EIGHTEEN: I Love You

37.5K 934 12
                                    

Lexus

What just I did? Napasapo ako ng ulo ko habang nakaupo sa kama ko. Fvck! I acted weird tonight!

I dunno why, pero, naiinis talaga ako kanina sa pakikipagharutan ni Brie doon sa customer niya sa counter ng bar.

Pilit ko man siyang iwasan ay hindi ko magawa. Hindi mo talaga pwedeng kalabanin ang nararamdaman mo, dahil, ikaw din at ikaw rin ang masasaktan in the end.

You have to follow your heart, no matter what.

Bakit? Lexus sinunod mo ba ang puso mo?

'Yun lang! Ilang beses na ba akong nagbalak na magtapat sa kanya tungkol sa nararamdaman ko, pero hindi nangyayari? Hayy! Baka maunahan na talaga ako nito e.

Kinabukasan, I saw Brie watering her plants. Yeah! Pinayagan ko na rin siya na magtanim sa garden ng mga bulaklak. Kasi daw nagmukha ng hunted house 'tong bahay ko. Tsk!

"Brie!" I called her in my baritone voice. Lumingon siya and stared at me.

"Come inside, we need to talk!" dagdag ko pa nang hindi siya umimik.

Iniwan niya muna ang balde na may lamang tubig sa labas at saka pumasok sa loob ng bahay.

As we entered the house, I quickly grabbed her and kiss her red pouty lips. Shocked was drawn to her face. I licked her lips trying to convince her to response my kisses.

"Anong ginagawa mo sir?" she tried to talked between our kisses. I looked at her habang hinahawakan siya sa kanyang mukha.

Makikita mo sa mga mata niya na nabibigla siya sa ginagawa ko.

"Kissing you??"patanong na sagot ko.

"Kaya nga! Bakit mo ako hinahalikan?" Aniya na naiinis.

"Bakit ba hinahalikan ng isang lalaki ang isang babae?"tanong din ang sagot ko sa kanya

"Dahil sa tawag ng hinaharap!"singhal niya sa akin. Napatawa ako sa sinabi niya. What?? Tawag ng hinaharap? Silly!

"No, it's not called tawag ng hinaharap." I said with amusement in my eyes looking at her. "It's when a man love or like his woman!"

"Pero, in our case, it's impossible sir!" aniya.

"I like you, and its all that matters!" I said staring at her.

Bumuka 'yung baba niya sabay hagalpak ng tawa. Tawa siya ng tawa, luhang-luha na nga siya sa kakatawa sa akin e.

"You like me???" hindi makapaniwalang tanong niya habang tumatawa pa rin. May pahampas hampas pa siya ng kamay.

I tsk-ed at bigla ko siyang yinapos at hinalikan ulit. Itinulak niya ako, pero patuloy pa rin ako sa paghalik sa kanya. Halos mapugto ang mga hininga namin ng magkahiwalay kami.

"Do you think I'm kidding woman!?" I hissed.

"Probably!" she teased. I tsk-ed habang hinawakan ang siko niya at iginiya sa sofa.

"I love you Brie.." I said habang nakaupo kami sa sofa.

"Love my ass! 'Di ba nga sabi mo, nandidiri ka sakin? Na kahit boses ko pa lang pinandidirian mo?" sabi niya habang nakatutok ang mga mata sa TV.

"Hey! I'm serious! I am sorry for what I've said to you back then. I just want to avoid you, kasi ayokong mas mahulog pa sayo." I told her at bahagyang inangat ang ulo ko at tiningnan siya.

"Wala ka bang shooting ngayon?"pag-iiba niya ng usapan.

"No! I was planning to quit showbiz thou." I shrugged.

"Quit? Are you kidding me?"

"No! I'm not joking around baby, same as I'm not kidding when I said I love you."

Bigla siyang napaubo, and cleared her throat afterwards. Pero 'yung paningin niya nasa pinapanood niyang cartoons ni hindi man lang ako binalingan ng tingin.

"Bakit cartoons pinapanood mo?"tanong ko.

"Fan kasi ako ni Tom & Jerry! At hindi mo ako fan, saka hindi naman kasi nakakatawa 'yung mga scene niyo, at OA ang actingan niyo!" sabi niya at binibelatan ako. Stubborn!

"Ah ganun?" sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya. Nagulat siya, kaya kiniliti ko ng kiniliti. Napatili siya kaya napuno ang sala sa tilian at tawanan naming dalawa.

"I love you na nga kasi Brie.." nakangusong saad ko sa kanya habang nakasubsob ang mukha ko sa liig niya. Hmm bango.

"The feeling is not mutual!" she said seriously. Nanlaki ang mata ko at hinarap siya sa akin.

"No! You can't say that. I know, the feeling is mutual because you responded my kisses!"

Biglang siyang napatikhim at kaagad na namumula ang mukha na parang kamatis. Aww she's cute!

"You're forcing me kaya. At saka, dalagang pilipina ako, minsan, marupok.." she pouted.

Napahagalpak ako ng tawa sa sinasabi niya. She's amusing.

"Yeah, I know you're a marupok. Ikaw nga 'di ba ang unang nanghalik sa akin?" sabi ko kaya napalingon siya sa akin.

"Ano? Ang kapal mo huh? Kailan kita hinalikan? Kapal neto!"

"Remember that night na may muntikan nang mangyari sa a----" hindi ko natapos ang sasabihin mo nang bigla niyang takpan ang mga bibig ko.

I chuckled.

"Naalala mo 'yun?"tanong niya na namumula ang mukha.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

"Shit.."halos pabulong na saad niya.

"Don't worry, mahal naman na kita noon pa, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsabi sayo na mahal kita. Baka maunahan pa ako ng iba e. Natatakot lang ako sa puwedeng mangyari sa ating dalawa kaya natagalan bago ako umamin. That night, I was already into you. May nararamdaman na ako n'on sayo noon pa mang niyakap mo ako n'ong binigyan kita sa unang sahod mo.."mahabang saad ko.

"Talaga?"

I nodded.

"Huli ko lang na-realize na mahal na pala talaga kita. Akala ko nga babae lang ang makakaramdam noong tinatawag nilang butterflies in your stomach, pero hindi pala. I have that feeling everytime na makikita kita. Kaya ginawa ko ang lahat para maiwasan ka, pero ang lakas talaga ng gayuma mo sa akin e."

She hissed.

"Gayuma? Hoy! Wala akong gayuma gago ka!"inis na saad niya.

I chuckled. "I love you.."sabi ko.

She pouted, ang sarap halikan.

Tinapos namin ang pinapanood niyang Tom & Jerry bago napagdesisyonang kumain sa labas together. I'm just hoping na tuloy-tuloy na ang sayang nararamdaman ko ngayon..

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now