito na hindi parin tumigil sa katatawa. Luhh?? Ano raw? I did the right thing?? Weehh! Ngumiti lang ako bilang tugon at kinindatan si sir.

"Ma!" parang batang inagawan ng candy si sir. Belaattt!

Binilatan ko siya. Ang mama niya tuwang-tuwa pa sa ginawa ko sa kanya. Feeling ko may kakampi na ako.

Pero wag kang magpakasiguro Brie!

Yeah! I know. Si sir Lexus ang sama ng tingin sa akin, para akong chinopchop sa isip niya sa klase ng tingin niya sa akin.

Tapos na kaming kumaing tatlo. Oo, pinasabay ako ng Mommy Alyssa ni sir Lexus sa pagkain. Hindi siya maarte ha! Akala ko maldita e, pero okay lang sa kanya na makasabay sa pagkain ang atchay nila.

Habang nag-uusap silang dalawa sa sala, abala naman ako sa paglinis ng kusina. Naghugas muna ako ng mga pinggan na pinagkainan namin kanina bago lumabas para diligan ang mga itinanim kong halaman sa likod ng bahay ni sir. Para hindi naman magmukhang hunted house 'tong bahay niya ay nagtatanim ako ng mga roses dito na lingid sa kaalaman ng amo ko. Tutal hindi naman siya madalas na nagpupunta rito e, kaya okay lang siguro na magtanim ako rito.

Nagwawalis din ako pagkatapong kong magdilig ng mga itinanim ko at 'yung mga maliliit na damo na tumubo ay binunot ko. Mukhang maaliwalas.na tingnan ang harden nang matapos ako.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon