FIVE: First Clash

44.4K 630 10
                                    

Brianna

Pagkatapos kong kumain at maghugas ng pinggan, ay umupo muna ako saglit kasi bawal daw magtrabaho agad kapag busog ka pa. Iyon ang sabi ng parents ko. Charoot!

"Hoy! Anong inupo-upo mo riyan? Magtrabaho ka na! Tapos ka ng kumain diba?"

Nagulat ako nang bigla nalang may sumigaw sa akin. Tss! Parang pinaglihi sa megaphone ang bunganga nitong amo ko ah. Hay, ang lakas ng kabog ng dibdib ko akala ko may sunog na e.

"Saglit lang sir. Busog pa kasi ako. Baka sasakit ang tiyan ko kapag mag-trabaho agad ako."

"Wala akong pakialam! Just go! Linisin mo na 'yung garahe pati 'yung kotse ko, nangamoy panghe na 'yun! May lakad ako ngayong hapon!"

"Ay! Parang asawa lang sir? Nagpapaalam sa 'kin?" nakangiti kong saad sa kanya. Kinindatan ko pa siya sa lagay na iyan ha!

At 'yung mukha niya? Nalukot! Epiccc! Hahaha

"Dream on manang! Asawa? Huh in your dreams! Mabaliktad man ang mundo hindi ko magagawang pumatol sayo noh? Tignan mo nga ang sarili mo!" sabi niya.

Wow! Ang sakit n'on ah. Gwapo nga, pangit naman ng ugali! First time kong nainsulto sa 28 years of existence ko sa Earth.

"Hahaha defensive masyado si sir. Joke lang naman 'yun e. Malay natin diba, bilog kaya ang mundo sir. Pangit man ako sa'yong paningin, maglalaway ka rin! Hay naku! Maglilinis na nga ako."iyon na lang ang sinabi ko para matakpan ang sakit na nararamdaman ko.

Shit! Bakit nasaksaktan ako sa pang-iinsulto niya sakin?Parang tinusok ng karayom ang puso ko.

Pero charot lang! Kailangan kong magpakabait kasi uutang ako sa kanya mamaya ng five kiaw para ipadala sa parents ko. Hay! Hindi naman sana talaga ako papasok bilang katulong e, kung hindi rin lang dahil sa parents ko. Kailangan ko kasing magpapadala ng pera buwan-buwan dahil naka-maintenance ng gamot ang mahal kong tatay.

Kung hindi rin lang dahil doon sa obsessed customer doon sa bar na pinapasukan ko, hindi rin sana ako mapunta rito.

Yeah! I'm a professional bartender here. Nagka-problema lang kami noong manager kasi ayaw niya akong payagan na mag resign. Kasi nga may isang customer doon na obsessed sa akin. He's my ex actually. Kung saan ako, nandoon din siya nangungulit sa akin. Kaya ang last sahod ko ay hindi pa ibinigay sa akin n'ong amo ko. Pwede ko naman isumbong sa DOLE 'yun, pero ayaw ko ng gulo kaya mas pinili ko nalang ang manahimik. Hayaan na ang karma ang pumatay sa kanya! Charot!

Pagkatapos kong maglinis at maghugas ng kotse ng amo ko, pumasok na ako sa loob para tignan kung ano pa ang  pwede kong gawin doon. Pero bago pa man ako makapasok, may narinig akong nag-doorbell. Maybe it's Caitlin na. Dali-dali kong tinakbo at binuksan ang gate. And yeah! It's Caitlin, my cousin.

"Cousss!!" Tili ko habang sinalubong siya ng yakap. Yumakap din siya sa akin.

"OA naman nito. Two days pa lang naman tayong magkahiwalay!" nakangiting saad niya.

"Siyempre namiss kita e."

"Oh! Ito na ang mga clearance mo.." sabay abot sa 'kin ng isang envelope.

"At eto na rin ang maleta mo! Tss." dagdag na saad niya sabay abot din ng maleta ko.

"Yay! Thanks Caitlin! I owe you this time. Thanks talaga."

"Don't mention it! So how's your work here? Okay lang ba? Nakapagpadala ka na ba kina Tiyang at Tiyong?"

Sinimangutan ko siya. "Hindi pa nga e! Hindi pa kasi ako nakapagsabi sa boss ko!"sabi ko sa kanya.

"Ay! Bakit? Masungit ba? Hindi mo ba ginamit 'yong dating gawi natin?"

"Tss! Hindi umubra dai! Hindi lang siya masungit dai, parang may toyo ang utak, oras-oras nireregla!" nakasimangot na tugon ko sa kanya. Ang bruha humagalpak ng tawa. May pahampas hampas pa ng kamay ang gaga.

"Oh bakit? Hindi ka naniniwala na ang boss ko oras-oras nireregla, sa dami ng toyo niya sa utak?" Malakas kong sambit.

"At sinong may toyo sa utak Manang Brie?"

Paktay! I'm so dead meat! Naririnig niya!

"Ah 'y-yung Ex-boyfriend ko S-sir!" nauutal kong saad at nag-alangan akong tumingin sa kanya. Patay talaga ako kapag narinig niyang siya ang tinutukoy ko doon.

"Ah! Oo nga! Tama! Ex-boyfriend ni Brie may toyo sa utak sa sobrang pagmamahal kay Brie, sir." sabat naman ng maganda kong pinsan na nag-aalangan kung ngingiti ba sya o iihi sa tense. Muahaha. Salbahe eh noh?

"Ah! Siya nga pala sir, she's Caitlin, pinsan ko po. Caitlin si Sir, amo ko."pagpakilala ko sa kanila. Pero 'yung dem*nyitong boss ko tinignan lang ako ng masama at lumabas ng gate. Walang paki ang peg. Saan kaya pupunta 'yun? Hindi dala ang sasakyan niya.

So, meaning ginawa niya lang pala akong carwasher? Tss!

"Uy! Brie ha! Hindi mo sinabing gwapo pala ang boss mo." nakangiting saad ni Caitlin na tinutudyo ako.

"Hoy bruha! 'Wag ka ng lumandi, engaged ka na!" Sinimangutan ko siya. Tumawa ang gaga.

"He's all yours cous! Haha. Gotta go! Hinihintay na ako ni Doms my labs! And be reminded na mag cash advance ka today sa boss mo! Bye cous." And she waved goodbye.

Pano ba ako mag cash advance? Eh first day ko pa lang today! And kita niyo naman ang topak ng boss ko. Hayy! Bahala na. Lahat ng daluyong kalabanin ni Gabriela para sa pamilya. Anong connect te??

Pagkatapos kong maisara ang gate ay pumasok na ako sa loob ng bahay para matulog! Chus! Maglilinis pa ako ng kwarto ng boss ko.

Kinuha ko muna ang vacuum at feather duster bago umakyat sa kwarto ng boss ko.

Pagkapasok ko ng kanyang kwarto, mapapa-Oh my God ka nalang sa sobrang kalat. Hindi naman literal na makalat, 'yong sakto lang. Hehehe.

Tiningnan ako ang lagayan ng kanyang mga labahan at itinabi ko muna para malinisan ko ang buong kwarto. Pagkatapos kong maglinis, ay isinunod ko namang linisin ang banyo.

Nang matapos ako ay binitbit ko na ang laundry basket pababa saka dinala ito sa may laundry area.

Binalikan ko muna ang vacuum cleaner at ang feather duster saka bumalik sa laundry area.

Inamoy ko muna ang mga labahan bago inisa-isa at pinaghihiwalay ang mga puti sa mga de-kolor.

Hayy, buhay! Ganito pala talaga kapag katulong ka— all around!

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now