22nd

1.8K 54 12
                                    

22nd



"Andra, be good to your classmates, 'kay?" I said as I tied her hair with a ponytail. Baka kasi pawisan siya kung nakalugay lang ang buhok kaya lagi kong tinatalian ang buhok niya. Kinapa ko ang towel sa likod niya para malaman kung nakalagay ito ng ayos.

"I'll pick you up--"

"Don't be late, Mommy!" Pagpuputol niya sa sinasabi ko. Napatawa ako ng bahagya. Kulang na lang ay magpalit kami ng posisyon, siya na nanay, ako na anak. Taray talaga nito eh.

"Okay, bye, baby, love you!" I said as I kissed her cheeks. She finally smiled.

"Love you too!" She said. Naglakad na ito papasok ng classroom niya. Kumaway ako sa kanya nung nasa upuan na siya at kumaway siya pabalik.

Huwag masyado kumunot ang noo, anak. Baka mapansin na talaga ni Tito Psalm mo na kamukha mo yung kaibigan niya.

I softly chuckled at my thought.

Nung makita na nagsimula na magturo yung teacher ay umalis na ako. Agad na kumalam ang tyan ko sa gutom pagkapasok ko ng sasakyan. Si Andra nga lang pala ang nakakain kanina dahil sa pagmamadali namin. I decided na mag drive thru muna sa isang fast food chain. I only ordered pancakes and a coffee.

Bahala na kung sobrang late na ako sa meeting. Yung lawyer na iyon naman kasi ang may kasalanan. Paibaiba ng schedule. I checked Mika's message on me that she's already there. I replied that on my way already.

Pero anong magagawa ko sa traffic ng Manila? Wala, 'di ba? Kaya naman halos dalawang oras na ata kong late para sa nasabing meeting with that attorney.

Nakatutok sa Waze at sa daan ang mga mata ko. Nung hinayag nito na narito na ako ay kumunot ang noo ko. Inabot ko ang coffee para uminom at halos maibuga ko ang iniinom nung makita ang signage ng building.

Lee-Del Vecchio Law Firm

Fuck! Sa firm talaga nila yung attorney na kakausapin ko? Oh God!

Napaubo na talaga ako sa pagkasamid. I tap my chest a bit as I gaped at the luxurious building. They had a renovation so I couldn't remember it in the first sight. Pero nung makita ko talaga yung logo at pangalan ay duon ko naalala. Ito nga pala yung address ng firm nila! Kaya pala pamilyar!

Binaba ko muna ang coffee ko tsaka nagmamadaling hinablot ang cellphone ko. Nataranta talaga ako lalo na nung may bumusina sa likod kaya napatalon ako. Nilingon ko ang rear view mirror.

Shit! Nakaharang pala ako sa entrance ng parking! I honked once before I drive again. Nakakahiya dun sa BMW na nasa likod ko. Hindi naman mahirap makahanap ng parking space. Padarag kong pinark ang kotse ko bago kinuha ulit ang cellphone.

"Mika--"

"Ma'am! Swerte ni'yo po wala pa yung attorney, na-late daw kasi may dinaanan pa,"

How unprofessional! Ia-adjust yung oras tapos male-late din pala. Nako baka hindi ko na pigilan ang sarili ko na sapukin iyon.

I rolled my eyes as I glance to my window.

Halos lumuwa ang mga mata ko nung makita kung sino ang bumaba sa BMW na nasa likod ko kanina at nasa tabi ko naman ngayon sa parking.

Oh God! Wearing a corporate attire, his hair in a clean cut, he really looked like an attorney now. I can't help but smile. Mukhang successful na rin siya sa career niya.

"Ma'am? Ma'am?"

Naibalik ko ang atensyon sa telepono nung nagsisigaw na si Mika sa kabilang linya.

Falling IrrevocablyWhere stories live. Discover now