TWENTY-FIVE: Asking Forgiveness

35.3K 647 7
                                    

Brianna

"I love you Brie.." saad ni Lexus while we're in his bed.

"I love you too Lex.." nakangiting saad ko sa kanya habang yakap ko siya sa liig.

"Huwag mo 'kong ewan ha! Kasi, I can't breath without you Brie. You're my oxygen you know." aniya sabay kindat. Napatawa ako sabay tampal ng braso niya.

"O.A nito. Pumunta kang hospital maraming oxygen doon." biro ko sa kanya pero deep inside jusko matutunaw na ako sa kilig.

"Ayaw.. mas gusto ko ikaw e. Hindi ako makakahinga kapag mawawalay ka sa akin.."he pouted.

Napailing nalang ako. Pero bwisit, 'yung kilig talaga e, hindi ko mapigil-pigilan! Anubey!

"Kahit naman pupunta akong hospital, hindi parin ako makakahinga kung hindi 'yung oxygen mo ang masisinghap ko. Kaya huwag mo akong ewan Brie ha? Para lagi akong makahinga. I love you so damn much.."

Liar! Ako naman si dakilang tanga at naniniwala ako sa kasinungalingan niya. Bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin siya namamatay kung ako pala ang oxygen niya? Tss!

Kinuha ko ang cellphone ko at itinext kay Caitlin ang address ko. Buti nakasakay kaagad ako ng taxi kanina dahil muntik na akong maabutan ng buwisit na lalaking 'yun.

I was wearing a simple maternity dress, yet elegant. Kahit ukay-ukay lang solve na, sexy pa naman ako kahit medyo malaki na ang tiyan ko.

Nagmadali akong lumabas ng apartment ko nang ma-receive ang text ni Caitlin.

Nang makalabas ako, kita ko ang gulat sa mukha ni Caitlin nang makita ako.

"Long story, usap tayo mamaya." ngiti kong saad sa kanya at mabilis na pumasok sa kotse niya. Aba! May kotse na ang gaga. Sosyal na.

Wala kaming imikan sa biyahe.

"Talk.." aniya nang makarating kami sa isang korean restaurant na pinuntahan namin. Papatikim niya daw sa akin ang paborito niyang korean foods. Mag samgyupsal daw kami.

Napabuntong-hininga akong nakatingin sa kanya. She's really pissed off nang sinabi ko sa kanya ang lahat.

"That jerk!" inis niya pa ring saad habang uminom ng tubig.

"Alam na ba nila tiya 'yan?" tanong niya at itinuro ang tiyan ko.

Umiling ako kaya napabuntong-hininga siyang nakatingin sa akin.

"Kung maaari Cait, wag mo munang ipaalam kina tatay at nanay."

"Pero Brie.. your parents need to know. You're suffering here, and yet, sinasarili mo ang problema mo!" she's pissed.

"I can manage.." sabi ko.

"Manage? Lokohin mong lelang mo Brianna Shane! Look at yourself, malaki na ang tiyan mo for Pete's sake! Paano kapag may mangyaring masama sa inyo ng baby mo? Sinong tatawagin mo aber?"

"May naipon naman na ako para sa paglabas ni baby, saka may mga kaibigan naman ako sa bar na pwede kung hingian ng tulong just in case mag-labor na ako."

She sighed habang naaawang nakatingin sa akin.

"You're so stubborn Brie..sana sinabi mo 'yan kina Tiya.."

"Ayokong mag-alala sila sa akin Cait, kaya please huwag mo munang sabihin sa kanila."pagmamaka-awang saad ko sa kanya.

Napabuntong-hininga nalang siya sabay iling.

Falling For My Housemaid ( COMPLETED)Where stories live. Discover now