11th

1.7K 35 2
                                    

11th



"Stop following me!" Singhal niya nung makita agad ako pagkalabas ng room niya.

Some of his blockmates looked our way. Umiling siya at nauna na maglakad. Sinundan ko agad siya.

It's already Thursday. Ilang araw na lang at matatapos na ang kasunduan namin. I'm already panicking deep inside but I kept it cool so he won't notice it.

Apat na araw na rin akong hindi napasok sa pagpunta ko lagi rito. Ganuon ako katutok na makuha siya.

Pero malas lang dahil grounded ako kasi nalaman ni Kuya na kinuha ko ulit ang party invitation sa kwarto niya. Kuya Psalm is dropping me off to school every morning. Tapos driver namin ang nasundo sa akin sa hapon.

Nahihirapan tuloy ako na makuha itong singkit na ito dahil wala akong kotse. Natakas lang ako pagkababa ko sa school at sisiguraduhin na nakalayo na talaga ang sasakyan ni Kuya Psalm. Tapos napipilitan akong mag commute  papuntang MIA Law School.

Gaya nga nang sinabi ni Enzo dati ay malayo ito sa department nila Kuya. Pasalamat na lang ako.

Tumigil siya sa paglalakad kaya nabangga ko tuloy ang likod niya. He then harshly grab my arm. Pumasok kami sa isang bakanteng room.

"Don't you have a class?!" Galit na singhal niya.

Napanguso ako. I've been doing this for four days already. Pero iba ata ang dating ng mga singhal niya sa akin. I became emotional and I felt my eyes watered.

Sobrang effort ako sa pagpunta rito para suyuin siya. Nabastos na nga ako sa jeep na sinakyan ko kanina dahil sa ikli ng uniform ko. Tapos nung isang araw ay nalaglagan ako ng pera, buti na lamang at may barya ako sa bulsa para pambayad ng pamasahe.

I inhaled to calm myself. Everything will be worth it. I can do this, I can win our deal.

"Don't give me that face!" Asik pa ulit niya. Naiirita siyang napasabunot sa sarili. Ako naman ay hindi makapagsalita bigla.

"Do you think I can fuck you inside the campus? Are you insane?"

Pinigilan kong ngumisi sa sinabi niya. It kinda lifted my mood. Aminadong may pakialam pa rin pala siya. And he's thinking about really fucking me.

Nangasim naman ang kalamnan ko sa salitang iyon. Well, we will just start like this so I could make him mine, so I could make him fall for me.

Kasi kung daretso kong sasabihin na mahal ko siya ay rejected agad ako tapos lalayuan na niya ako ng tuluyan. He wouldn't want me as his girl specially because he's obviously not over with his ex. Iyon ang narinig ko kay Kuya Psalm, nung kausap niya sa phone si Kuya Tristan at Kuya Iann.

Bigla ko tuloy naalala ang babaeng iyon, ayos lang kaya siya? Is the baby alright?

I shrugged off the thought. Hindi mo kasalanan iyon. I chanted on my head as I stared at him.

"Okay, I'll just go back tomorrow," Pinilit kong pasiglahin ang boses. Buti na lang at hindi ako pumiyok.

I sadly smiled at him as I turned my back. Pero hindi pa ako nakakailang hakbang nung muli siyang magsalita.

"Did you even eat something? Maghapon kang sumusunod sa akin,"

Saktong pagsabi niya niyon ay kumalam ang sikmura ko. Nakakahiya! Alam kong narinig niya iyon. Hindi ko siya nilingon at naglakad na muli.

Falling IrrevocablyWhere stories live. Discover now