NINE: AKYAT-BAHAY GANG

38.9K 610 13
                                    

Lexus

It's already two o'clock in the morning when I got home. Idinaan ko muna kasi si Valie sa apartment na inuupahan niya. Naghihintay daw kasi ang boyfriend niya sa kanya. Kaya ayun naabutan ako ng madaling araw sa biyahe. I drove myself home kasi wala naman akong driver.

Minsan kapag kasama ko si Valie ay pinalitan niya din ako sa pagda-drive. But it's different today because she has a plan with her boyfriend. Kaya hapong-hapo ako ngayong nakauwi.

Pumasok ako sa bahay na hindi na binubuksan ang ilaw dahil sa pagod ko. Aakyat na sana ako ng hagdanan nang may biglang humampas sa ulo ko.

Fvck, ang sakit ng ulo ko. Langya, baka may nakapasok na magnanakaw. Uso pa naman ang akyat-bahay gang ngayon. Ang katulong ko mukhang walang kaalam-alam na may pumasok na sa bahay. Tss!

Susuntukin ko na sana ang magnanakaw sa mukha pero naunahan niya ako sa sikmura. Napamura ako sa sobrang sakit! Bwisit!

Bumuwelo ako at sisipain ko na sana siya sa mukha pero nailagan niya ang sipa ko. Sumuntok uli ako pero nakailag ulit siya.

Nyeta! Mukhang magalingbsa martial arts ang isang 'to. Kailangan kong mapatumba ang isang 'to bago pa kami maabutan ng mga kasamahan niya. Humanap ako ng magandang pwesto para maka-buwelo.

Nang mukhang malingat siya ay kaagad ko siyang inumbahan at hinawakan sa liig, pero nahawakan niya ang mga kamay ko at pinilipit.

"Ah! Aray.." pagkasambit ko ng aray ay biglang linuwagan ng magnanakaw ang paghawak ng kamay ko at mabilis na binuksan ang ilaw.

And whatdapak! Alam niyo ba kung sinong humampas sa batok ko? Sumuntok sa sikmura ko, at pumilipit ng kamay ko? You guess it right!

"Nakupo! Sorry sir. Akala ko kasi magnanakaw e." hinging paumanhin niya.

She's really cute with her messy hair. Hoy Alexander magalit ka, huwag kang malandi! Oo tama! Magalit ako. May bukol pa yata ako sa ginawa niya e. Masakit pa 'yung ulo ko.

"Alam mo bang ginagawa mo?!" bulyaw ko sa kanya.

"Opo, alam ko po! Sorry talaga sir Lex, akala ko kasi talaga magnanakaw e! Eh alam mo namang uso ngayon ang akyat-bahay gang, kaya akala ko talaga magnanakaw kayo!"

"Magnanakaw? Mukha ba akong magnanakaw?"

"Eh, hindi mo naman kasi binubuksan ang ilaw e, akala ko akyat-bahay na 'yung pumasok..."

"Alam mo bang muntik mo na akong patayin sa lakas ng pagkahampas mo sa kung anong bagay sa ulo ko?!"

"Sorry talaga boss! Next time kasi buksan mo na ang ilaw kapag papasok ka ng bahay para hindi po kita mapagkamalang magnanakaw!"

"H'wag mo akong turuan kung anong gusto kong gawin lalo na kung sa loob ng pamamahay ko! Remember? Katulong ka dito, hindi nanay ko! Kaya lumugar ka kung saan ka dapat lumugar!"

"I know my place sir. Pero please be considerate naman na may ibang tao ka ng kasama dito. Na may KATULONG kang kasama rito. Paano kapag manakawan ka nga, sinong masisisi? Eh ako lang naman diba kasi, ako lang naman ang kasa-kasama mo rito e. And worst, baka pagdudahan mo pa akong accomplice ng magnanakaw, kaya mabuti nang nag-iingat! In fact, you're also at fault sir. Kaya huwag mong isumbat sa akin, na ako lang ang may kasalanan! Now, you can fire me all you want!"

"Tss!"iyon lang ang tanging nasagot ko. Akmang tatalikuran ko na siya pero pinigilan niya ako.

"Gamutin ko muna iyang sugat sa noo niyo po! Before you'll fire me.."sabi niya habang hawak ang kamay ko. Bigla kong kinalas ang mga kamay ko sa pagkahawak niya.

"Thanks! But no thanks! I thought you already knew your place. Hindi ka nurse dito sa pamamahay ko. It's none of your concern kung may sugat ako! At isa pa, hindi ako lumpo! Alam kong gamutin ang sarili ko!"singhal ko sabay talikod sa kanya.

"Yeah, alam ko naman kung saan ako dapat lumugar, but since I was the one who did that to you, I think I was oblige to do the first aid for you. Pero since ayaw mo, bahala ka sa buhay mo!" mahina ngunit naririnig ko pang saad niya.

Nakita ko pa siyang nagkibit-balikat at pinatay ang ilaw bago sumunod. Nasa taas din kasi ang kwarto niya at katabi pa ng kwarto ko.

Naligo muna ako bago ko ginamot ang sugat ko sa noo. Tss! May bukol pa talaga ako. Kailangan kong mag cold compress dahil kung hindi baka mangitim 'to bukas e. May shooting pa naman ako bukas.

Pagkatapos kong gamutin ang sugat ko at icold compress ay humiga ako. Napaisip ako, sobrang harsh yata ng mga sinasabi ko kay Brie. Kapag hindi ko kasi gagawin 'yun, sa tingin ko mas lalong lumala itong weird feeling na nararamdaman ko.

I think I'm already into her. Kaya hangga't maaari ay kailangan ko muna siyang iwasan at pagsalitaan ng masasakit. Baka sakaling mawala 'tong nararamdaman ko sa kanya kapag lalayo ang loob niya sa akin.

Ayaw kong makipag-relasyon sa kanya. Ayaw kong masira na naman ang career ko na dati'y muntikan ng mawala sa akin dahil sa kabaliwan ko sa ex ko.

No! I won't risk my career again for my housemaid. She's not worth it. She doesn't even deserves my precious time and love. Baka mamaya e, magiging issue pa ng pamilya ko na pumapatol ako sa isang katulong. Baka maapektuhan pa ang business ng parents ko lalo na ang business at career ko.

Pero kahit anong pilit kong gawin na burahin siya sa isip ko, na dapat at kailangang mawala siya sa huwisyo ko, bakit parang lalo tuloy niyang sinakop ang buong pagkatao ko.

Hindi kaya ginayuma niya ako? Tss! Gusto ko siyang iwasan pero hindi naman kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita at hindi ko nasasabihan.

I was being harsh towards her, pero sa ginawa kong iyon ay nasasaktan din naman ako.

Bwisit!

Nababaliw ka na yata Alexander e! Ano bang hinithit mo ha?

Shabu! Tangna! Nakakabaliw na, daig ko pa ang humihithit ng shabu e! Hayy naku!

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon