Kabanata 12

182K 12.1K 15.1K
                                    

[Chapter 12]

"P-PASENSIYA na..." aalis na lang dapat ako ngunit napatigil ako nang makita ko kung sino ang nililiitis ngayon sa hukuman. Nakaluhod siya sa harap, nakatali ang kaniyang kamay sa likuran at may espadang nakatutok sa kaniyang leeg na hawak ng isang heneral.

"Ano ang iyong pakay dito?" seryosong tanong ng punonghukom na kung hindi ako nagkakamali ay si Hukom Unotario Hobillo. Nasa edad animnapu pataas na ito, kilala ito bilang isang matapang na hukom na matindi magpabigay ng hatol.

Nagpabalik-balik ang aking mga mata sa punonghukom, sa mga tao, sa heneral na nakatayo sa gitna at may hawak na espada at kay Sebastian na nakaluhod at nakagapos ang mga kamay.

Nasa ika labing-limang kabanata na nga kami kung saan, natalo ng mga rebelde ang hukbo at nasamsam nito ang mga armas, kagamitan at pagkain sa kwartel.

At dahil sa nangyaring iyon, mas lumakas ang pwersa ng mga rebelde. Ginamit din itong pagkakataon ni Roberto na anak ni Don Severino upang palabasin na may kinalaman si Sebastian kung kaya't nakuha ng mga rebelde ang lahat ng gamit sa kwartel. Napatingin muli ako sa heneral na nakatayo at siyang may hawak na espada sa tapat ng leeg ni Sebastian, siya na ba si Roberto?

"Dalhin ang babaeng 'yan sa bilangguan" utos ng punonghukom dahilan upang matauhan ako. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala sinagot ang tanong niya dahil pilit kong iniisip ang buong pangyayari.

"Ah, sandali! Naliligaw lang po talaga ako, hindi ko alam kung saan ang daan palabas---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil lahat sila ay gulat na nakatingin sa akin. Agad tinakpan ng mga kababaihan ang mata ng kanilang asawa.

Napaiwas naman ng tingin ang mga kawal, hukom Unotario at heneral Roberto. Maging si Sebastian ay napayuko. Nagsimulang magbulungan ang mga babae, parang gusto nila akong ibaon sa lupa mula sa kanilang mga tingin.

Dahan-dahan akong napatingin sa aking suot. Dalawang beses akong nakapurap dahil ang suot ko ngayon ay isang red off-shoulder na long fitted gown at may mahabang slit sa gilid. Kitang-kita ngayon ang balikat at ang binti ko!

"¡ sal de aquí!" (Get her out of here!) sigaw ni punonghukom Unotario, agad naman akong dinakip ng mga guardia. "Sandali! Wala akong kasalanan! Hindi ko alam ang daan palabas! Maniwala kayo sa'kin!" sigaw ko habang hinihila ako ng dalawang guardia papalabas at isinarado na ang malaking pinto ng hukuman.

"ARAY!" itinulak nila ako ng malakas papasok sa isang selda. Kumpara sa dati kong kulungan, mas malaki ito at may makakapal na rehas na gawa sa bakal. Halos anim na selda ang nasa loob ng hukuman. Buti na lang hindi nila ako dinala sa Fort Santiago, siguradong may silid sila roon para sa pagpaparusa.

Umalis na ang apat na guardia, agad akong gumapang at humawak sa rehas. Mukhang walang ibang bilanggo dito bukod sa'kin. Bakit ba lagi na lang ako nakukulong sa kwentong ito?

Napalingon ako sa maliit na bintana sa loob ng selda, nag-aagaw dilim na. Tama nga ang hinala ko, kapag nandito ako sa loob ng kwento, naaalala ko lahat. Pero kapag nakalabas na ako sa nobelang ito, nakakalimutan ko ang lahat ng nangyari.

Napakagat ako sa aking ibabang labi. Marami akong binago at dinagdag sa new version ng Salamisim. Major editing ang ginawa ko rito. Siguradong mas maiipit ako sa panig ng mga rebelde at kagustuhan ni Sebastian.

Kung nasa chapter 15 na nga kami, buwan na ng Nobyembre. Halos dalawang buwan ulit ang lumipas. Anong sasabihin ko sa kanila? Bakit ako nawala ng gano'n katagal?

Ilang sandali pa, dumating muli ang mga guardia, pero sa pagkakataong ito ay hawak nila si Sebastian. Binuksan nila ang bakanteng selda na nasa tapat ko at hinayaang pumasok sa loob si Sebastian.

Salamisim (Published by Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon