THIRTEEN: He is Jealous

37.7K 579 9
                                    

Lexus

I was about to go downstairs, kasi dumating na daw ang elder sister ko.

Sakto namang pagkalabas ko ng kwarto ko ay bumukas naman ang pintuan ng katabing kwarto ko.

Napanganga nalang ako bigla.

She's wearing a red off-shoulder dress, na pinaresan din ng red stiletto. Nakalugay ang mahaba at matingkad niyang buhok. And she's just wearing a light lipstick na pasa sa standards ko.

Kitang-kita ko ang magandang curves niya. Goodness! She has the perfect curves. There's something in me na nabubuhay na naman.

Fvck! Awat Lexus!

Lalapitan ko na sana siya para sabihing she looks beautiful and stunning, pero bigla siyang nadulas sa hagdanan pababa. Mabilis akong bumaba para sana itayo siya at alalayan.

"Oh! Careful there beautiful babe!" 'twas my cousin Terrence. Naunahan ako.

Parang kumukulo ang dugo ko nang makita ko 'yung kamay ng pinsan ko na nakahawak ang kamay sa baywang ni Brie. Tumikhim ako para sana mapansin nila ang existence ko. At hindi nga ako nagkamali, lumingon sa akin si Terrence.

"Lexus!" tuwang-tuwa siya pagkalingon niya sa kinatatayuan ko, pero ako? Naiinis ako sa pagmumukha niya. And I don't know why!

"Hi there Tee!"sabi ko sabay fist bump sa kanya, bilang pakikisama dahil pinsan ko rin naman siya.

Narinig kong nag-excuse si Brie sa amin ng pinsan ko. Pero I just ignored her, maliban nalang sa pinsan ko na parang naka-mighty bond ang paningin, dikit na dikit kay Brianna!

Dukutin ko ang mata nitong gagong 'to e. Lagkit makatingin sa housemaid ko!

Selos ka lang!

As if! Tss!

"Whose that girl cous? Parang ngayon ko lang siya nakita!" turo pa niya sa paalis ng si Brie.

"My housemaid!" wala sa mood na sabi ko.

Parang hindi siya makapaniwala na housemaid ko 'yung pinagka-interesan niya.

"You're kidding me!" natatawa pa siya sa sinabi ko.

"I'm not joking around here Tee!"

"C'mon bro! She doesn't look like a housemaid! She's goddamn beautiful and gorgeous! She has the stunning looks tonight, cous!" natatawa pang saad niya.

Tss! Napailing na lang ako. Itapon ko to sa bukana ng bulkang taal sa kaka-beautiful nito e. I just shrugged mu shoulders at niyaya ko nalang siya sa labas.

But, here comes my elder sister. She looks so perfect in her black cocktail dress na above the knee lang ang haba, na pinarisan ng stiletto na black din. Edi siya na!

Maingay na sa may garden ko, ewan ko kung garden pang matatawag 'to. Wala naman kasing mga tanim. Aalis na sana ako papuntang garden nang tawagin ako ng maganda kong kapatid. Tss! I hate it when she's here. She will treat me like a kid na naman.

"Alexander!"

Oh! That bratty sister of mine. Napailing ako sabay lingon. Nginitian ko lang siya. Nag pout pa siya palapit sa akin at open her arms to hug me.. kaya wala akong magawa kundi yumakap pabalik.

"Oh! I miss you lil bro!" Ito na naman siya. Pahalik-halik na naman kung saan-saan sa mukha ko. Nakakairita na 'to!

"I miss you too here big sis! But, please stop kissing me like you are my loyal dog, Tss!"

She just laughed.

"Anak!" It's my mom and Dad.

Saved by them. Thank God! After naming mag-usap na magkapatid at ng parents ko, ay iniwanan ko na sila. Ayokong kulitin na naman ako ng kapatid ko na 'yun. At higit sa lahat, ayaw kong banggitin na naman nila ang tungkol sa pag-aasawa at paghingi ng isang apo.

Everybody is now busy enjoying their selves nang makapasok akong garden.

"Lex!" tawag sa akin ng pinsan kong si Terrence. Lahat nalang ba may tumatawag sa akin? Tss!

"What?"

"Look whose your bartender tonight? Sabi mo housemaid eh, pero bartender naman pala."saad niya.

Nagtataka ako sa sinabi niya kaya pumunta kaagad ako sa bar section kung saan naroon ang mag-serve ng drinks sa mga bisita ni Alexa, and I saw her there.

She's busy sa pagmi-mix ng mga drinks. Hawak pa niya ang isang cocktail shaker niya nang mapadako ang tingin niya sa amin ni Tee na ngayon ay nakatitig sa kanya.

Hinila naman ako nitong pinsan ko papunta doon sa kinaroroonan ni Brie.

"Hi beautiful! Bloody bull please!" nakakindat pang saad nitong pinsan ko.

Hinanda naman ni Brie ang vodka, beef bouillon, lemon, tabasco sauce, and worcestershire sauce. And ready to mix na.

Kaya ni Tee ang lasa niyan? Tss!

"Beautiful? Hindi ba mukhang mambabarang sir?" nakangiting sagot niya kay Tee habang mapang-uyam na nakatingin sa akin. Napaubo ako bigla.. Fvck!!

"Of course not! You're stunningly beautiful and gorgeous to be exact Miss?"

"It's Brie sir!" nakangiting pakilala niya sa pinsan ko. Tss!!

I was amazed.

Okay aaminin ko na na-amazed ako kasi napakagaling niyang maghagis ng mga bote sa ere at timing na timing ang pagsalo niya dito sabay lagay sa wine glass at shot glasses.

Ano pa ba ang tinatago ng housemaid ko na 'to? Kabahan na ba ako? Paano kapag isa pala itong hired killer na gustong pumatay sa akin? Malinaw pa sa alaala ko ang ginawa niyang pagkarate sa akin at paghampas ng baseball bat sa ulo ko. Baka isa itong hitwoman!

OA lang Lexus? Wala ka namang kaaway!

"Jagerade!"sabi ko na hindi nakatingin sa kanya. Bakit ba? Nahihiya ako eh.. Anshabeee!

"Ano pang kaya mong i-mix na drinks beautiful?" tanong pa ni Tee dito na halos huhubaran na ang housemaid ko.

"Sex on the beach, bloody mary, snake bite at mga cocktail drinks, at marami pang iba!" nakangiting sagot naman ni Brie kay Tee na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Pag-uumpugin ko kaya ang dalawang 'to! May itinatago yata ang babaeng 'to e.

How on earth did she knew how to mix a drinks? Shake a cocktail drinks in her cocktail shaker?

"Wow!! Pero alam mo ba beautiful, sabi nitong pinsan ko housemaid ka raw niya!"

Napailing na lang ako.

Lalaki ba 'tong pinsan ko? Mukha kasing binabae eh, matabil masyado ang nguso sarap ingudngud! Masyadong Marites!

"I am his housemaid sir!" Sagot naman ni Brie at napa OH nalang at nakangiting tumitingin sa akin.

Ano ha? Shock ka din pinsan???? Bawasan ang kape ha!

I shrugged my shoulders and sip my Jagerade why secretly looking at her.

She's beautiful indeed!

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now