EIGHT: Black Belter

39.5K 504 3
                                    

Brianna

Wow! Just wow! Mabait naman pala 'yung bossing ko! Imagine binigay ang buong sahod ko good for 1 month?

May something lang siguro sa buhay niya kaya laging aburido at nagsusungit. Hmmm. Mabait naman pala. Baka din dahil artista ito at pagod lagi sa taping kaya gan'on.

I grabbed my phone at saka hinanap ang number ng nanay ko saka tinawagan.

"Hello! Nay! Kumusta po kayo ni Tatay?"tanong ko pagkadampot ng nanay ko sa tawag ko, buti naman sinagot kaagad ni nanay.

"Ito anak, medyo okay naman na ang Tatay mo. Makakalabas na nga raw kami bukas sabi ng doktor. Kaya lang may babayaran pa sa bill, hindi naman daw lahat covered ng Phil health eh. May mga resita pa."

"Magpadala ako bukas Nay ng ten thousand para makabayad kayo sa bill at makabili na rin ng gamot ni Tatay. Para makauwi na kayo. Si Cholo sinong kasama niya doon sa bahay?"

"Andun muna sa Tiyo Monching mo habang wala pa kami."

"Buti naman kung gan'on Nay. Bukas ng umaga nalang ako maghuhulog Nay, wala na kasing remittances na bukas ngayon gabi na e. Ingat po kayo lagi diyan. Mahal na mahal ko po kayo ni Tatay at ni Cholo."

"Aba eh, anak kailan mo ba balak magbakasyon dito? Dugay na ka dihaa ba (matagal ka na dyan)."

"Kapag may saktong ipon na ako Nay. Magbabakasyon din po ako diyan. Miss na miss ko na kayo riyan e." Sumikip ang dibdib ko, gusto kong umiyak pero hindi pwede. Sa mga weak lang ang iyak iyak na yan. Na-miss ko lang ang pamilya ko sa Leyte kasi ilang taon na rin ako ditong Maynila.

"Ikaw ang bahala nak!"

"Sige po Nay. Ingat po kayo diyan ha. I love you!" sabi ko at saka pinutol ang tawag. Baka kasi kapag hindi ko pa putulin ang tawag ay tuluyan na akong mapapaiyak.

Ang hirap malayo sa pamilya. Pero, dahil sa hirap ng buhay eh wala ka talagang ibang choice kundi ang lumayo sa kanila upang umangat naman sa buhay ang pamilya mo. Kailangan mong magtiis upang mapaganda mo lang ang buhay ng pamilya mo. Lalo na at sakitin na ang tatay ko at kailangan ng maintenance na gamot. Kaya mas pinili ko ang lumayo sa kanila upang matustusan ko ang pang-gamot ni Tatay. Pero minsan inaataken din ako ng pagka-homesick pero nilalabanan ko lang at pilit na nagpapakatatag para sa pamilya ko.

I sighed pagkatapos kong mailapag ang cellphone ko sa sofa.

Wala naman na akong ibang gagawin, tapos na akong kumain. Hindi ko rin alam kung kailan at anong oras ang uwi ng boss ko. Siguradong matagal uuwi 'yun, may shooting daw e, artista pala eh. Hahaha.

Saka nangako ako na magpakabait ako, kaya hintayin ko nalang na makauwi sila noong Valerie na assistant niya. Bayad sa pagpa-advance ng sahod ko. Hehe

Kailangan kong magpakabait.

12 midnight

Wala pa rin sila boss. Ang tagal naman! Kanina pa ako hikab ng hikab dito e. Antok na antok na ako. Hayyy dito nalang muna akong sofa mahiga habang naghihintay. Baka kasi may mga ginawa pa 'yun at inaasikaso kasi laganap na ngayon sa bansa ang kumakalat na virus, at medyo strict na.

"Brie, please let's talk!"

"There's nothing to talked about Philip. Pwede ba? We're already done!"

