6th

1.8K 44 4
                                    

6th



Hindi ko nasikmura ang binitawan na mga salita ni Celine. Mabilis ko siyang tinalikuran upang tumakbo patungo sa pinakamalapit na banyo. Daredaretso ako kahit may nababangga nang mga tao. Kahit may nakapila sa labas nito ay pumasok agad ako sa isang cubicle na kalalabas lamang. Narinig ko ang ilang pagsinghal ng mga nakapila.

Sakto na nakatapat na ang mukha ko sa bowl nung tuluyan na akong masuka. Nangilid ang mga luha ko sa halo halong emosyong nararamdaman. Idagdag ang sakit ng lalamunan ko na kakasuka kahit wala nang maisuka.

I reached for the toilet paper. Kumuha ako at pinunasan ang bibig ko.

Celine's words still echoed in my ears. Nanginig lalo ang katawan ko. Mas diniin ko pa ang pakakatakip sa bibig para hindi kumawala ang mga hikbi. Napasandala ko sa pader at hinayaan na lumandas ang mga luha sa aking mga mata.

Indeed, demonyo nga ako. Totoo ang sinabi niya. Nagawa ko iyon sa sobrang kagustuhan na mapunta sa akin si Chanler. I wasn't thinking at all that damn time. All I could think is Enzo Chanler is mine.






"I'll give you the black card, just get me my blueprint asap,"

I jumped in happiness the moment I heard it from my brother. Simple lang naman ang gagawin ko, dalhin ang blueprint na naiwan niya at dalhin sa MIA dahil nakalimutan niya ito, pero tumanggi ako. Not until I heard the word 'black card'.

"Okay, Kuya! I'll be there!" Masiglang sagot ko bago tuluyang ibaba ang tawag.

I went out of my room to go to his. Nasa dulo pa ng hallway ang kwarto ni Kuya Psalm. Nung pinihit ko ng doorknob ay hindi na ako nagulat na bukas ito. Unlike, Kuya Migo, who really like his privacy a lot, kaya naka-lock ang pinto palagi.

Nahagip agad ng mga mata ko ang blueprint na sinasabi ni Kuya na nasa study table niya. Maingat ko itong dinampot at nirolyo. Nakasabit ang tube holder nito sa upuan, pinasok ko agad ito duon para hindi magusot. Lagot ako duon. Final output niya ata ito bago ang exams niya.

I was about to turn my back when a shining, shimmering, gold envelop caught my attention. Alam ko na agad na isa itong exclusive party invitation.

Parties!

Pagbukas ko ay may laman itong card na kulay gold din. Sa likod nito ay may guest list, I spotted some celebrities in there. And ofcourse my Kuya Psalm's circle of friend, Kuya Iann, Kuya Tristan and my man, Enzo Chanler.

Yes, my man. He's mine. Lalo na ngayon na narinig ko na hiwalay na ito sa kanyang long time girlfriend na si Celine.

Paano sila nainvite sa ganitong klaseng party? Nakakainggit ha. Nung last time mayroon din silang ganito.

A mischiveous thought came into my mind.

The date of the party is today, tonight at exactly eleven. Alam kong hindi makakapunta si Kuya Psalm dahil magrereview ito para sa exams niya. But I'm sure who's gonna be there, Enzo Chanler.

Hindi ko na lang kaya kunin ang black card ni Kuya? Ang kapalit na lang ay itong party invitation? Makikita ko pa ang poging singkit na iyon!

This time I didn't steal it like the last party invitation I got from his table. Kukunin ko ito kapalit ng pagtulong ko sa kanya. Sinasakripisyo ko ang black card para dito!

Nagalit sa akin si Kuya nuon. His friends even heard me telling him the truth that I stole the invitation. Lalo silang nagpanic nuon nung malaman na kasama ko si Ria sa party na iyon.

Falling IrrevocablyWhere stories live. Discover now