SIX: Cash Advance is Real

42.1K 581 47
                                    

Brianna

Hay!! Nasaan na ba ang gwapo kong bossing para ma-rape. Chus!

Mangungutang ako uy! Pero speaking of the devil, andito na siya at hindi lang siya mag-isa. May kasama siyang prinitong hipon. Muahahaha.

Ngumiti ako ng napakatamis-tamis pero sinimangutan lang ako ng hipon.

"Valie, alam mo na gagamitin kong mga damit mamaya, ikaw na ang bahala." sabi ng boss ko doon sa kasama niyang may coca-cola body, pero sakto lang ang mukha.

Hindi naman sa panglalait pero totoo naman. Hindi rin naman ako kagandahan at sexy. Mas maganda pa nga  ang katawan niya kesa sa akin e. Pero medyo angat naman ng kaunti ang mukha ko. Kumbaga, kung siya'y hipon ako naman ang bangus! Chars!

"Opo boss Lex!" sagot ni hipon. Mukhang bisaya like me, kung magsalita kasi siya ang tigas eh, singtigas ng mukha niya! Ay mali singtigas pala ng mukha ko. Muahaha. Tumingin si hipon sa 'kin. Nagtaka yata kung bakit pangiti-ngiti ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Ang taray ko.

"Hoy! Hindi bagay sayo ang magtaray dai!"tumaas ang kilay din na saad niya sa akin.

"Hindi ako "hoy", may pangalan ako, I'm Brianna dai hips."

"Unsay hips ka diha?(anong hips ka diyan)"

"Wala miss Valientuwad!"

Nagtaka yata siya. Haha parang nawala sa mundo niya sandali e.

"Bisaya ka?"tanong niya.

"Hmm yup! Ngano?(bakit?)"

"Wala! Hmm diyan ka na nga!"sabi niya at akmang aalis na pero pinigilan ko siya.

"Teka dai! May itanong lang ako sayo sandali."

"Ano ba 'yun?"

"Ano ba name ng boss natin?"

"Hahaha! Hindi mo alam? Pumasok ka dito na hindi man lang inalam ang pangalan ng amo mo? Tss! Nanonood ka ba ng TV dai?"

"Oo naman! Disney Channel." totoo naman na sa cartoons channel lang ako nanonood e.

"Hay, naku! Siya si Lexus Madriaga Fuentebella, sikat na artista dai!"

What? Sikat na artista? Yung boss ko? Artista? Weeh? Na-shookot ako mga bes. Nakanganga pa ako sa shock!!!

"Oh! Bunganga mo mapapasukan na ng langaw!" sabi ni Valie at iniwan ako.

Pakending-kending parang nabalian lang ng balakang. Hahaha! So ano 'yun si Valie? Manager? Pero hindi bagay sa kanya ang manager.

Hehe makapag luto na nga ng pang hapunan, dami ko ng pinapansin na hindi naman dapat pansinin.

Ano kaya ang gustong kainin ng boss kong artista pala. Wala naman kasing sinabi eh about sa cooking cooking ko. Ako na ang bahala!

Feel at home lang Brie! Kaya mo 'yan!

So, ang naisipan kong lutuin ay ang specialty ko, Chicken Adobo in pineapple kasi mabilis lang lutuin. Saka nag-beef tapa na rin ako. Gusto ko sanang lutuin lahat ng nasa ref ni boss hehe. Daming stocks eh.

Well, I'm the best cook in town aside sa pagiging bartender ko. Graduate ako ng HRM sa University of Cebu. Pero mas interested ako sa bartending kasi I find it challenging lalo na sa wine mixing.

Black Belter rin ako sa sinalihan kong martial arts club during my college days. Ngunit mas pinili ko talaga ang bartending eh. Pero nagagamit ko din naman ang pagiging black Belter ko for self-defense.

Subalit ito 'yung ending nagiging housemaid ako. Kung wala lang kasi akong iniiwasang tao eh. Baka kasi hanapin ako sa ibang clubs kasi alam niyang bartender ako. Well, dito hindi niya na ako mahahanap diba?

May advantage din naman ang pagpasok ko bilang isang housemaid, kasi hindi na ako mapupuntahan ni Philip. Ten kiaw a month ay hindi na masama. Libre rin naman kasi ako ng bahay, pagkain at tubig at pati na WiFi. Hehehe Bahay ba 'to? Mas mukha kasi siyang hunted house eh. Walang ibang tao. Ako lang madalas ang nandito. Ang hirap pala kapag artista ang amo mo at binata pa, kasi ako lang lagi ang mag-isa dito sa malaking bahay niya. Hayy!

Tapos na akong magluto at timing naman na bumaba na si bossing at iyong manager aka alalay pala, kasi siya ang may dala lahat ng gamit ng amo namin e. Parang natatae na siya sa bigat ng dala niyang mga gamit ng amo namin. Hindi man lang tinulungan ng amo namin kahit 'yung mukha ni Valie nalukot na. Hmmp!

"Sir boss! Kain muna kayo!" tawag ko at dali-dali akong naghain sa mesa.

Tumalima naman sila ni Valie. Inilapag muna ni Valie sa sahig ang kanyang mga dala at saka nagtungo ng mesa. Sumunod naman ang amo ko na inaayos pa ang suot nitong long sleeve. Naunang umupo si Valie at mukhang gutom na kasi nagsandok kaagad siya ng kanin at naglagay ng ulam sa pinggan niya. Tumabi naman sa pag-upo ang amo ko kay Valie at nagsandok na rin ng isang kutsarang kanin. Oo mga bes, isang kutsara lang ang sinandok niyang kanin. Diet lang ang peg!

"Umupo ka at kumain ka na rin!"sabi ni boss sa 'kin. Ayy! Kiligin na ba ako? Ngisay na dzai? Bigti na? Hindi naman pala masyadong masungit si sir, mukhang concern pa na baka gutomin ako. Charoot!

Kakain na sana ako e at tatabi sa pag-upo sa amo ko, pero iniisip ko pa rin talaga 'yung uutangin ko. Hay! Paano ba 'to? Paano kapag hindi ko madala sa pa-cute at puppy eyes- puppy eyes? Paano kung ayaw akong pautangin? Eh pang dalawang araw ko pa lang dito e. Anong gagawin ko? Paano kung hindi naman ako pauutangin anong maipadala kong pera sa mga magulang ko? Paano ang maintenance na gamot ni Tatay? Hayy!

Nagtataka yata ang boss ko kung bakit hindi pa ako umupo. Tinignan niya ako ng bakit-hindi-ka-pa-umupo-look.

Ngingiti-ngiti lang ako. Kinakabahan pa rin kasi talaga ako e. In my entire existence ditong Earth, ngayon pa lang ako kinabahan sa harapan ng amo ko. Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niyang naglabasan na ang pawis ko sa mukha.

"Ano? Hindi ka ba kakain? Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang? Pinagpawisan ka oh!" concern niyang saad sa akin.

Naku! Kung alam mo lang boss kung bakit ako pinagpawisan, mangingisay ka!

Nilakasan ko nalang ang loob ko na magsabi kay boss. Mas importante ang gamot ng tatay ko kaysa kaba ko! Bahala na!

"Ah eh, boss! Puwede po bang mag-cash advance ng five kiaw? Kasi..."hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi napaubo si sir at 'yung kinain niya sumabog lahat sa mukha ko. Like WTF???

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now