"I'm sorry if I was a jerk. Pero I want you back Brie. I still love you babe."

"Ewan ko ba sayo Philip, instead of wasting your time following me, maghanap ka nalang ng bago mong lolokohin, h'wag ako pwede ba?"

"No! Babe, I promise, I'll be good this time. Just give me one last chance, please!" pagsusumamo niya.

"Neknek mo! Ilang beses na ba kitang binigyan ng chance? Two? three? No! Six chances ang binigay ko at sinayang mo Philip. Sobrang tanga ko na talaga kapag binigyan pa kita ng chance na alam ko namang hindi mo matutupad! Pangako ka nang pangako, pero wala rin namang nangyayari sa mga pangako mo! Pagod na ako Philip. Please, let me go. Hayaan mo akong mamuhay ng tahimik. Nakakasura na eh!"

"Please Brie! No! I won't let you go!"

"Wag kang obsessed sa akin Philip. You're just wasting your time! Dahil wala ka ng babalikan sa akin." akmang tatalikod na ako dahil may trabaho pa ako at oras na para sa duty ko pero, hinatak ako ng d*m*nyong Philip at bigla akong hinalikan. Buset! Dahil sa inis ko sinampal ko siya. At 'yun ang naabutan ni Mam Loisa. Ang manager ng club na pinapasukan ko.

"Brie kung gusto mong lumandi, unahin mo muna ang trabaho mo. Hindi kita binabayaran dito para lang makipaghalikan ka sa mga lalaking customer diyan. Bartender ka at hindi ka waitress for take out!"

"Sorry madam! It's not my intention naman making a scene eh, aksidente lang naman 'yun madam."

"No! Brie! I think, kailangan mo ng maghanap ng ibang trabaho! You're fired!"

"Naman madam, it is really an accident po. Obsessed lang ang lalaking 'yun sa akin."

"Haba naman ng hair mo but, You don't have to explain Brie. My decision is final. You are fired!"

Agad-agad? Grabe naman! Hindi man lang pinakinggan ang explanation ko! Hindi man lang pinakinggan ang side ko. Kung ano 'yung nakita niya, iyon na? Masyadong judgemental e.

Hindi ko na hinintay pa ang sahod ko, kung may sasahurin pa ba ako dahil dali-dali akong umalis dahil naiinis ako. Lahat ng nadadaanan kong mga bagay, sinisipa ko. Hay makauwi nalang ng boarding house. Tiyak naghihintay na si Caitlin sakin.

Naglalakad na ako papuntang sakayan ng jeep nang bigla akong nauntog sa isang bike tapos naramdaman kong nahulog ako.

Bigla akong napatayo! Bwisit, nakatulog pala ako at binangungot! Kung ano ang eksaktong nangyari sa amin ni Philip ay iyon talaga ang napapanaginipan ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko kung anong oras na. Eh, alas dos na ng madaling araw pero wala pa ang amo ko.

Hayss! Saan na kaya 'yun. Aakyat na sana ako sa taas para matulog nalang, ngunit nakarinig ako ng kaluskos sa may bandang maindoor. Eh kung ang amo ko 'yun, dapat nakabukas ang ilaw, pero hindi e. Nanatiling madilim sa may bandang pintuan. Kaya naman ay mabilis kong kinuha sa may kusina ang baseball bat. Ang golf club sana 'yun pero nasa may bandang pintuan 'yun sa may main door kung saan door ako nakarinig ng kaluskos.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa sala nang makasalubong ko ang akyat-bahay, sigurado akong magnanakaw 'to. Kaya naman ay buong lakas ko siyang hinataw ng baseball bat! At nagsuntukan pa kami. Hindi man lang siya natumba sa pagkahampas ko sa kanya ng baseball bat.

Noong nahawakan ko 'yung kamay niya at bigla siyang napa-aray ay mabilis kong binuksan ang ilaw dahil familiar sa akin ang boses niya.

Patay ka Brianna Shane!

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now